Chapter IV: CampTour

300 9 0
                                        

Chapter IV: "CampTour"

Artifice POV 

 Nagdaan yung tatlong araw na kung ano ano lang yung ginawa namin kasi nga first week palang ng school --__-- Sayang tuition.

Naghahanda ako ngayon ng mga gamit kasi 3am dapat nasa FEU na. 1:30 am naman na e.

Pagkatapos kong gumayak naghintay nalang ako sa sala. Nanood ako ng TV.

Napagkasunduan kasi namin ni Drake na susunduin niya ko dito sa bahay tutal kami naman yung magkakasama hanggang sa pagdating namin ng Puerto.

Si Charlene kasi mahuhuli sila kasi may aayusin pa ata sila sa Council bukas. 

Officer kasi siya ng SC ng University.. Kaya baka sa Sunday pa sya ng gabi makarating sa Puerto.

Maayos naman na kami ni Drake e. Kaya lang di maiiwasan kung minsan yung nag sisigawan kami kasi bigla na lang syang sisigaw minsan ako din ganun sa kanya. Sa isang linggo naman na nakasama ko sya, hindi apat na araw palang pala XD Masasabi kong mabait sya kaya lang tahimik lang kung minsan, yung tipong ako dak dak ng dak dak tapos sya walang imik ganun ba :D HAHA!

Si Jacob naman last ko syang nakasama nung nasa cafetearia din. Yung bago kami pumunta ni Drake sa MOA nun. 

**You have a message** May nagtext pa. Si Drake siguroo.

**Unknown** Sino ka ya to?! --Opening message--

"Ingat kayo sa byahe Art. -Jacob"

Ahhh. Siya lang naman pala :) Nagreply ako ng "Ok. Salamat"

Nakakatuwa naman :D San niya kaya nakuha yung number ko? :DD

*Beeeeeeeep*

 May bumubusina pa. Katahimik kaingay! Si Drake na to sigurado! mayabang bumusina e! :DD

Lumabas nako tas hinatid ako ni Yaya sa gate.

"Goodmorning :)" Sabi ko sakanya with BIG BIG SMILE pa yun hah. Tapos umirap pa! Bwisit din e no? HAHA! Ganyan lang yan! Di mo alam kung bipolar o retarded lang talaga syaaa.

"Kumain ka na?" tanong nya sakin.

"Di pa." Di na kasi ako nagpaluto kay Yaya. Sayang sa pagod. :DD

Tapos lumiko sya sa Mcdo Drive Thru.

"Malelate tayo.." sabi ko.

"Parang makakaalis naman yung sasakyan kung wala ako?" sabi niya ng sarcastic. Kayabang talaga netooo.

"Sorry hah? Paimportante ka talaga!" sabi ko ng pasigaw.

"Hay. Ewan" sabi niya.

Umorder sya..

"Yung pang breakfast nga." sabi niya dun sa babae.

'Ilan po Sir? Dalawa?" tanong nung babae habang nakatingin sakin. Langya inirapan pako tapos sobrang makatitig kay Drake! Bwisit tong babaeng to a..

"Hindi. Isa lang. Di ko naman kayang ubusin yung dalawang order e --__--" sagot niya. HUWAAAAAT?! Kanya lang  talaga yung order niya?!! Tengene nemen! Akala ko sakin na! 

Natawa naman yung lintek na babaeng to. Feeling niya ang ganda ganda nya! E di hamak naman na mas maganda ako sa kanya noh! HAHAHA! Ayokong pinupuri yung sarili ko e :DD Minsan lang! :DD Pero back to reality! Hindi talaga nya ko oorderan? Nagugutom nako eeee. Bwisit talaga to. Hindi na nga lang ako kikibo! Putapete! 

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon