Chapter 52- MejoDrama :D

67 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako dun sa ginawa sakin ni Drake last week eh. Dapat ba?

Eh nararapat lang naman talaga yung ginawa nya ah?! Pero hindi man lang ako nakapagpasalamat..

Nakakakonsensya.

Pero bakit ganun?

Diba dapat galit ako sa kanya kahit anong gawin nyang kabutihan?

Diba dapat naiinis padin ako sa kanya?

Bakit yung minsang pag gawa nya ng mabuti sakin, ay napalitan kaagad nung pag lambot ng puso ko para matuwa nanaman sa kanya.

Kanina pa ko dito sa kwarto ko, paikot ikot sa kama.

Para tuloy ayoko na syang kalabanin sa BOTB.

Pero kapag naiisip ko naman na magbabackout ako, paano naman sila Jacob?

Mapapatawad kaya nila ako? Baka naman magalit si Charlene sakin -___-

Minsan iniisip ko tuloy bakit pa ako nag college?

Expected ko pag aaral lang yung poproblemahin ko pag narating ko ang kolehiyo, pero pati din pala yung mga tao sa paligid mo -___-

Edi wow. Hahaha.

Drama ko noh? XD

Pero bakit si Jacob pinatawad ko naman? Si Drake hindi? Pero ang isang napakalaking tanong, nanghihingi ba sya ng tawad o sorry man lang sakin? Tyaka ano bang dapat nyang ika-sorry sakin?

Wala naman syang ginawa sakin ah? Hindi naman nya ko sinaktan ng pisikalan (pero emosyonal OO as in OO)

Tyaka bakit ba kasi ako nagagalit sa kanya?

May karapatan ba ko? Eh ang tanging ginawa lang naman nya ay yung pag dating nya ay parang hindi na nya ko kilala, parang hindi kami nagkasama, parang hindi kami naging magkatabi o magkaklase, parang wala lang.

Isang panaginip na pag kagising nya, sino nga ba ako?

Eh diba nga hindi na daw nya ko kailangan?

Eh di ba nga masama talaga yung ugali nya?

Bakit hindi pa ko sanay?

Eh nung una ko nga syang nakita, lumabas agad yung napaka samang ugali nya.

Bakit kasi ginawan pa nya ko ng mabuti?

Bakit kasi nag aassume ako sa wala namang katiyakang bagay.

Bigla nalang tumulo yung luha ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Ganito pala masaktan. Maski minsan hindi ako nasaktan dahil lang sa pagmamahal sa isang lalaki.

Korni noh? Pero tama nga yung mga nababasa ko, kasi ayon sa mga yun, ganito  ang pakiramdam ng umibig.

First time eh. Sorry hah?

Habang iyak ako ng iyak biglang tumunog yung cellphone ko.

Pag kita ko sila mama yung tumatawag.

Ayokong sagutin. Malalaman nilang umiiyak ako at magtatanong sila at ayoko namang sagutin na dahil kay Drake kaya ako nag kakaganito..

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon