Chapter 16- Group Review

169 4 1
                                        

ARTIFICE POV

Ilang linggo na yung nakalipas magmula nung intrams. October na ngayon. Malapit na ang Finals, malapit nadin yung birthday ko :D . After nun University fair na. Tapos Battle of the Bands na sa December.

Kapag lumalabas ako sa CHSI sa likod ako dadaan para hindi ko na makita si Jacob dahil alam kong nandun sya palagi.

Naalala ko nung inaya ako ni jacob na  panuorin sila sa fair.

Walang hiya sya! Buti nalang at kasama ko palagi si Drake.

Nawala narin sa isip ko na crush ako ni Drake dahil lang sa ilang ulit nyang pag akap sa akin.

Hindi naman siguro..

Papalabas ako ng building ngayon. Pupuntahan ko si Drake sa Cafetearia. Ipinatawag kasi sya kanina eh. Sabi nya dun nalang daw kami magkita.

Kinuha ko yung wallet ko sa bag ko. Nakita ko yung keychain na napulot ni Drake sa MOA nun, yung itwist ko daw sya kapag nakita ko yung kapareho nya ay? Naalala nio pa yun?

Hindi ko pa sya ginalaw magmula nun. Lagi lang syang nakachain sa zipper ng bagpack ko.

Napangiti tuloy ako J

“Artifice..” nawala yung ngiti ko nung may tumawag na mahinang boses sa akin.

Alam kong boses ni Jacob yun kaya biglang kinabahan nanaman ako. Nakayuko kasi ako kaya pagharap ko nakita ko si Jacob. Nasa harapan ko.

Natakot akong bigla.

Naglakad ulit ako palayo sa kanya.

“Artifice.. bakit?” sabi nya. Binilisan ko yung lakad ko. Lumingon ako sa kanya tapos may nabangga akong tao. Si Drake.

Inakap ko sya bigla.

“Halika na.” Sabi niya tapos naglakad na kami palayo.

“ARTIFICE! Wag kang maniwala jan! Lumayo ka na sa kanya!” sigaw ni Jacob.

Hindi ko sya pinakinggan. Hanggang sa makarating kami sa Cafetearia nakayuko lang ako.

“Hoy. Wala na..” sabi nya.

“Iniwan mo kasi ako eh!” pagsisi ko sa kanya. Naiiyak nanaman ako. First time ko kasing magtiwala ng ganun kalaki sa isang tao tapos lolokohon lang pala ako.

“Sorry na. Hindi na mauulit.” Sabi niya.

“Salamat.” Sabi ko ng mahina.

Parang nakakatrauma pala yung ganun. Ngayon ko lang naexperience.

Ganito ba talaga kapag college? Madaming nangyayari?

“Malapit na yung finals. Nakapagreview ka na ba?” tanong niya habang kumakain kami.

“Malamang!” sabi ko.

“Yabang mo naman.” Sabi niya.

“Ikaw ba?” tanong ko.

“Hindi pa -__-“

“Bakit?”

“University fair na next month. Battle of the Bands nadin sa DEcember.” Sabi niya saakin.

“Ang excited mo naman! Dalawang bwan ba bago ang Band quarters ah!” sigaw ko sa kanya. Excited naman kasi talaga :D HAHAHA!

“Artifice, anim na bwan pinaghahandaan ang Band Quarters..”

Oo nga pala. Maglalaban laban nanaman sila. May mga band na dadayo dito para kalabanin nila. Mga ganun. Yung iba indi band para lang magpasikat. Ipinaliwanag na sa akin ni Charlene yun dati eh :D

“Oo nga pala. Sorry tanga lang?” Pabiro kong sagot.

“Reviewhin mo nga ako.” Pagaaya nya.

“Ayoko nga! Mataasan mo pa ako!” sagot ko.

“Sige na..” pakiusap niya.

“ANO NANAMANG PINAGTATALUNAN NIO? ABER?!” sigaw ni Charlene -__-

Dumadating eh kasama yung Jerry nya.

“Bakit nandito kayo?” tanong ni Drake sa kanila.

“Pinapaalis mo ba kami?” tanong ni Jerry sa kniya.

Oo nga pala hindi pa alam ni Charlene yung all about sa pinsan niya. Sabi kasi ni Drake sya na daw ang magsasabi eh.

“Oh nakapagreview na ba kayo? Malapit na finals ah?” tanong  Charlene sa amin.

“Eh yun nga yung pinagaawayan namin eh!” sabi ko. Sabay pa nga kami ni Drake eh. HAHAHA! Parehas kami ng nasa isip :D

“Ano garod balak nio?” tanong ni Jerry.

“Eh madamot to eh! Nagpapareview ako ayaw naman..” sabi ni Drake habang tinuturo ako.

“Kapal mo naman!” sabi ko sa kanya

“Tama na nga yan!” sigaw ni Charlene sa amin. Makasigaw to! Lakas!

Tumahimik naman kami bigla.

“Ganito nalang. Mag group review tayo bukas..” sabi nya.

“Okay.” –ako

“Sige!” –Drake

Odiba excited sya!? Madaya din to eh!

At the  end napagkasunduan na mag group review nga daw bukas tutal sabado naman.

Nandito na ako sa bahay ngayon.

Habang kumakain ako tumawag sa telepono sila Mama.

“Hello ma?” sabi ko.

“Kamusta na jan? Malapit na birthday mo ah?” sagot ni mama.

“Oo nga :D Next week birthday ko na nga pala” naeexcite kong sagot :D October 14 :D Tapos After nun finals na T___T KAMALAS!

“Anong balak mo?” sabi ni mama.

“Wala naman.. May pasok nun eh.” Sagot ko.

“December pa uwi namin ni Papa mo eh. Bahala na sa Birthday mo ah. I love you anak. Babye!” paalam ni mama.

Sanay nakong wala sila kapag birthday ko :D Every December lang kasi yung uwi nila eh.

Nahiga na ako pagkayari kong kumain.

Sa bahay daw nila Charlene magrereview bukas eh. 10 am susunduin ako ni Drake dito.

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon