Papunta kami ngayon sa first game ng liga kung saan nakasali ang basketball team nila Gideon at gaganapin yon sa basketball court na nandito sa subdivision. Siguradong dadagsain yon ng mga tao lalung-lalo na ang mga tao na nakatira rito. I wonder kung manonood si mama? Mga 4PM mag-start, susunod daw si Ninong para support din para sa kanyang anak. Sana hindi siya magtagal at sana nandito nga si mama kahit kasama pa niya ang mga kaibigan niya para may kasama din akong manood. Wala na akong pakialam kung ipakilala man ako ni Gideon na girlfriend niya, kahit malaman pa ng buong subdivision. Gusto ko mang pakiusapan siya na itago lang muna namin, ayoko din namang masaktan ang feelings niya. Sinabi namin kay Ninong at okay lang sa kanya, mas mabuti pa nga daw yon kaysa malaman ng lahat ang relasyon namin. Pag nangyari daw yon, ako daw ang grabeng maaapektuhan lalung-lalo na at bata pa ko at nag-aaral. Ang importante ay magkasama daw kami at hindi naghihinala ang mga tao dahil nga malalaman nilang kami ang may relasyon. Ang pinag-aalala ko na ngayon ay ang reaksyon ng mga kaibigan niya at si Eunice. Sa totoo lang kaya ko naman siya na i-handle kaso sobra siyang gumawa ng eksena. Baka magwala na lang sa gitna ng court at kung anu-anong paninira ang sasabihin niya tungkol sakin kahit hindi naman totoo. Ina-assure naman ako ni Gideon na hindi niya hahayaang mangyari yon at siya na ang bahala sa mga kaibigan niya. Sabagay, kung andon naman ang mama ko, talagang poprotektahan ako non, siya pa eh ang dami niyang tinaboy na babae na umaaligid non kay papa. Dahil malapit lang naman ang court, nag-decide kami na maglakad na lang, bahagya pa nga kong nagulat nang hinawakan niya ang kamay ko. Syempre nag-uusap na may kahalong sweetness at ganoon kami natagpuan ng mahal kong ina kasama ang mga suki niyang customers at kaibigan sa salon.
"Sherri!" tawag nito sakin at nag-wave pa. Napatingin ito sa magkahawak kamay namin ni Gideon at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. "Magkasama pala kayo ni Gideon, akala ko nga hindi ka manonood."
"Hi Tita!" masaya niyang bati at hinila niya ko palapit rito. "Ayaw ngang manood ni Sherri eh, buti napilit ko. Kailangan ko kaya ang support ng girlfriend ko." napataas ito ng kilay at tumingin sa aming dalawa. Nagbulungan din ang mga kasama nito na nasa likod niya.
"Girlfriend mo ang anak ko? You mean kayo? As in kayo na?" di-makapaniwala nitong sabi.
"Yes Tita, pasensya na hindi namin nasabi sayo. Gusto sana naming walang munang makaalam pero nandito na din naman kayo. Sana okay lang po sa inyo."
"Naku naman, syempre approve ako sa inyo. Bagay na bagay kayo diba mga kumare?" masaya nitong sabi.
"Ma, pasok na tayo. Kailangan pang magwarm-up ni Gideon." singit ko naman.
"Hindi pa ba kayo nag-warmup bago pumunta rito?"
"Mama!" saway ko sa kanya at alam kong namumula ang mukha ko sa sinabi niya. Tumawa lang naman siya at iginaya na kami sa loob ng court. Umupo sa benches na naroon sila mama habang hinila naman ako ni Gideon palapit sa corner ng kanilang team, nandon na lahat ng kasama niya at hindi na ko nagulat pa nang makitang andon rin si Eunice at inaasikaso ang mga players.
"Gideon!" masaya nitong sabi at akma niya itong yayakapin pero umiwas siya. Nawala ang ngiti nito pagkatapos ay tumingin ito sakin. "Anong ginagawa mo rito?" sungit niyang tanong. "Nagdala ka pala ng maid mo Gideon."
"Manahimik ka nga Eunice. Girlfriend ko siya okay so back off." galit naman na sabi ni Gideon.
"Woah! Girlfriend? Si Miss pa-virgin ng school? Ang baba pala ng taste mo sa babae." tumawa ang mga kasama niya. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Gideon sa kamay ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Doon lang ako kila Mama, need mo pang mag-ready eh. Galingan mo ah babe, I'll be cheering for you." hinapit niya naman ako sa aking baywang na may matamis na ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
A Summer With Sherri Season 2 (Silva-Valdez Series)
RomanceSEASON 1 Matagal ng in love at pinagnanasahan ni Sherri ang kanyang Ninong. Mula nong mamulat siya sa mundo ng kalibugan, ito na ang gusto niyang makakuha sa kanyang virginity. Ang problema? May asawa itong sopistikada na walang ginawa kundi mag par...