Sherri Final Part 2

5.7K 27 1
                                    

One year later…

Kasama ko ngayon si Mama sa ospital para magpatingin kay Dr. Rivera, ang doktor na tumingin sa akin non nang mag-miscarriage ako. Naging kaibigan ko na rin siya at sa kanya ako humihingi ng advice sa mga concerns ako. One year na ang nakalipas ng mag-graduate ako, at the same time nag-propose ang aking mga asawa. Agad kaming nagpakasal na tatlo, isang garden wedding na ginanap sa isang hardin ng malaking hotel. Balita ko pagmamay-ari yon ng kaibigan ni daddy. Private ang occasion, konti ang bisita, mga parents ko at ang aking bestfriend na si Jewel kasama ang kanyang apat na asawa. Nakatatlong lalakeng anak na nga siya at ang isa ay on the way, malaki na nga ang tiyan eh. Masaya ako at nakapunta siya, super blooming ang loka! Ang gugwapo din ng kanyang mga asawa na magkakapatid. Pareho kaming naging swerte sa love life. Ang kinuha naming nagkasal samin ay ang nagkasal rin kila Jewel.

Syempre dalawa silang naghintay sa altar at hinatid ako ng aking Papa ng walang tigil sa pag-iyak. Mas lalo siyang nag-drama kaysa kay Mama na pinagtatawanan siya. Matapos ang kasal, sa ibang bansa kami nag-honeymoon. First time kong magpunta sa Madrid, Spain at super ganda naman talaga ng place na yon. Sinulit namin ang one week naming stay doon at hindi ako tinigilan ng dalawa sa kama. Itinigil ko na ang pag take ng pills dahil gusto naming makabuo agad. But after three months of trying, wala pa rin. Ang sabi ng doktor, mahihirapan daw akong magbuntis dahil sa trauma na naranasan ko noon. Magkaganon man, hindi kami sumuko, nag-try kami ng mga ways para successful ang conception. Ngayon, nagmissed ako ng period this month, pero last month nagbleeding lang ako ng konti, medyo bumibigat ang mga suso ko at nauseated ako sa umaga. Ayokong paasahin ang mga asawa ko at baka false signs lamang ang nafi-feel ko at na delay ang period ko. Nasa trabaho sila ngayon, kaya nagpasama ako kay Mama. Ngayon, hinihintay namin ang results ng blood test ko na talaga namang nakakakaba.

"Anak, kumalma ka lang." sabi sakin ng aking ina na gusto na ring magkaapo.

"Paano pag false alarm Ma? Hindi ko kakayanin pag nagkaganon." bago pa siya makasagot, bumalik ang doktor at hawak niya ang results. Umupo siya sa kanyang swivel chair at nakangiting humarap sa akin.

"Congratulations Sherri, your 7 weeks pregnant." tuwa nitong sabi. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa tuwa hanggang sa bumuhos na ang luha ko at yumakap ako kay mama.

"Talaga doc? Magkaka-baby na ko?!" di-makapaniwala kong sabi. 

"Yes Sherri halos magto-two months na. Your going to have an ultrasound para marinig natin ang heartbeat at makita si baby." tumango lang naman ako. Iginaya niya kami sa isang stretcher na may stirrups. Pinapalitan niya muna ang aking damit sa isang hospital gown at tinanggal din ang aking panty. Clinose niya ang puting kurtina para may privacy kami at pinahiga niya ko roon. Nilagay niya ang aking mga papa sa stirrups kaya nakabukaka ako ngayon. "Transvaginal ang gagawin natin ah. I-insert ko tong wand na toh sa vagina mo hanggang sa cervix para makita at marinig natin." 

"Okay doc." sagot ko. Nasa tabi ko naman si Mama at mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Nang nakahanda na ang lahat, ipinasok na ng doktor ang wand sa loob ko. Medyo uncomfortable at medyo masakit pero tiniis ko na lang. Maya-maya, nakarinig na kami ng heartbeat at pagtingin namin sa monitor, nakikita ko na si baby na parang maliit na peanut. Sinabi sakin ng doctor ang mga detalye at nag-print din siya ng picture. Gumaan ang pakiramdam ko nang sinabi niyang healthy ang pagbubuntis ko. Sobrang saya namin na umalis ng ospital at binigyan ako ni Dr. Rivera ng vitamins at supplements. May restrictions din ako sa mga activities ko at wala munang sex ngayong first trimester ko kasi ito daw ang pinakasensitive part ng pagbubuntis. Kailangan talagang mag-ingat dahil may history na ko ng miscarriage. 

Pagkauwi namin ng bahay, sinamahan muna ako ni Mama, siya na rin ang nagluto ng dinner namin para hindi daw ako mapagod. Maya-maya pa, dumating na ang aking mga asawa. Masaya nila akong niyakap at hinalikan at ninerbyos naman ako sa magandang balita na sasabihin ko sa kanila. Pareho ko silang pinaupo sa sofa. 

A Summer With Sherri Season 2 (Silva-Valdez Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon