Bonus Chapter! 1

4.7K 23 0
                                    

Dala ang mga lunchboxes na ginawa ko para sa aking mga future husbands, pumunta ako sa company building para i-surprise din sila. They surprised me the other day nang nag-propose sila sa restaurant kung saan nag-celebrate ng patatapos namin ni Gideon sa college. Napakasaya ko lang talaga so I decided to make them lunch. Sana nga lang at hindi sila busy, hindi ko kasi sila tinawagan dahil sobrang na-excite ako. Niluto ko ang mga favourite nilang pagkain, at alam ko hindi nila ito matitiis. Pinapasok agad ako sa building, binati ko ang mga receptionists at binigyan ko sila ng box of cookies. Ang alam ng lahat, girlfriend ako ni Gideon, hindi ko alam kung genuine na mabait sila sakin o mabait lang sila dahil girlfriend ako ng anak ng kanilang boss pero hindi ko na lang yon pinapansin. Ang importante naman eh, alam kong mahal ako ng dalawang lalake sa buhay ko. Si Mama ko nga excited na sa magaganap na kasal namin, excited siyang tulungan akong magplano at samahan ako para pumili ng gown. Ang hinihiling ko lang ay huwag sanang masyadong magarbo na sinang ayunan naman nilang lahat. Sinabi ko ang magandang balita sa bestfriend ko na si Jewel na mas naunang ikinasal, may dalawang anak na nga siya at may incoming pa. Sinabi naman ni Giovanni at Gideon kay Miss Regina ang pagpapakasal namin at masaya din siya. Actually, naglilive-in sila ngayon ng bata niyang boyfriend at mukhang may balak na rin.

Nang makarating ako sa top floor, nadatnan kong wala doon si Miss Martha, ang napakabait na secretary ni Giovanni. Asan kaya siya? May dala din kasi akong cupcakes para sa kanya. Umupo ako sa cushioned leather bench na naroon at tumingin sa paligid. Naku, wrong timing yata ako, mukhang busy sila, may important meeting siguro. Siguradong kasali din doon si Gideon. Hayss...hihintayin ko na lang sila, matatapos na din siguro sila dahil lunch time na. Hindi naman ako naghintay ng matagal, bumukas ang pinto ng conference room pero hindi si Giovanni, Gideon o sana si Miss Martha man lang ang lumabas kundi ang kontrabida ng buhay ko, ang magaling na publicist ng company, si Jenika. Galit na siya sakin ng minsan akong pumunta rito para dalhan ng lunch si Ninong, nakaka-encounter ko siya minsan sa mga visits na ko rito at panay insulto ang natatanggap ko sa kanya. Yon nga lang, pag wala sila Ninong o kaya naman si Gideon niya ginagawa pero pag kaharap namin sila, para siyang anghel. Two faced bitch! Pero ngayon, kami na lang ang nandito at hindi ko na siya maiiwasan pa! Biglang nag-alab sa inis ang mga mata niya ng makita niya ako.

"Ikaw na naman? What are you doing here? Dadalhan ng lunch ang Ninong mo? Hindi ba dapat si Gideon ang inaasikaso mo?" maarte niyang sabi pero hindi ko siya sinagot. Baka pag hindi ko siya pansinin, pababayaan niya na lang ako. "I'm talking to you little girl. Nakakaintindi ka ba? Kakagraduate mo lang sa college diba? Your not that smart after all." pang-iinsulto niya.

"Ang dami mong sinasabi manang? Bakit? Bawal bang dalhan ng lunch ang boyfriend ko at ang ama ng boyfriend ko? I was not answering you because I want you to leave me alone pero sadyang makulit ka manang." sagot ko sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata pero bigla siyang natigilan. Agad siyang lumapit sakin, hinablot ang kamay ko at itinaas yon. Kitang-kita na niya ngayon ang engagement ring ko.

"Gideon Mangietti propose to you?!" di-makapaniwala niyang sabi. Binawi ko ang kamay ko at lumayo sa kanya. Pilit siyang tumawa at galit na galit na siya ngayon na nakatingin sakin. "What did he even see in you? Isa ka lang babae na mahilig sa halaman, nagbubungkal ng lupa, madumi, mabaho sa ilalim ng mainit na araw. Your not even a daughter of the elite at ang balak lang pagtapos ng kanyang college ay magtayo ng flower shop." napakuyom palad naman ako. Paano niya nalaman lahat ng yon? "Listen little girl, the world of the elite is not for you. Sa tingin mo ba tatanggapin ka sa mundo nila eh isa ka lang mahirap na flower girl! Gusto mo bang mapahiya si Gideon sa mga future business partners niya ha?!" hindi na ko nakasagot at yumuko na lang dahil tama naman lahat ng sinabi niya.

"Sherri?!" lumingon ako at pilit na ngumiti kahit naiiyak na ko nang makita si Miss Martha. Nanggaling siya sa elevator at maraming dalang documents. Tinulungan ko siya at nilagay yon sa kanyang table. "Nandito ka pala, matatapos na rin ang meeting nila, maghintay ka na lang ng konti pa ha?"

"Ay naku, huwag na po. Idadaan ko lang kasi tong lunch na ginawa ko tsaka para po sa inyo toh." at binigay ang box ng cupcakes. "Kikitain ko po si Jewel ngayon kaya aalis na po ako. Pabigay na lang po Miss Martha." at inabot rin ang paper bag rito. Nadinig ko ang pag-ismid ni Jenika si likod. "Sige po, mauuna na ko."

"Sige, mag-ingat ka ha at congratulations nga pala. Masaya kasing sinabi ni Sir Gideon, maswerte siya sayo."

"Salamat po." sincere kong sabi. Nagpaalam na ko, hindi pinansin si Jenika at pumasok na sa private elevator. Pagkasara non, hindi ko na napigilan ang aking luha. That woman is so frustrating! Bakit ba ko nagpapaapekto sa kanya ng ganito?! I know my men, wala silang pakialam kahit sino ako, kahit mahirap lang ako pero nakakainis lang dahil wala akong maipagmamalaki! Nagsinungaling ako kay Miss Martha, hindi naman talaga ako makikipagkita sa bestfriend ko pero need ko ng makakausap. Sumakay ako ng taxi at tinawagan si Jewel, buti na lang at nasa boutique siya. Nagkita kami sa cafe na malapit roon, hindi pa halata ang tiyan niya dahil kailan lang nila nalaman na buntis ulit siya. Sa isang pinakadulong booth siya na nakapwesto at bagsak akong umupo sa katapat niyang upuan.

"Oh, kala ko ba magla-lunch ka kasama ang mga future husband mo?" kinuha niya ang kamay ko at namangha ng makita ang suot kong singsing. "Wow... they really did it huh?"

"Yeah... Kanina lang ang saya-saya ko tapos may kontrabida who spoiled it all. Bad trip talaga ang bitch na yon!" inis kong sabi at uminom ng tubig na binigay sa amin. Agad kaming nag-order ng pagkain kasi gutom na ang buntis. Sana all!

"Yong Jenika? Sinabi ko naman sayo na hindi ka titigilan ng babaeng yon. Obsessed yon sa Ninong mo eh, wait, obsessed siyang maging mayaman pala. Bakit kasi ayaw mong sabihin sa kanila ang pangbu-bully niya sayo? What did she say this time?"

"Na isa akong babae na walang maipagmamalaki... Na hindi ako bagay sa mundo nila. Sabihin mo nga? Masama ba na mahilig ako sa mga halaman? Na gusto kong magtayo ng sarili kong flower shop?"

"Besh, ako nga lingerie boutique ang meron ako. As long as masaya ako sa ginagawa ko at napapasaya ko rin ang iba, walang masama doon. Flower shop is just a start, your dedicated Sherri at alam kong magiging successful ka kaya laban lang. Pakakasalan ka na nga nila, ano pang magagawa ng Jenika na yon?"

"Alam ko pero sumusulpot ang mga insecurities ko. Lalo na pag naiisip ko ang pagkawala ni baby Cherub. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naiisip na iwan nila akong bigla."

"Ano ka ba, ganon ba kababaw ang tingin mo sa mga magiging asawa mo? Kung ganon, hindi mo na lang sana tinanggap ang marriage proposal nila." natigilan naman ako. "Hindi mo ba napapansin na binibigay nila ang kanilang best para sayo? Para mapasaya ka lang? Pero ikaw nagpapalamon sa insecurities mo na hindi naman kailangan. Mahal mo ba talaga sila?"

"Of course I do! And I want them to be really happy with me."

"Yon naman pala! Huwag mo ng pansinin yong sinabi ni Jenika, just focus on your men okay?" ngumiti ako at tumango.

"Salamat at nandito ka para kausapin ako." tuwa kong sabi. "Nga pala, may mga bago ka bang lingerie dyan?" pilya siyang ngumiti.

"Naman beshy! Naka, pag nakita ka nina Giovanni at Gideon, hindi ka na nila pakakawalan pa!" natawa naman ako. Saktong dumating na ang waiter at sinerve ang napakarami naming pagkain... Namimili ako ng mga lingerie sa boutique ng kaibigan ko ng mga oras na on nang tumunog ang aking phone. Nakita ko ang name ni Giovanni sa screen kya agad kong sinagot.

"Sweetheart... Come home please..." rinig ko sa garalgal na boses ni Giovanni at bigla akong kinabahan ng todo.

A Summer With Sherri Season 2 (Silva-Valdez Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon