Two weeks na ang nakalipas simula nong lumabas na ako ng hospital. Dahil sa nangyari sakin sa restroom nong araw na yon, nawala ang baby ko at muntik na ring mapahamak ang buhay ko dahil sa labis na pagdurugo. Wala akong alam na buntis na pala ako. Sinabi ko sa doctor na nagte-take ako ng contraceptive pills pero meron daw talagang mga pills na hindi nage-effect o hindi compatible sakin kaya ganon. Wala akong kaalam-alam at kakaibang nararamdaman hanggang sa naisip ko na nag-missed pala ako ng aking period. Ang tanga-tanga ko kasi at nawala sa isip ko yon. Kasalanan ko talaga kung bakit nawala ang baby namin. Kung hindi ko pinatulan si Eunice, malamang hindi niya ko masasaktan. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Napakahirap pang magmove on sa lahat ng nangyari dahil wala sa tabi ko ang mga lalakeng mahal ko. Mula kasi nang mag-usap sina Papa at Ninong sa ospital, si Papa na lang ang bumalik sa hospital room ko na galit na galit. Pinalayas niya si Gideon na nakiusap sa kanya pero hindi siya nakinig. Wala siyang sinabi sakin at hindi na kami nag-uusap pa hanggang ngayon. Hindi niya pinayagan si Ninong at Gideon na makita ako at dalawin. Kahit dito sa bahay, hindi niya pinapayagan na pumasok sila o makalapit sa akin. Matagal ko na silang hindi nakikita at miss na miss ko na sila. Nandito lang ako sa kuwarto ko at hindi lumalabas, nag-iisa, nagluluksa sa pagkawala ng baby ko pati na rin ang dalawa. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si Mama na may hawak na tray na may pagkain.
"Anak... please kumain ka na. Ang payat mo na oh." sabi niya at tinabihan ako sa aking kama.
"Wala akong gana Mama." sagot ko naman.
"Alam kong mahirap tanggapin ang nangyari anak pero kailangan mo rin namang alagaan ang sarili mo."
"Alagaan ang sarili ko? Napabayaan ko nga ang baby ko, nawala siya dahil sakin. Tapos ang lupit-lupit pa ni Papa." napakagat ako ng labi at tumulo na ang luha ko na hindi ko mapigilan. Ang sakit lang kasing isipin na wala na nga ang baby ko, galit sakin si Papa at wala pa ang mgs lalakeng lubos na nag-aalaga at nagmamahal sakin. Paano ko ba naman kakayanin toh?! "Mahal ko sila Mama, kailangan ko sila."
"Ang Papa mo, ginagawa niya toh para protektahan ka. Nang malaman niya ang tungkol sa inyo ni Giovanni at Gideon, feeling niya pinabayaan ka niya dahil hinayaan niyang mangyari toh. Bukod sa may relasyon ka sa Ninong mo, kayo din ni Gideon. Mali... Parang mali Sherri."
"Walang mali dahil nagmamahalan kami. Ginusto ko toh, hindi nila ako pinilit, ginusto ko lahat ng mga nangyari sa amin. Wala na akong pakialam sa kahit anong sasabihin ng iba. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na kasama sila. Inaalagaan nila ako, pinaparamdam nila lagi na mahal nila ako. Bakit hindi niyo yon makita? Bakit hindi niyo maintindihan? Bakit hindi niyo matanggap ni Papa?!"
"Tanggap ko anak at alam kong sila lang ang lubos na magpapasaya sayo." ngumiti siya at pinunasan niya ang luha ko. "Tama na ang drama okay? Bumaba ka na at hinihintay ka na ng dalawang prinsipe mo." nagtataka akong tumingin sa kanya. "Tinawagan ko si Giovanni at susunduin ka na nila. Wala na akong pakialam kahit mag-away pa kami ng papa mo, ayokong mawala ka samin. Ang importante ay masaya ka."
"Salamat Mama!" tuwa kong sabi at niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.
"Makakabuti sayo na sila ang kasama mo lalo na ngayon na nawalan kayo ng anak. Wala kang kasalanan anak, aksidente ang nangyari at hindi mo ginusto yon. Basta ngayon, mag-iingat ka ha, wala munang baby hangga't hindi ka nakakapagtapos ng college."
"Opo Ma... Promise ko sa inyo na tatapusin ko muna ang studies ko. Sisiguraduhin ko na magiging proud kayo sakin."
"Noon pa man, proud na kami sayo Sherri." hinalikan ko siya sa pisngi at nagyakapan ulit kami. "Ay naku, tama na nga toh. Ayusin mo muna ang sarili mo at bababa na tayo." tumango lang ako at mabilis na pumasok sa banyo. Naghugas ako ng aking mukha, nag-toothbrush, inayos ang buhok ko at pinalitan ang suot kong pajamas sa isang cute na red ruffled dress. Nang matapos ako, bumaba na kami at nadatnan ko ang dalawa na nakaupo sa sofa sa sala namin. Agad silang tumayo nang makita kami. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko, patakbo akong lumapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit. Hinalikan ako ni Gideon sa noo at mahigpit niya kong niyakap. Ngumiti naman si Ninong at hinaplos ang ulo ko.
"We are so happy to see you sweetheart." malambing nitong sabi. Hindi ko naman mapigilan na umiyak at inalo ako ni Gideon.
"Shhh...it's okay babe. Nandito na kami." sabi nito. "Tita, salamat at pinayagan mo kaming makita siya."
"Wala yon Gideon... Ayoko lang kasing nakikitang malungkot ang anak ko. Alagaan niyo siya ng mabuti at Sherri, tatawagan mo ko lagi ah."
"Yes Mama... thank you ulit..." masaya kong sabi.
"Ang mabuti pa ay umalis na kayo bago pa kayo abutan ni Kurt dito at tuluyan na yong magwala. Ako na ang kakausap sa kanya."
"Thank you Sasha... I owe you a lot." sabi ni Ninong.
"Wala yon... Hindi ka din naman iba sakin. Matagal na kitang kilala kaya alam kong hindi mo sasaktan si Sherri. Anak, huwag mo ng pababayaan ang sarili mo ha."
"Salamat ulit Mama, I love you and pakisabi na rin kay Papa na love ko rin siya." Tumango lang ito at iginaya naman na ko ng dalawa palabas. Pinagbuksan ako ni Gideon ng pinto sa backseat at pumasok ako. May nakita akong basket ng bulaklak sa likod pero hindi ko na din yon pinansin. May mga luggage din na naroon na ang alam ko ay naglalaman ng mga gamit namin. Pumasok rin siya at tumabi sakin, si Ninong naman ang magda-drive.
"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko habang nasa daan kami.
"May ipapakita muna kami sayo tapos didiretso na tayo sa lakehouse. Kailangan mo yon babe." sagot ni Gideon.
"We also need to get you some food. You're so skinny. Sana hindi mo pinapabayaan ang sarili mo sweetheart. Ayokong pati ikaw ay mawala samin."
"Gusto niyo pa rin akong kasama kahit nawala ang baby natin? Kasalanan ko kung bakit siya nawala."
"Oh Sherri..." malungkot na sabi ni Gideon na niyakap ako. "It's not your fault. In the first place, hindi natin alam and the last few days we've been rough on you. Tsaka sana sinamahan kita sa CR non, alam ko ang ugali ni Eunice at alam kong kukuha siya ng pagkakataon para harassin ka at ginawa na niya. I will make her pay for what she did to you."
"But first we need to take care of you. Makakabuti sayo ang pag-stay natin sa lake house." nagtaka ako nang pumasok kami sa isang sementeryo. Tumigil ang sasakyan sa tabi ng isang malaking puno.
"Daddy, bakit tayo nandito?" tanong ko. Bumaba kami at hinawakan nila ang kamay ko. Kinuha ni Gideon ang mga bulaklak.
"Our child needs a proper burial sweetheart. This is the least we can do for him or her. Halika..." hinila nila ako sa damuhan at tumigil kami sa harap ng isang marble white na puntod na may maliit na angel statue sa gitna nito. Ang nakalagay doon in gold letters ay Baby Cherub Valdez. Binaba ni Gideon ang mga bulaklak sa tabi nito. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko nang makita ko yon pero masaya ako at ginawa nila ito para sa baby namin. Lumuhod ako sa harap non at masuyong hinaplos ang puntod.
"Hindi man kita nakita baby pero mahal na mahal kita. Sorry at hindi kita naalagaan ng mabuti. Sana masaya ka sa heaven. I love you so much baby Cherub." umiiyak ko na namang sabi. Tumabi sakin ang dalawa at hinapit sa kanila.
"Mahal na mahal ka din namin baby. Aalagaan namin ng mabuti ang mommy mo para sayo." nag-stay pa kami ng ilang minuto bago naming napagdesisyunan na umalis na. Baka kasi gabi na kami makarating sa lakehouse. Sobra akong nagpasalamat sa kanila sa kanilang ginawa. Masaya ako at may hinayang rin dahil hindi ko nakasama ang baby ko. Habang nasa daan, dumaan kami sa isang restaurant para kumain. Si Ninong ang nag-order para sakin, light foods lang daw muna para hindi mabigla ang tiyan ko. Nakatulog din ako sa biyahe at tsaka lang ako ginising ni Gideon nang makarating na kami sa lakehouse. First time kung pumunta rito at talaga namang namangha ako nang makita ang place. Bumaba ako at napapaligiran kami ng mga puno, hindi gaanong malaki ang cabin pero homey tignan at nakatayo mismo siya sa tubig. Malalawak ang porch kung saan puwede kang tumalon para mag-swimming, may malaking hammock rin na nakabitin sa isang puno na gustung-gusto kong subukan. Sumilay ang malaking ngiti sa aking labi at sinamyo ang sariwang hangin. Gumaan ng husto ang pakiramdam ko.
"Do you like it?" tanong ni Ninong na sobrang nakangiti rin. Pinapasok nila ang mga gamit namin sa loob ng cabin.
"Yes daddy! Ang ganda dito!" tuwa kong sabi. Lumapit siya sakin, hinapit ako palapit sa kanya at masuyo niya kong hinalikan sa labi. Hinawakan ko ang mukha niya at nilaliman ang aming halik, binuka ko ang aking bibig at nag-espadahan ang aming mga dila.
"Mmm...I miss you so much sweetheart." bulong niya sakin at hinalikan ako ulit na sabik kong tinugon. Naghiwalay kami ng tinawag kami ni Gideon na pumasok na. Hindi naman siya nagpatalo at hinalikan niya rin ako. Hawak ko ang kamay nilang dalawa, magkakasama na kami at wala na kong ibang mahihiling pa...
BINABASA MO ANG
A Summer With Sherri Season 2 (Silva-Valdez Series)
Roman d'amourSEASON 1 Matagal ng in love at pinagnanasahan ni Sherri ang kanyang Ninong. Mula nong mamulat siya sa mundo ng kalibugan, ito na ang gusto niyang makakuha sa kanyang virginity. Ang problema? May asawa itong sopistikada na walang ginawa kundi mag par...