Bonus Chapter! 2

6.5K 35 1
                                    

Mabilis akong nagpaalam kay Jewel nang makatanggap ako ng tawag mula kay Giovanni. Wala na siyang sinabing iba, basta umuwi na daw ako. Habang nasa taxi ako kung anu-anong pumapasok sa utak ko kaya kinalma ko ang sarili ko. Tama si Jewel, mahal ako ng dalawa at hindi nila ako pinapabayaan, I trust them. Agad akong bumaba at nagbayad ng fare nang tumigil ang taxi sa harap ng bahay. Madali akong pumasok sa loob at natigilan ako nang makita si Gideon na nakaupo sa sofa na puno ng kalmot ang kanyang mga braso at pati na rin ang mukha. Nasa cellphone naman niya si Giovanni na may kinakausap. Napatingin sila sakin ng mapansin ako. Nilapitan ko si Gideon at tinignan ang kanyang mga sugat.

"Baby, anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya at napapangiwi siya sa paghawak ko sa kanya. "Sorry, may nakaaway ka bang pusa o ano?" natawa siya at niyakap ako.

"I'm okay babe, this are just scratch compare sa ginawa niya sayo." sabi niya. Humiwalay ako at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Ginawa sakin? Anong sinasabi mo?" lumapit sakin si Gio at hinalikan niya ko sa noo. "Daddy, malakas atah ang tama ni Gideon."

"Sweetheart, it's all okay. I'm sorry kung hinayaan ko si Jenika na tratuhin ka ng masama." napakurap ako.

"I was there Sherri, narinig ko ang ang lahat ng mga sinabi ni Jenika sayo. I want to strangle her neck back then but I know it will not be enough." sabi ni Gideon. "So after ng meeting, kinausap ko si Papa."

“Gideon told me everything and I fired her earlier. Hindi niya nagustuhan yon, she threatened us, attacked him and I had to call security to drag her ass out. Sweetheart, bakit hindi mo sinabi sa amin, I should have dealt with her a long time ago.”

“Oo nga naman babe…” hinawakan niya ang mukha ko at ngumiti naman ako. “Kung hindi ko pa nalaman baka patuloy ka pa rin niyang binubully.”

“Hay naku, ayos lang sakin yon. Hindi ko na nga lang siya pinapansin eh pero ayaw niyang tumigil. Pero salamat sa ginawa niyo. Alam ko naman na hindi niyo ko pababayaan and I am so lucky na kayo ang pakakasalan ko.”

“Kami rin naman sweetheart… Ayos ka lang ba? Nagkita ba kayo ni Jewel?”

“Yeah, we had lunch at marami din akong binili sa kanyang boutique. But, you’ll have to wait and I will let you see tonight.”

“Sherri naman… Hindi ba pwedeng ngayon na?” at bumaba ang kamay ni Gideon sa hita ko tapos ay hinaplos yon. Napansin kong lumaki ang bukol sa kanyang gitna.

“Masyado ka! Hindi ba dapat nasa office ka ngayon?”

“Nagdesisyon kaming nag halfday, gusto naming makasiguro na okay ka lang. Hindi ka ba niya sinaktan physically.”

“As if naman patatalo ako pag ginawa niya yon. Kalbo sana na siya ngayon noh. Okay lang ako, mukhang naabala ko pa kayo sa trabaho niyo. Sorry ah, sa susunod tatawag muna ako bago kayo puntahan sa office.”

“Walang problema yon Sherri, basta tandaan mo lang na ikaw ang una, your are our first priority okay. Tell us kung may problema ka and we will always be here for you.” sobrang grateful naman ako sa aking narinig at niyakap silang dalawa.

“Sandali, kinain niyo ba yong lunch na dinala ko?”

“Sorry babe, nawalan na rin kami ng gana kasi eh. Inuwi na lang namin.”

“Kung ganon, papakainin ko na lang kayo.” tumayo ako at pumunta sa kusina. Nasa dining table ang mga lunchboxes nila kaya ang ginawa ko ay ininit ko na lang sa microwave. Nang tinawag ko na sila para kumain, nakasuot na sila ng casual clothes at natuwa sa niluto ko. Umupo ako sa gitna nila at minsan sinusubuan silang dalawa. Nagpapasalamat ako at wala ng toxic sa kumpanya, sana nga lang tuluyan na akong tigilan ng babaeng yon. Pagkatapos naming kumain, kinausap ko sila sa itatayo kong flower shop, may konting naipon naman ako sa mga summer job at tutoring na ginawa ko mula pa nung highschool kaya yon ang gagamitin ko. Sabi nga nila na sila na ang bahala pero ayoko namang gamitin ang pera nila na hindi ko pinaghirapan. Mabuti at understanding naman sila at tutulungan na lang ako para makapag simula. Pinag-usapan din namin ang tungkol sa wedding at na-set namin ang date 2 months from now. Sapat na siguro yun para sa mga preparations.

A Summer With Sherri Season 2 (Silva-Valdez Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon