Sherri 18

12.1K 38 0
                                    

Nakabusangot ang mukha ko habang naghuhugas ako ngayon ng mga pinagkainan namin na breakfast kaninang umaga. Working days na naman kasi at si Ninong nasa company office niya at kaaalis lang naman ni Gideon para mag-practice sa ligang sasalihan nila ngayong summer. Niyaya niya ko na manood sa kanilang practice pero tumanggi ako dahil sigurado namang andon ang mga barkada niya lalung-lalo na si Eunice. Naku pag pinakilala niya kong girlfriend niya baka magwala ang bruha na yon at kalbuhin pa ko. Mas mabuti ng huwag na lang pumunta kaysa magkagulo pa. Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at kinabahan nang makita ang pangalan ni Mrs. Valdez. Huminga muna ako ng malalim tapos ay sinagot yon. 

"Hello po, Mrs. Valdez." kalma kong sabi at narinig ko ang pag-ungol niya. Hala! May ginagawa kaya siyang kababalaghan? 

"Sherri... Sorry about that, nasa spa kasi ako ngayon getting a full body massage." sabi niya. "Andyan na ba ang anak ko?" 

"Nandito na po nong Friday pa. Naaksidente daw kasi ang isa nilang kasama kaya umuwi na siya." 

"Hmm... I'm glad at umuwi na siya, I don't like him hanging out more with those friends of his. Mas mabuting ikaw ang kasama niya at baka magbago pa ang magaspang niyang ugali. Inaaway ka ba?" 

"Uhm, nong una po pero nakapag-usap na kami at okay na kami."

"That's good... Bantayan mo siya at ilayo mo sa malanding Eunice na yon. I never like that girl! Well, ang Ninong mo? Kumusta naman?"

"Okay lang po siya, nag-golf siya kasama ang business partner niya last weekend."

"Hmm... Nalaman ko na may bago siyang secretary. I want you to check her out. Pumunta ka sa office niya, dalhan mo ng lunch ngayon, understand?"

"Ho? Baka hindi ako papasukin." 

"Don't worry about it, sabihin mo lang ang name mo sa guard at sa reception. Huwag mong sasabihin na inutusan kita. I'll call again soon, bye." yon lang at naputol na ang linya. Napabuntong-hininga naman ako.

Ano ba naman tong si Mrs. Valdez, pati bagong secretary ni Ninong pagdududahan pa. Hindi ko din siya maintindihan eh. Sa nakita kong pagsasama nila, para wala naman itong pakialam patungkol kay Ninong at very controlling pag kay Gideon. Pero gusto ko din naman ang inutos niya, ang dalhan ng lunch si Ninong tsaka gusto ko ring makita ang bagong secretary niya. Baka mukha itong model tapos nilalandi niya ang daddy ko. Hindi ako makakapayag! Pumunta ako sa kusina at tinignan kung anong pwede kong lutuin na masarap na lunch. Pero pano pag wala si Ninong don? Oh baka may meeting? Hays! Bahala na nga! Nilabas ko na lahat ng kakailanganin ko at nagsimula na kong magluto. 

Saktong 12pm, nakarating ako sa mataas na building na pag-aari ni Ninong, isa toh sa pinakamalaki dito sa city at halata talaga na mayaman siya. Nagtataka nga ako kung paano niya naging kaibigan si papa. Hindi naman kami mahirap, may kaya ganon pero ibang level si Ninong. CEO siya ng pag-aari niyang kumpanya at very successful sa lahat ng kanyang investments, supervisor lang si papa sa isang factory habang si mama, may parlor na malapit lang sa subdivision kaya nga lagi siyang nakakasagap ng tsismis. 

Dala ang paperbag na may lunchbox, medyo naparami ang luto ko dahil na-excite akong masyado. Sinabi ko agad ang pangalan ko sa guard at pinapasok niya naman ako. Sinabi ko din sa reception at sinabing sa 40th floor daw ako pumunta. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 40 na number, buti na lang wala akong kasabay. Nang bumaba na ko sa 40th floor, napahanga ako sa nakita ko. Sobrang gara! Minimalistic ang style, marble ang floors at puro glass ang buong paligid. May glossy black desk sa tabi kung saan busy ang isang babae na parang nasa 50s na. Nakapusod ang medyo gray na nitong buhok at nakasuot ng salamin. Lumapit ako sa kanya. 

A Summer With Sherri Season 2 (Silva-Valdez Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon