Nasa kuwarto na kami ngayon ni Gideon habang nag-uusap naman sa home office sina Ninong at ang kanyang asawa. Hindi ako makapaniwalang mahuhuli kami ng ganito ni Mrs. Valdez. Sobrang gulat ko nang madatnan namin siya sa living room at wala man lang siyang reaction nang makita niya kaming tatlo na hubo't hubad. Kung kanina pa siya nandon, siguradong nakita at narinig niya kung anong nangyayari sa amin sa pool. Pero kanina, niyaya niya lang si Ninong na mag-usap sila at mabilis naman kaming pumanhik ni Gideon sa kuwarto.
Ngayon nga at nandito kami, kalmado lang siyang nakaupo sa kama habang nakatayo naman ako at palakad-lakad na hindi mapakali. Alam ko namang mali ang ginagawa namin pero hindi ko talaga maiwasan at mapigilan. Mahal na mahal ko silang dalawa at ayoko silang mawala sakin. Pag nangyari yon, baka hindi ko kayanin. Isa pa, paano pag nalaman na ng parents ko? Ng buong subdivision?! Wala na kong mukhang ihaharap sa kanila! Napabuntong-hininga ako at tumingin sa pinto. Ano na kaya ang ginagawa nila? Ang pinag-uusapan nila?
"Sherri, huwag ka ng mag-alala. Magiging okay ang lahat." sabi ni Gideon.
"Paano? Bakit kalmado ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Magtiwala ka kay Papa, siya ang bahala sa lahat." hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. "Hindi ka namin hahayaang masaktan baby."
"Pero nahuli tayo ng Mama mo, siya ang nasasaktan ngayon." ngumiti siya at hinalikan niya ang kamay ko.
"I assure you she's not. May sinabi ba siya nang makita niya tayo? Wala diba?"
"Akala ko nga susugorin niya ko. Ano na kaya ang pinag-uusapan nila ni Ninong?"
"Huwag mo ng isipin yon..." napatingin kami sa pinto ng bumukas yon at pumasok si Mrs. Valdez kasunod ng aking Ninong.
"Wow... ang sweet naman." sabi nito habang nakatingin sa amin. Bumitaw naman ako sa pagkakahawak kay Gideon. Sobrang takot at guilt ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. Tumingin ako kay Ninong para humingi ng tulong. "You look so terrified Sherri, huwag kang mag-alala, I will not hurt you. I know what's been going on so relax ka lang." binalingan nito si Ninong. "Giovanni naman kasi, bakit hindi niyo pa kasi sinasabi sa bata." lumapit siya sakin na nakangiti at hinalikan niya ko sa noo.
"Sorry about that sweetheart... I will explain to you everything later." sabi niya.
"Oh pano, aalis na ko. Kinuha ko lang naman ang mga iba ko pang gamit. Zion is waiting for me outside. Ikaw Gideon? Are you going to stay here?"
"Mama naman, andito ang babaeng mahal ko. Of course I will stay here." sagot niya.
"Buti na lang hindi ka nagmana sa tunay mong ama. Well, I'll be going! Bye guys! Bye Sherri! Enjoy!" pagkasabi non, umalis na ito. Narinig ko ang ugong ng sasakyan na papaalis sa baba at tumingin ako sa dalawa na nakangiti.
"Ninong, Gideon, Anong nangyari?" tanong ko. Pinaupo nila ako sa kama at pinagitnaan nila ako. "Si Mrs Valdez?"
"Is not Mrs. Valdez anymore..." sagot ni Ninong.
"Anong...anong ibig mong sabihin?" nagugulohan kong sabi.
"Na-approve na ang annulment namin. Mahaba man ang proseso, pero pareho na kaming malaya ngayon."
"You mean hindi na kayo mag-asawa?"
"Hindi naman mag-asawa ang turing namin sa simula palang. Bestfriends kami then she got pregnant with her boyfriend na ayaw siyang panagutan. Bata pa kami non, kakagraduate lang ng college at nakiusap siya sakin. Dahil matalik naman kaming magkaibigan, pumayag na ko. Besides, ayoko siyang mahirapan kaya nagpakasal kami."
"Si Gideon? Kung ganon hindi mo siya anak?"
"Matagal na niyang alam pero tunay na anak pa rin ang turing ko sa kanya. Ngayon lang kami nag-decide na maghiwalay ni Regina dahil kay Gideon. Legal age na siya ngayon and he can decide what he wants to do."
BINABASA MO ANG
A Summer With Sherri Season 2 (Silva-Valdez Series)
RomansaSEASON 1 Matagal ng in love at pinagnanasahan ni Sherri ang kanyang Ninong. Mula nong mamulat siya sa mundo ng kalibugan, ito na ang gusto niyang makakuha sa kanyang virginity. Ang problema? May asawa itong sopistikada na walang ginawa kundi mag par...