Kabanata 17

8.7K 191 10
                                    

Madilim at malamig ang buong silid kung saan ako pansamantalang nagtatago. I wasn't really hiding, I just wanted some time alone from my husband because of what I witnessed a week ago.

Bumalik ako dito sa dati kong condo unit na mabuti na lang ay hindi ko ibinenta. I don't care if this building is still owned by Deimos. Ayoko lang talaga na makita siya and I'm glad that he's actually giving me time to think by not approaching me kahit paminsan-minsan nagkikita kami sa hallway ng ospital.

Niyakap ko pa lalo ang sarili ko habang nakatalukbong ako sa loob ng comforter ko. I had an early dinner earlier sa hospital kaya pag-uwi ko dito diretso kaagad akong nagbihis at humiga dito sa kama ko.

I didn't even bother turning on the lights. I liked the silence. How the four corners of the room made me so... alone. It's comfortable though if someone sees me right now, they'll probably think that I'm a wallflower.

It doesn't really matter though. I just really want peace right now and that peace could only be achieved if I am alone.

Lumabas ako sa comforter at nagpakawala ng hininga. I tilted my head to the side where I could see my balcony's slide door slightly opened. Kaya siguro sobrang lamig ng silid ko dahil sa hindi ko pala nasirado ang slide door ng balkonahe ko.

Napabaling ako ng higa sa kabilang bahagi ng kama ko kung saan huling natulog ang asawa ko noon. I sure am pathetic for wanting to smell his scent again after being away from him for a while. I've been having trouble sleeping since I went here. Ayokong isipin na dahil iyon sa amoy at init ng asawa ko na namimiss ko na. I don't want to admit it but it's the truth. I'm longing for his touch again.

"Shit, I can't sleep..." I whispered frustratingly.

I decided to get out of bed to close the door of the balcony. Lumanghap muna ako ng hangin mula sa labas bago ko ito tuluyang isinarado at lumabas sa madilim kong kwartong ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa paligid.

Inayos ko ang suot na hoody at shorts habang pababa ako ng hagdan. Ang tanging ilaw lang na naka-on ay ang ilaw galing kusina. It's dimmed kaya hindi masakit sa mata at tamang-tama lang para magkita ko ang paligid habang kumukuha ako ng tubig sa fridge.

Inilapag ko ito sa island counter bago kumuha ng baso at isinalin ang tubig doon. Mabilis ko namang ininom ang tubig na laman ng baso pero sinalinan ko lamang ito muli ng tubig. I let the coldness of the water touch my palms. It made me relaxed somehow.

Isinandal ko ang sarili paharap sa counter habang pinaglalaruan ang baso sa aking kamay. Dahil sa katahimikan dito sa loob ng unit ko rinig na rinig ko ang ingay ng mga nagmamadaling sasakyan.

Binitawan ko ang baso at inilagay ito sa isang tabi bago ko itinukod ang dalawang siko ko sa counter at ibinaon ang mukha sa palad ko. I sighed deeply as my mind started wandering around my husband's work.

Inalis ko ang isa kong braso sa pagkakatukod at tinitigan ang kamay kong unti-unting nanginginig habang iniisip ko nanaman ang nangyari sa bahay namin.

Dapat handa na ako. Dapat naiintindihan ko na, na iyon talaga ang trabaho niya. Dapat tanggap ko na, na hindi siya normal na tao lamang. He even told me himself that he's not a good person. He has killed many people by his own hands. He has destroyed lives.

I chuckled humorlessly while my tears started forming on the side of my eye. We really are the opposite.

If I wasn't married to him, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na isuplong siya sa kapulisan. Pero hindi eh. Kasal kami. Asawa ko siya. And even if I want to tell what I know to the pulis, pinipigilan din ako ng kung anong emosyon sa loob ko. I wanted to bury an emotion since the trauma that Luke has given me in our relationship.

A Night In VegasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon