Nabitawan ko ang hawak na libro nang biglang may humatak sa braso ko. Napatigil din ako sa pagkalalakad noong makita ko ang nagmamay-ari ng kamay na pumigil sa'kin.
"L-luke?"
Ang matalas niyang mga mata ay na katuon lang sa'kin. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Tumikhim ako at iniwala ang pagkabigla sa mukha ko. I made sure na blanko lang ang ekspresyon ko. I will not show him that how I really feel even though I'm shaking deep inside.
"Mag-usap tayo." Seryoso niyang usal na parang hindi niya talaga gugustuhin ma humindi ako.
What do I expect? He's Luke.
Iwinaksi ko ang braso mula sa pagkakahawak niya. Hinayaan niya naman ako na bawiin ang braso ko. Hindi ko mapigilan na matawa sa loob-loob ko. Same old, Luke. Kung nasa pribadong lugar siguro kami ay may bago nanaman akong pasa sa bala dahil sa ginawa ko.
Tumikhim akong muli at iniwas ang tingin sa kanya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa libro ko. I can feel his stares at me, at hindi ko ito nagugustuhan. Galit siya. Alam na alam ko iyon.
"W-wala na tayong dapat pang pag-usapan. We're done years ago, Luke."
"At sa tingin mo hahayaan na lang kita na makawala sa'kin?"
I shivered with his tone of voice. Pamilyar iyon. Sobrang pamilyar. Ginagamit niya ang tonong 'to sa'kin noon kapag may ginawa raw akong mali kahit na alam kong wala naman.
Why did I ever fell for this misogynistic asshole? Hindi ko na alam. Sobrang bulag ko talaga noon. If only I listened to my friends... Hindi na sana siya nakapagbilin ng marka sa'kin.
Pinilit ko na salubungin ang tingin niya kahit parang nanginginig na ang loob ko dahil sa takot na nararamdaman. It's been years since he's hurt me. Not only emotionally but physically.
"Get away from me, Mr. Miraflor, kung ayaw mong magpatawag pa ako ng security." I almost clapped at myself dahil sa tatag mg boses ko.
Damn! I'm a confident person. Hindi ko matatamasa ang pagiging doktor ko kung hindi ako matatag at kyumpinsado sa sarili ko.
I shouldn't let this monster ruin me again. Hindi na ako makakapayag pa na saktan nanaman ako. I won't let him!
"No, you won't do that. Kilala kita, Ianthe. You love me too much para gawin 'yan."
Umiling ako. "That Ianthe who loved you blindly is dead already. Hindi na ako bulag ngayon sayo."
"Ianthe-"
"Get out, please. I won't repeat myself again. I hate threatening people but you're harassing me already." I inserted my hand to my doctor's coat. "Tapos na tayo, Luke. Matagal na. Move on ka na dahil matagal na akong move on sa'yo!" Except for the trauma that I received from you years ago.
Mas lalo namang tumalim ang tingin niya sa'kin. Not liking what I said. Wala na akong pake sa kung ano pa ang isipin niya basta't huwag niya na akong guluhin pa!
"Dra. Villarosa!"
Damn, I'm finally saved.
Pinilit kong ngumiti bago nilingon ang tumawag sa'kin. It was Alisa, one of the nurses na close ko sa trabaho.
Nakangiti siya ng malapad pero ang tingin na binibigay niya sa'kin ay alam na alam ko. Thank God for saving me!
"Pinapatawag ang mga doktorsa meeting room, kasama ka na ro'n. May pag-uusapan daw po, dok." Aniya sabay pasimpleng binigyan ng tingin ang lalaking nasa likod ko.

BINABASA MO ANG
A Night In Vegas
Genel KurguIanthe came from a well-known family of Doctors kaya hindi na nakakabigla nang pinili niya rin ang larangan iyon. Although she was rich, fed with silver spoon her entire life, bata pa lamang siya ay pinilit niyang matuto na tumayong mag-isa. She hat...