Kabanata 2

11.3K 258 14
                                    

Halos hindi na ako makatulog dahil sa sakit sa lower back ko. I was only able to sleep when a nurse aided me and gave me an epidural steroid injection for my back pain.

Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa TV na nakakabit sa kwartong tinutuluyan ko. Mga dalawang linggo rin akong hindi makakapagtrabaho dahil kapag na release na ako dito, kailangan ko pang mag bed rest for a week din sa sarili kong condo.

It was five in the morning when I looked at the clock. Ilang oras lang din kasi akong nakatulog. Though the injection was helpful, It's still a bit uncomfortable. Gusto ko talagang sampalin ang sarili ko dahil inakala ko na hindi ako sasaktan ni Luke sa ospital dahil maraming tao. Mas naging malala pa siya. Mabuti na lang talaga at nakipag-hiwalay na ako sa kanya ilang taon na ang nakaraan.

I really can't believe that I fell in love to a guy like him. He's been abusive sa relasyon namin kaya noong tuluyan na akong makipagbreak sa kanya, hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumayo.

Kahit noong nasa med school pa lamang ako palagi siyang nagagalit kapag wala na raw akong oras sa kanya. Stressful na nga ako sa mga research thesis ko tapos sasama pa siya na parang sobra pa sa babae kung makatalak. He never understood my struggles, sarili niya lamang ang iniisip niya kahit noon pa man. I'm really glad na hindi na ako nagpakatanga sa kanya.

Napatigil ako sa pag-iisip noong biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko naman mapigilan na mapakunot ang noo dahil ang aga pa para sa isang bisita.

Ilang sandali pa'y bumakas na iyon. Pumasok ang isang lalaking malaki ang katawan at malapad ang nga balikat. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil may suot siyang sombrero, pero noong naglakad siya palapit sa'kin, doon na nanlaki ang mga mata ko noong makilala ko siya.

"M-mr. Von Doren! Good morning, sir." I was stuttering when I said his name.

I was surprised to the core dahil hindi ko naman inaasahan na siya pa ang bibisita sa'kin.

Tinanggal niya ang suot na fedora hat bago siya naglakad palapit pa sa kamang hinihigaan ko. Tumigil siya noong nasa gilid ko na siya.

Hindi ko naman mapigilan na pagmasdan siya dahil sa suot niya. Nakasuot siya ng itim na coat jacket habang sa panloob niya ay naka business suit siya na kulay dark blue. Isang tingin pa lang, alam kong mamahalin na lahat ng suot niya. Even the watch on his wrist says it all. Inangat ko ang tingin sa mukha niya, he was not showing any reactions, nakatingin lang din siya sa'kin na para bang mawawala ako sa paningin niya kapag inalis niya ang mga mata sa'kin kahit isang sandali lang.

Napakagat-labi naman ako at bahagyang napayuko dahil sa iniisip ko. Nakakahiya ka Ianthe!

"Ianthe..."

Parang nagsitaasan ang lahat ng buhok sa katawan ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. His baritone voice gives me a chilly feeling pero hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba na parang nanlalambing ang tuno ng boses niya.

"How is your back?" He asked na ikina-angat ko ng tingin.

Nagtama ang mga mata namin dahil sa ginawa kong pag-angat ng tingin. His bluish emerald eyes was also cold like his voice. Ang ganda ng mga mata niya. Pakiramdam ko ang namiss ko 'tong tingnan dahil mahigit isang taon na magmula noong huli ko siyang nakita.

Whenever he visits kasi dito sa ospital hindi siya nagpapakita. Ako naman ay busy sa mga pasyente ko. It didn't bothered me at first noong una naming pagkikita, pero ngayon parang bumabalik nanaman ako sa nangyari isang taon na ang nakalipas.

Hindi ko alam pero when I stare at his eyes, pakiramdam ko na nakapamilyar niya. That I saw him somewhere already. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan. Parang nablanko ang memorya ko pag katapos ng gabing iyon.

A Night In VegasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon