Kabanata 3

11.8K 318 23
                                        

It's been a month since that incident happened. Nakabalik na ako muli sa trabaho ko but I made sure that I'm careful lalo na sa katawan ko.

"Dok, mahirap po bang maging general surgeon 'tsaka medical doctor at the same time?" Tanong sa'kin ng isang kakilalang nurse habang kumakain kami sa lunch break namin.

I smiled. "Yes, mahirap pero maganda sa pakiramdam na nakakatulong ako sa mga tao na maligtas ang buhay nila."

"Pero ang bata mo pa, dok..."

"I know." I sighed. "But that doesn't mean na hindi mahirap. As a surgeon, hindi pa ako opisyal na gano'n. I'm still training and studying. Oportunidad lang talaga noong isang taon na isa ako sa mga naging surgeon  doon. But I'm a Medical Doctor here. Iyon ang una kong natapos na degree at nakuhanan ng lisensya."

"Sobrang talino niyo po siguro."

Mahina akong natawa. "Hindi naman. Hardwork lang 'yan at perseverance. Hindi ko naman mararating 'tong lahat kung puros talino lang ako."

My answer was followed by another questions coming from both doctors and nurses na malapit sa'kin. But mostly ay sa mga nurses talaga. I understand them well, they're just curious.

Sumapit ang hapon para sa oras ng rounds ko. I was assisted by Nurse Alisa while I was having my rounds with my patients. Pagod na ako nang matapos iyon pero hindi nito inalis ang ngiti sa mga labi ko. Serving them is a given mission to me. I was given these gifts kaya gagamitin ko ito hangga't makakaya ko.

"Good night, dok!" My colleagues said to me before bidding my goodbye.

Nagmaneho ako ng sasakyan ko pauwi. Ipinarada ko ito sa harapan ng building kung nasaan ang condo ko bago inabot sa valet ang susi ko sa sasakyan.

I walked confidently inside the building but with a soft smile on my face. Lahat ng mga bumabati sa'kin ay binabati ko rin. I don't like being rude to those who respect me. Mababait ang mga tao dito sa building kung saan ako nakatira kaya't hindi na nakapagtataka na maganda ang pagtira ko dito.

Sumakay ako sa elevator at pinindot na ang floor kung saan ang condo ko but before the door could close, may pumigil dito na isang malaking tao.

Halos tumigil ang paghinga ko nang makita ko kung sino ito.

Sporting a white v neck shirt tucked in his black sweatpants and a running shoes, he towered over me. Napatingin ako sa balikat niya, meron doong tattoo na parang dragon pero sa paligid no'n ay hindi ko marecognize.

I'm not a fan of tattoos pero kung tingnan sa kanya ay parang hindi ito nakakadiri at sobrang bagay sa kanya. It made him look more dangerous and rugged. With his muscles and biceps saying hi to my face, hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o ano?

"Dr. Villarosa." He greeted.

I don't know if I was just imagining it but he sounded so sensual when he uttered my surname.

Tumkihim naman ako at pilit na ngumiti. "M-mr. Von Doren, what a surprise!"

Hindi naman nagbago ang blanko niyang ekspresyon. Nanatili lamang siyang nakatingin sa'kin. Gusto ko siyang suwayin at sabihan na hindi niya dapat ako tingnan ng matagal pero may pumipigil sa'kin.

Kaagad ko namang iniwas ang tingin ko sa mga mata niya na sobra ang intensidad kung tingnan. Hindi maalis sa isip ko ang bluish emerald niyang mga mata. I find it mesmerising and dangerous at the same time with the way he stares.

"You live in this building?" He asked casually habang gumagalaw pa ang elevator.

Tumikhim ako. "Yes, sir."

A Night In VegasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon