The letter I had beside my bed two years ago was hidden inside my secret vault together with my important papers.
Hindi ko ito kailanman binuksan dahil natakot ako sa kung anong laman nito. When I was at Nevada, I didn't think of any consequences after getting drunk. Ang alam ko lang ay kasama ko ang mga katrabaho ko sa bar na iyon. We were enjoying and celebrating our success with an important operation.
The next day, I woke up wearing different clothes but did not feel anything weird with my body. Natatandaan ko pa noon ang singsing na nakasuot sa'kin at ang liham na nasa tabi ko lamang sa higaan.
My memories weren't clear that night and it bothered me a lot. Nakalimutan ko lamang iyon noong naging sobrang busy na ako sa trabaho.
And now, I'm staring at the ring I took off a year ago and the letter I hid inside my vault.
I sighed frustratingly. Hinilamos ko ang dalawang palad sa mukha ko. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang liham o hindi?
After what Deimos said earlier, ramdam ko pa rin ang panlalamig sa balat ko. I hated the fact that he clearly knows what happened that night but I decided to push him away for me to be alone inside my home.
I wanted to know what happened pero natatakot ako lalo na sa sinabi niya. Na asawa ko siya. Na pinakasalan ko siya noong gabing 'yon.
Gusto kong magalit sa kanya dahil sa hindi niya pagpigil sa'kin. I was so wasted that night, bakit hinayaan niya lamang na makasal kami sa Las Vegas? I don't understand him. He looked like someone who would want to enjoy his bachelorhood but he decided to marry me when I'm out of my freaking mind!
Sa huli hindi ko binuksan ang letter. Nagpadala nanaman ako sa takot ko. Tinitigan ko ang singsing na nasa palad ko. Isang tingin pa lang do'n alam na kaagad na mamahalin iyon.
Kailangan ko 'tong ibalik sa kanya. Baka kasi gino-good time niya lang ko. Yes, that's it.
There's no concrete reason for him to marry me in that state. Baka nga talaga pinaglalaruan niya lang ako. Wala naman siyang proweba na kasal kami so I don't have to worry.
I'm still single. Iyon ang dapat kong tandaan.
Dahil sa nangyari hindi ako kaagad nakatulog. Mabuti na lamang at nagising pa rin ako ng maaga dahil sa body clock ko kahit na meron nanaman akong eyebags. Tinabunan ko na lamang ng make-up ang pamumutla ko bago ako nagtungo sa ospital para magtrabaho. This will make me forget about what happened yesterday.
"Dok, may naghahanap po sa'yo."
Napatigil ako sa pagbabasa ng information ng isa kong pasyente bago lingunin si Ariel na isang nurse rin. Ang natatandaan ko ay parang ang shift niya ang naka-assign palagi sa nurse station kaya nabigla ako nang pumunta pa talaga siya dito sa opisina ko.
Kinunutan ko siya ng noo. "Sino?"
"S-si Chairman po."
Nawala naman bigla ang pagkakakunot ng noo ko. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ba talaga ako tatantanan ng lalaking 'yon? Why is he doing this to me?
"Uh... May sinabi ba siya kung bakit hinahanap niya ako?"
"May kailangan daw siyang ipakita sa'yo, dok." Hindi nakaiwas sa paningin ko ang bahagyang pagkawala ng kulay sa mukha ni Ariel.
I bet that she's pretty scared with that man.
Bumuntong hininga ako at tumayo sa kinauupuan ko. Inayos ko ang medyo nagusot na doctor's coat bago ako lumapit sa kanya.
"Nasaan si Chairman?" I asked softly.
BINABASA MO ANG
A Night In Vegas
Ficção GeralIanthe came from a well-known family of Doctors kaya hindi na nakakabigla nang pinili niya rin ang larangan iyon. Although she was rich, fed with silver spoon her entire life, bata pa lamang siya ay pinilit niyang matuto na tumayong mag-isa. She hat...