This is the end. Thank you for supporting this book and the journey of Khaleesi, Aia, and Ian. Three friends who have lost their way but found it after years of pain by meeting the love of their lives who helped them from bringing themselves back together again. This the end of their story but this is not a goodbye.
-
Niobe Lysandra Von Doren.
Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakamasid sa anak ko na kumakain sa office table ng ama niya. I sighed quietly before returning my eyes to the paper I was reading earlier for work. Taking a vacation means taking a lot of work too when I get back but I decided to bring my paperwork with me that I need to read.
Hindi naman ito mabibigat pero kailangan ko lamang basahin at intindihin dahil mga pasyente ito na kailangan ng medication para sa mga sakit nila. I just call my secretary for some instructions habang hindi pa kami nakakauwi.
"Mommy?"
Napaangat ang tingin ko mula sa mga binabasa noong marinig ko ang cute na boses ng anak ko.
Nali was looking at me with her big emerald eyes na nakuha niya sa kanyang ama habang nakanguso. Binitawan ko ang mga papel na hawak bago tumayo para lapitan siya.
"What's wrong, baby?" I asked gently.
"I'm hungry pa po." She said while still pouting.
Tiningnan ko naman ang kinakain niya kanina pa. It was a strawberry ice cream na paborito niya. Ubos na ang bowl no'n at mukhang gusto niya pa pero ikalawang bowl niya na iyon kaya tama na dapat.
"It's enough, baby. Too much dessert is not good for you."
"But I still want more, mommy!"
I sighed. "You can have some of it again later when your ninang and ninongs arrive alright?"
Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya. "Thank you, mommy!"
Napailing na lang ako pero napangiti pa rin. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinahiran ang kumalat na pagkain sa gilid ng labi niya. Binuhat ko siya kaagad at ibinaba sa swivel chair ng ama niya na kanina pa namin hinihintay.
"I wanna play. Where's daddy, po?"
"He'll be back soon, Nali. Daddy's just busy."
"Is it work po ba?"
"Yes."
We're currently inside one of his casinos in Las Vegas. He brought us here to celebrate our almost nine years of marriage. Natatandaan ko pa noon na dito nga kami nag honeymoon noong nagpakasal kami sa ikalawang pagkakataon. He proposed to me again after six months of giving birth to our healthy baby girl and this time it was successful.
We decided na dito i-celebrate ang anniversary namin kasama ang mga kaibigan namin. They'll probably be here later. Nagpapahinga lang sila sa mga rooms nila na pinahanda ng asawa ko dito sa hotel and casino business niya sa Las Vegas.
Nali hugged my legs and buried her face there. Mas lalong lumapad lamang ang ngiti ko dahil ganito siya kapag nagpapalambing.
"Do you want to go out?" Malambing kong tanong habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok.
Inangat niya ang ulo niya at nakangusong tumango sa'kin. I chuckled before I carried her again in my arms. I don't want to just hold her hand when we walk outside Deimos' office here. Malaki ang casino, mabilis pa naman akong mapraning kapag hindi ko kaagad nakita ang batang 'to dahil bigla na lang nawawala sa paningin ko tapos makikita ko na lang na nakikipag-usap sa mga naglalaro dito.
BINABASA MO ANG
A Night In Vegas
General FictionIanthe came from a well-known family of Doctors kaya hindi na nakakabigla nang pinili niya rin ang larangan iyon. Although she was rich, fed with silver spoon her entire life, bata pa lamang siya ay pinilit niyang matuto na tumayong mag-isa. She hat...