"Hey, girl."
"Bitch," Ngumisi pa siya sa'kin bago ako niyakap.
Napangiti ako nang bumitaw siya sa'kin at niyakap ang braso ko. I glanced at her back where the two brothers were looking at us like we'll disappear at any moment habang nag-uusap ang mga ito.
"Ilang buwan na 'tong pinagbubuntis mo?" Tanong ko kay Aira habang naglalakad kami papasok sa bahay nila ni Loki.
"Almost two months' pa lang naman."
"Adik talaga kayo." Dinugtungan ko pa iyon ng tawa na ikinatawa niya rin.
"Ganyan talaga basta dry season for years. Ganyan kami ka hayok sa isa't-isa."
"Kami rin..." I whispered.
"Ha?!"
Nilingon ko siya at nginitian ng inosente. "What?"
"May sinabi ka. Ano 'yon?"
"Wala naman, ha? Bingi ka na 'ata, girl."
She squinted her eyes at me na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Patuloy pa rin akong nakangiti sa kanya na parang wala lang akong sinabi hanggang sa makapasok na kami sa loob ng bahay nila.
"Upo ka muna diyan. Kukuha lang ako ng mga pagkain sa kitchen."
"Sama ko. Doon na lang tayo kumain." Pinisil ko ang braso niya. "I missed your cooking."
"Aww, namiss ka ba?"
Pabiro ko naman siyang inirapan. Naglakad na kami papunta sa kusina habang ang mga lalaki sa likod namin ay nakasunod pa rin. Bumitaw na si Aira sa pagkakakapit sa braso ko at tinungo ang mga hinanda niyang pagkain. Nilingon ko naman si Atreus at Deimos para tanungin.
"Gutom na kayo?"
Unang humarap sa'kin ang asawa ko. "I'm not but you need to eat." Kaagad niyang sagot sabay baba ng tingin sa tiyan ko.
Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata ko para tumigil siya sa kakatingin niya. Pinapahalata niya lalo na buntis ako!
"I'm not hungry too if anyone wants to ask."
Sabay pa kaming napatingin ni Deimos sa nakangising si Atreus. Nawala naman ang ngisi nito at napakamot sa batok niya noong sinagot siya ni Aira.
"Kahit gutom ka hindi ka rin naman kakain nito. Para lang 'to sa mag-asawa." Pamimilosopo ng kaibigan ko sa nobyo niya.
Natawa naman ako doon. Humarap na ako muli sa kaibigan ko na nakaupo na sa isang stool sa island counter at nagsisimula ng kumain. Napailing naman ako sa kanya dahil mukhang siya pa itong gutom sa'min ni Deimos.
Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang pinggan na inihanda niya at nagsimula nang kumuha ng pagkain na niluto niya. Mabuti na lang at hindi siya nagluto ng pagkain na hindi gusto ng sikmura ko dahil baka mabuko niya ako sa unang araw pa lang na pagtira namin dito ng pansamantala. I don't wanna spoil my pregnancy. I want to surprise everyone.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging ninang na ako soon." Ani ko sa gitna ng pagkain namin.
The two men sat in front of us but didn't eat anything. Nag-uusap pa rin ang dalawa na parang seryoso pero paminsan-minsan, binabalingan kami ng tingin na parang binabantayan nila kami.
"Well, you gotta believe it, girl. Sharpshooter iyang brother-in-law mo eh."
Napatingin kami ng sabay sa magkapatid noong biglang may tumikhim sa kanila. Atreus was now eyeing my friend. Matalim ang mga tinging ito. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Aira sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
A Night In Vegas
General FictionIanthe came from a well-known family of Doctors kaya hindi na nakakabigla nang pinili niya rin ang larangan iyon. Although she was rich, fed with silver spoon her entire life, bata pa lamang siya ay pinilit niyang matuto na tumayong mag-isa. She hat...