Kabanata 13

9.2K 215 32
                                    

There are moments in our lives that we would not immediately understand. It can sometimes be in a form of pain, sadness, and even happiness. Kagaya ngayon, I am so confused and doubting if I should really believe what my brother-in-law told me days ago.

Nagmukmok lang ako sa trabaho ko habang hindi parin natatanggal sa isip ko ang mga impormasyon na sinabi sa'kin ni Atreus tungkol sa asawa ko. Gusto kong isipin na gino-good time niya lang ako pero bakit naman niya gagawin 'yon? He's not like that. Alam kong seryoso lahat ng sinabi niya sa'kin. Ako lang ito ang hindi parin talaga makapaniwala.

My husband is a mobster... a mafia boss. Well, that's what I have understood from searching sa google kung ano ba talaga ang mobster. I don't believe everything I read on the internet kaya there are still doubts and many questions sa loob ng utak ko.

Pakiramdam ko nga'y parang natakot ako bigla sa asawa ko. Naalala ko pa ang mga pinagsasabi ko sa kanya noon. Shit. Kung gugustuhin niya ay kaya niya akong mapapatay o patayin. Why the hell did I got married to a very dangerous man?!

"Dok?"

Napabalik naman ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Jane. She was looking at me with worry in her eyes pero nginitian ko lang siya.

"Yes, Jane?"

"Nandito na po ang mga pasyente mo. Okay ka lang ba, dok?"

Tumango ako. "Okay lang ako. Huwag kang mag-alala." Kinuha ko ang stethoscope ko sa gilid at isinuot iyon sa leeg ko. "Papasukin mo na ang unang pasyente natin."

I can still see the reluctance in her face but she immediately obliged with my instruction pagkatapos magpaalam.

Ilang sandali pa, pumasok na ang una kong pasyente kaya itinuon ko naman kaagad ang atensyon ko sa trabaho ko at inalis nanaman sa isip ko ang tungkol sa asawa ko.

Tumigil lamang ang check-up na ginagawa ko noong mag lunch break na. I told my secretary to tell the patients na natitira na bumalik dito kapag 1:30 na ng hapon at mag lunch na rin muna sila.

"Hey, I'll just eat outside. I'll be back after an hour." Paalam ko sa sekretarya ko na kaagad naman niyang naintindihan.

"Sige po, Dra. Villarosa. Ingat ka po!"

Nginitian ko lamang siya bago ako naglakad palabas sa opisina ko at sa ospital. Kaagad ko naman naramdaman ang pagsunod sa'kin na Atreus habang naglalakad ako papunta sa malapit na fastfood chain dito sa ospital. Hindi ko na pinakuha pa ang sasakyan sa kanya dahil malapit lamang ito at kaya nang lakarin.

"Gutom ka na rin ba?" Tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa establishimento.

"You guess."

"Anong guess? Hindi kaya kita librehen diyan dahil sa sagot mo." I said to him jokingly.

He smirked at me. "Okay, lang. I can order on my own."

Umupo na ako sa isang bakanteng table na may dalawang upuan bago siya pinanlakihan ng mga mata.

"Raming pera, ha? Pwede makihingi?"

He chuckled. "As if you're not making anything from being a doctor. Mas mayaman ka pa nga sa'kin."

"Anong mayaman? Hindi ah."

Umiling-iling siya bago nagsalita sa lenguwaheng hindi ko naiintindihan.

"Koko demo, kono chisana giron ga arimasu."

"'Di ako nakakaintindi ng Japanese, Atreus Von Doren kaya umayos ka diyan."

Tinawanan niya naman akong muli at hindi manlang naisipan na i-translate ang sinabi niya. Hindi ko naman na pinilit iyon kahit na nagdududa ako na baka minumura na ako ng gonggong na 'to.

A Night In VegasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon