Kabanata 10

9.1K 218 21
                                    

"Did my brother called you yet?"

Napasinghap ako noong marinig ko ang boses ni Atreus mula sa bukana ng pintuan sa opisina ko. I didn't even hear him knock before entering or was I too focused on studying my new upcoming operation again kaya hindi ko narinig ang pagpasok niya?

Ibinaba ko ang ipad na hawak bago kinuha nag kape na nasa gilid ng table ko at uminom doon bago sumagot.

"Nope."

"Not even once?"

"Not even once."

He sighed. Sumandal siya sa hamba ng pintuan ng opisina ko at parang nag-isip ng malalim. Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon para pagmasdan siya at basahin ang tumatakbo sa isip niya.

It's kinda weird seeing him wearing formal clothing na parang men in black siya. I'm used to him wearing normal clothes whenever he goes out with me para bantayan ako. Simula noong insidenting nangyari a month ago, mas lalo lamang siyang naging mahigpit sa pagbabantay sa'kin at palaging super formal ng suot.

"I don't know why he's still not here kahit sinabi niya sa'kin na mapapaaga ang pag-uwi niya sa'yo."

Umiling ako at ngumiti ng maliit. "It's alright. Baka sobrang busy pa talaga siya 'tsaka nandito ka naman para bantayan ako kahit hindi ko naman na talaga kailangan."

"I disagree with that, Ianthe."

I pursed my lips and rolled my eyes at him. "I won't even argue with you anymore dahil alam kong uulit na nanaman tayo sa walang katapusan na argumento tungkol diyan."

"I was only-"

"Can you fetch me another cup of coffee? Thanks." Ngumit pa ako sa kanya pagkatapos ko iyong sabihin para hindi na niya ituloy pa ang sasabihin niya.

Itinikom niya ang bibig niya bago tumango sa'kin at tumalikod na. Before he even closed the door of my office, I caught a glimpse of him talking to someone through his earpiece. Bumuntong-hininga na lamang ako dahil alam kong isa iyon sa mga tauhan niya or should I say, tauhan ng asawa ko na nakapalibot lang dito sa ospital para bantayan ako habang nagta-trabaho.

Until now, I'm still very confused kung sino ba talaga ang asawa ko. Kung ano ang tunay niyang trabaho. I swear, deep down, I can sense that I married someone unordinary, someone, dangerous. Langhap ko iyon sa hangin na nakapalibot sa kanya lalo na noong kasama ko siya. He has this domineering aura that cannot be treated carelessly. Kahit ako ay natatakot noong una ko siyang makita, I still fear him, but I'm learning how to manage it since he is my husband and I believe that he won't ever hurt me.

Kinuha ko muli ang Ipad at nagsimula ng pagtuunan muli ng pansin ang operasyon na kailangan kong paghandaan. Ilang sandali pa ay tinawag na ako ng sekretarya ko para sa meeting ko kasama ang team ko for the upcoming operation.

Tumayo na ako at inayos ang suot na damit bago kinuha ang nakatuping doctor's coat sa gilid ng swivel chair ko at isinuot iyon. Kinuha ko ang ipad ko at ibang mga papeles na kailangan kong tapusin ngayon habang pinag-aaralan namin ang operasyon.

Nakasunod lang sa'kin ang sekretarya ko sa aking likuran habang naglalakad ako sa hallway ng ospital papunta sa meeting room namin. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ng suot kong high-waist jeans. I fished it out from my pocket and read the notifications.

It was a message coming from Atreus. Doon ko naman naalala na may pinabili pala akong kape sa kanya para tumigil na siya sa kakatanong sa'kin but he hasn't returned yet. I wonder what's taking him so long?

I unlocked my phone and read his message.


Atreus Von Doren:

A Night In VegasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon