Kabanata 25

7.9K 158 14
                                    

The vacation in the Philippines was quite long. I did extend my leave for the sake of Lorraine; Moira's sister. Ngayon ay pauwi na kami sa Seattle habang nasa private plane ng asawa ko na tahimik lang. I know that he's bothered too about Raine's situation with her family.

I was surprised when he told me what he witnessed when he took Lorraine home. Hypnos Baiamonte was unstable, iyon lang ang alam ko. Mabuti na lang at umalis din siya raw kaagad pagkatapos siyang pagbantaan ng asawa ko.

"Hon?"

Naramdaman ko ang mainit na bagay na dumapo sa ibabaw ng kamay ko. Initagilid ko ang ulo ko para makita ang asawa ko na kagagaling lang sa lavatory.

"Hmm?"

Umupo na siya sa tabi ko bago tuluyang hinawakan na ang kamay ko. He lifted it up to his lips and kissed it gently.

I smiled at his sweet gesture. Minsan nakakabigla talaga ang pagiging malambing niya sa'kin. He's really not the kind of a person who will do sweet gestures and say sweet things to someone with his looks.

"Are you hungry?" He asked. Niyakap niya ako mula sa gilid ko at hinalikan ang naka-expose kong balikat.

"Hindi pa naman. I'm sleepy though..."

"Then let's sleep."

Bigla siyang tumayo bago ako hinawakan para tumayo rin. Nakasunod lang ako sa kanya habang hawak niya ako. He opened a door na nakita ko kanina noong pumunta ako sa lavatory para umihi. It was a spacious room with a bed in it.

"Ang laki pala talaga nitong plane mo." I commented bago bumitaw sa kanya at naglakad palapit sa kama.

The mere sight of the bed suddenly made me sleepier. Huminga ako ng malalim noong maramdaman ko kung gaano ito kalambot at ka-komportableng upuan.

Deimos marched in front of me then stopped. He squatted in front of me bago hinawakan ang paa ko at hinubad ang suot kong sapatos. Napailing naman ako sa ginawa niya kahit na hindi niya ako nakikita.

"You don't have to do that, Deimos."

Bahagya niya pang menasahe ang dalawa kong paa pagkatapos niya itong hubaran ng sapatos. He lifted his gaze to my face with his serious expression.

"I don't want you to tire yourself."

Kinunutan ko naman siya ng noo. "Hindi naman nakakapagod ang maghubad ng sarili kong mga sapatos."

"You're pregnant."

"So?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nakita ko ang paglunok niya at ang paglandas ng mata niya sa tiyan ko bago iyon bumalik sa mga mata ko. "I don't want our baby to be squashed when you bend down on your own."

Huh?!

"Okay ka lang ba?" I asked him with an unbelievable tone. "Buntis ako, hindi imbalido o tanga!"

Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya sa mukha. Parang wala lang sa kanya ang pagsinghal ko.

Inirapan ko na lamang siya at humiga na lamang sa kama. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ko dahil sa pag-lundo ng kama. Pinabayaan ko na lamang siya at ipinikit na lang ang mga mata ko. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako.


The whole ride on the plane was tiring even though I was almost asleep during the whole travel. Humikab pa ako habang naglalakad kami ng asawa ko sa bulwagan ng bahay. Some of the maids who walked past right us greeted us with respect bago tinungo ang mga trabaho nila.

I also observed na parang mas dumami ang tauhan ni Deimos na nakapalibot sa bahay namin kumpara noong hindi pa kami umalis dito para pumunta sa Pinas.

A Night In VegasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon