Kabanata 23

8.3K 188 55
                                        

Aira and I spoke for a while to catch up on some things and that includes some details about my marriage life that I kinda manipulated a little para hindi na siya mag-alala pa sa'kin. I know it's wrong to lie about my own feelings for my husband sa kaibigan ko pero... shit. I started this so I decided to finish it.

Naputol lamang ang pag-uusap naming dalawa noong tumunog bigla ang phone niya. When I saw her wide grin plastered in her face, alam ko na kaagad kung sino ang tumawag sa kanya.

"Is that your boyfriend?" I asked even though I was pretty sure na ang boyfriend niya talaga ito sa ngiti niya pa lang.

"Yes," She quickly answered.

"Do you want me to get out and give you privacy-"

"Yes."

Mahina naman akong natawa sa kanya dahil sa bilis nitong sumagot. Hindi naman halatang namiss na nito ang nobyo kahit na mukhang hindi pa naman matagal noong nagkahiwalay sila. Iniwan ko na siya doon at lumabas na lamang sa kwarto na inilaan ko para sa kanya sa bahay namin ng asawa ko.

I made my way to the master's bedroom para makapagpahinga na dahil wala pa talaga akong tulog mula pa kahapon dahil sa operasyon.

I closed the door silently habang humihikab pa. My eyes were half-closed when I went to bed and covered myself with the comforter. Mabuti na lang at hindi binuksan ni Deimos ang kurtina na nakatabing sa slide door papuntang balkonahe kaya madilim pa rin ang kwarto.

Kinapa ko ang espasyo na hinihigaan ng asawa ko pero natigilan noong may matigas akong nahawakan. I opened my sleepy eyes para makita kung ano itong nahawakan ko. Napapitlag naman ako noong may humawak sa kamay ko na nakapatong sa matigas na bagay. Doon ko na lang naintindihan na ang asawa ko ito at katabi ko siya ngayong nakahiga sa kama pero tahimik lang siya habang hawak hawak ang kamay ko.

"Tapos na kayong mag-usap?" He asked with his usual cold baritone voice.

I yawned again before answering him kahit na papikit-pikit na ako. "Yeah. Tumawag ang boyfriend niya."

"So you're divorcing me, huh?"

"What?" I asked tiredly dahil hindi ko naintindihan ang pinupunto niya.

"I heard you tell your friend about the divorce."

Napahinga naman ako doon ng malalim bago ko iminulat ang mga mata at tiningnan siya ng matalim kahit na madilim ang buong kwarto.

"You were eavesdropping!"

"I was simply passing by when I heard you." He answered casually.

Inirapan ko siya kahit na hindi niya ako nakikita.

"You're really a gago, you know?"

"I'm more than that, hon. Alam mo 'yan."

"I know but still, you're a gago."

His chest vibrated when he chuckled lightly. Hinatak niya pa ako palapit sa kanya hanggang sa nasa ibabaw niya na ako. His favorite position kapag gusto niya akong magpahinga.

"Sleep." He commanded. Umirap ako muli at humilig lalo sa dibdib niya.

God, he smells so good.

"I just told her what really happened..." I paused and bit my lip. "...after we met a year ago."

"You liked me back then already?" Walang kahit na anong halong biro ang boses niya. He was completely serious.

Hinatak ko ang kamay ko palayo sa kanya pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. Pinisil niya pa ito.

A Night In VegasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon