||Love Confessions||

95 7 0
                                    

IN her room.

Cherry is up for something and she will do it by putting her dress down.

Tambad sa salamin ang magandang katawan niya.

Tanging suot lamang ay underwear in lace na ternong light pink ay sumampa na s'ya sa kama kung saan naroon ang himbing sa pagkakatulog na si Kiel hanggang makita niya ang singsing nito sa kamay na nakapatong sa tiyan nito. Napabuntonghininga siya at napasimangot.

Sinumulan naman niya itong tanggalan a
ng coat. Ngayon niya lang napagtanto na mahirap itong gawin. Kahit malamig kasi ang silid ay pinagpawisan siya dahil sa bigat ni Kiel.

At nang hustong matanggal ang coat ay hinagis niya iyon sa lapag bago isunod na tanggalin ang mga butones ng suot nitong polo habang sinusubukan na itong halikan sa labi.

It brought chills into her spine. Na kahit hindi ito sumasagot sa kanyang halik ay sapat nang maramdaman niya ang malambot nitong mga labi. At nang mapagod sa ginagawa ay napatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinihiling na sana ang mga matang iyon kapag bumukas ay siya ang unang hinahanap at gustong titigan, hindi si Mary.

Napakagat-labi na lang siya saka inalala paano nailagay sa inumin nito ang gamot na pampatulog.

Pasimpleng kinuha niya noon sa bag ang maliit na gamot habang kunwari ay nakikipag-usap sa restaurant staff sa counter. At nang mailapag ang orders ay siya na ang nagmagandang loob na naghatid sa table nila. She made sure na sa inumin ni Kiel niya nailagay ang gamot.

And for the second time, Cherry brushed her lips to Kiels.

It was intense that had made Kiel awaken a bit.

Ngumiti si Cherry na nakapwesto sa gilid ni Kiel habang ang huli ay napapakurap-kurap pa ang mga mata. Tila inaaninag ang tao sa tabi nito at nang hindi pa mapagsino ang babae ay nilipat nito ang tingin sa kabuuan ng silid. Bahagya itong bumangon sa kama nang ang kamay ay nakasapu sa ulo.

Pabuka na ang bibig ni Kiel upang magtanong nang dambahing muli ito ni Cherry ng halik saka ito niyakap.

Halata namang hilo pa rin ang hinalikan. Pabagsak itong napahiga nang daganan ni Cherry.

~•~

MAKARAANG makarating sa Residencia Villania ay nagmamadaling nag-martsa si Mary papuntang elevator. Matapos ibaba ang hood ng jacket na suot.

Makailang ulit niyang pinindot ang numero ng lalapagang palapag at maging ang close button habang ang puso ay walang palya sa pagpintig nang malakas. Kinakabahan siyang talaga.

Parang hangin sa bilis na hinanap niya agad ang numero ng silid na binigay ni Cherry pagkababa sa elevator.

Hindi siya kakikitaan ng hingal. Mas nananaig kasi ang ngitngit niya kesa pagod kaya nang makita ang kwarto ay walang habas niyang pinindot nang paulit-ulit ang ringer nito.

Hanggang lumabas ang nakaroba lamang na si Cherry at ang mukha ay parang nagpapaawa. Nakayuko at namumutla.

Wala namang rumehistro mula sa kanya. Gano'n siya kagaling magtago nang nararamdaman. Kahit kanina pa niya gustong i-flying kick ang mukha ni Cherry lalo sa hitsura nito na nahuhulaan niyang may gustong palabasin.

"Nasaan s'ya?" malumanay pa ring tanong n'ya pero sinikap niyang iparating dito ang mensahe na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari. Matalim ang mga matang tinitigan niya ang kausap.

Bilang pag-iwas sa nakapapasong tingin niya ay nilingon nito ang pintuan ng kwarto sa loob bago nagsalita. "I'm sorry. Pareho kaming lasing." Saka ibinaon ang mukha sa dalawang kamay habang umiiyak. "H-hindi namin napigilan..." dugtong pa nito na basang-basa ng luha ang mukha.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon