KAPAPASOK pa lang ni Kiel sa sariling opisina nang tumunog ang cell phone n'ya at tila hindi inaasahan ang tawag na ito. Bahagyang nagkalinya ang noo niya saka napapangiting tinanggap ang tawag.
Mula ang tawag sa Group Chat kasama sina Paul at Teban. Pinangalanan nila ang GC nila ng 3 Idiots.
"Ang tattoo mong blue birdie, Teban, naglalaho na pala?" tanong ni Paul.
"Oo nga. Mabuti na 'yon 'di ko na kailangang ipabura."
Ito ang nabungaran ni Kiel na usapan ng dalawa.
"Hoy! 'Wag kang madaya. Buksan mo camera mo. 'Wag kang magtago. Gusto kong makita ang itsura ng bagong kasal na unggoy," humalakhak na sambit ni Teban.
Napatawa rin tuloy nang malakas si CPR Paul na sa kanilang tatlo ay bukod tanging nagda-drive. Nasa holder lang ang cell phone nito. Habang si Teban na nasa America ay halata namang bagong gising. Nagtatanggal pa ng muta at magulo ang buhok.
Kita ang topless nitong katawan pero hanggang balikat lang. Paminsan-minsan dahil magalaw ang camera ay mapapansin ang tattoo n'yang ibon sa taas ng kaliwang dibdib.
Natatawang in-on na ni Kiel ang camera n'ya.
"Ugok! Ikaw 'tong madaya!" batong biro n'ya sa pinsan habang nauupo at nang makumportable ay sumandal siya. Ipinatong ang paa sa gilid ng lamesa at pinag-cross ang mga 'yon.
"'Yun oh! Fuck that face, man! Ang wafu eh. Ha-ha-ha! Ganyan pala itsura ng bagong kasal!" pambubuska na naman ng alaskador na si Teban nang makita na finally si Kiel.
Nagtawanan na naman ang dalawang kausap n'ya. Pati s'ya tuloy nadamay na.
"Fuck your mouth, Teban! Gago! Umuwi ka nga rito bilisan mo ipabubugbog kita kay MG. Nasaan pa lang regalo namin ha?" balik n'ya na pang-aasar sa pinsan. Ito naman ang natawa.
"Saka na ako magreregalo kapag alam kong totoo na," at humalakhak ito ulit. "Balita ko kay Paul husay niyo raw magpanggap sa kasal ah. Ano-- hanggang kama ba?"
Halos mabulunan sa sariling laway si Paul at mawala sa lane niya dahil sa hindi mapigilang pagtawa.
"Tarantado!" Walang magawa si Kiel kundi ang mapamura sa kalokohan ng pinsan.
Ngunit bigla ay nag-iba ang tono n'ya. "Walang gano'n, insan. Iba si MG. 'Yon ang tanging hiling n'ya. Hindi kami magtatabi. So-- irerespeto ko 'yon."
And Teban was blown away just like that. Natahimik din si CPR.
"Wow! She's amazing. She really is something, huh. How could she ever resist you? I mean. Ang daming nalulunod na babae sa'yo. Pinipilahan ka! Ang mga babae ay parang isda sa malawak na karagatan na kayang-kaya mong hulihin nang walang hirap. Ang iba nga kusa pang tumatalon sa'yo. Nagmamakaawang isama mo. Na kapag inuwi mo at dinala sa kama doon sila mamamatay at mawawalan ng hininga."
"Yeah, right," singit lang ni Paul bilang pagsang-ayon.
"Tapos ayan ka ngayon. Walang magawa kay Mary! Ikaw pa ba talaga ang pinsan ko? Umamin ka nga? Ano bang sumapi sa'yo? Santo? At nakakakilala ka pa ba ng kama?"
Lumakas na naman ang tawanan.
Biglang parang nangati ang noo ni Kiel. Bahagya niya iyong kinamot saka tiningnan ang mga kausap especially Teban.
"Alam mo ikaw. Puro ka kama. Matulog ka nga muna. Inaatok ka pa ba ha? E iba nga ito 'di ba? Ilang beses ko ba dapat sabihin?"
"'Yon na! Nahuli ka rin namin. Actually inunahan mo lang ako susunod kong tanong eh. If Mary can resist you? How about you? Lalo ngayon kasal kayo? Hindi ba umiinit ang gabi at alam mo na..."
BINABASA MO ANG
My Miracle Find (Complete)
Romance"Lahat ng taong nagmamahal ay lumalaban. Kahit madalas mali na. Minsan panalo, minsan talo. Pero matalo man, at least may ginawa ka. Lumaban ka." Si Mary Gretchen Mondragon. Aakalaing anghel pero salat naman sa maraming bagay, kaya sa patalim s'ya a...