||Intimate War||

376 18 0
                                    


SUOT ang school uniform ay pumasok ng bangko si Mary bilang si Mandy. Puti ang kanyang blouse with matching green necktie at green pencil cut skirt. Complete with school ID at black shoes.

Suot din n'ya ang mahabang buhok na hanggang pwet: itim ang kulay at may bangs bilang disguise. Naroon pa rin ang nunal niya sa kanang taas ng labi.

Dumiretso s'ya sa table ni Mr. Go. Hindi na ito nagulat sa presensya n'ya. Nginitian niya ito at pasimpleng nag-flying kiss. Ang kaninang atensyon nito na nasa computer ay napunta na sa kanya kaya naman ang tingin nito ay naka-glue na sa kanya at parang nagpapantasya.

Sinulyapan n'ya ang mga tao sa bangko. May ilang nakapila sa tatlong abalang teller habang busy naman sa kani-kanilang computer ang dalawa pang staff sa magkahiwalay na lamesa, 'di kalayuan sa kanila.

"Kumusta, Sir? Late na po ba ako?" Iniabot niya ang folder na naglalaman ng mga requirements niya rito.

"Ayos lang. Maaga ka pa nga e." Kinuha nito ang folder at pinatong sa mesa.

"Galing po kasi ako sa part time job ko sa Joey's Pizza. Malaking tulong na po ang nakukuha kong kita ro'n."

Nakasanayan na niya talagang magsinungaling. Lalo na sa mga pagkakataong kailangan niya itong gawin. Ang dila ay para bang may sariling isip sa bilis niya magbitiw ng kasinungalingan.

Hinawakan nito ng kamay n'ya na ikinataas ng balahibo n'ya. "'Wag kang mag-alala. Tutulungan kita. 'Yun ay kung papayag kang sumama sa akin. Paminsan-minsan lalabas tayo."

Nakaramdam siya ng pagkairita. Lihim na tumaas ang dugo niya. Feeling bata at gwapo kasi ang mamang kaharap. Hindi ba nito alam na nakakadiri ito? Isa pa ay may asawa itong tao at dalawang anak na lalaki. Ayon sa detalyeng nabasa niya sa folder na binigay ni Danny noon.

Hindi niya inalis ang kamay para hindi siya mahalata habang ito naman ay tulalang nakatitig sa kanya na kulang na lang ang maglaway. Nagpanggap s'yang okay lang ang lahat.

"Pag-iisipan ko po. Uhm-- magsisimula na po ba ako?" Ngumiti s'ya nang matamis.

Ang tanong n'ya ang nagpabalik sa kausap sa realidad. Hinawakan ang baba n'ya saka bumulong. "You have the prettiest smile. Halika. Ipakikilala kita sa mga tao ko." Tinanggal na nito ang kamay at tumayo. Sumunod na rin s'ya rito.

Isa-isa s'yang ipinakilala nito sa mga staff do'n bilang OJT; sa pangalang Mandy Lozano. Taking up B.S. B.A. Management.

Mababait naman ang mga ito at hindi naman naghinala sa kanya. Busy rin kasi sa mga trabaho, isa pa ay tiwala sa Manager nila na nagpakilala sa kanya.

Limang oras ang inilagi niya sa bangko. Filing at encoding ang naging trabaho niya rito, mga clerical jobs na hindi naman s'ya nahirapang gawin.

Paminsan-minsan ay dumadaan sa likod niya si Mr. Go at pasimpleng humahaplos sa likod n'ya. Binalewala niya ang mga iyon. Kahit ang totoo ay gusto niya itong balian ng buto. Katwiran niya ay hindi naman ito magtatagal. Magtitiis na lang s'ya. It'll last only for three days. She thought.

She sighed heavily right after she stepped out of the bank. Feeling relieved that she had able to successfully execute the plan.

Sumakay s'ya ng taxi. Dito niya agad tinanggal ang wig bago muling bumuntonghininga. Kahit madali ang trabaho ay pakiramdam niya pagud na pagod s'ya. Nakakapagod magpanggap. Gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang magpahinga.

Ugh! Pretending after pretending.

Maaring tapos na s'ya sa pagpapanggap sa bangko na parte ng kanyang trabaho pero hindi iyon natarapos doon. Kailangan niyang magpanggap hanggang sa tinutuluyang bahay.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon