||Clingy Kiel||

438 26 14
                                    


"Okay, pero ikuha mo na rin si Engr. Santos."

Para hindi naman mapahiya sa harapan ng Engineer ay iyon na lang ang sinagot ni Kiel sa sekretarya ng ama bago ito ay masaya nang tumalikod.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Teban at hindi nga siya nagkamali dahil umagang-umaga ay puro kantyaw agad ang inabot n'ya rito.

Tinapik nito ang noo n'ya. "Good boy na oh. Good boy na talaga ang pinsan ko!"

Ginantihan niya ito ng ngiti. "'Yon ang akala mo. Saan tayo mamaya?" bulong niya rito sabay kindat.

Dumating ang kanilang kape na nakalagay sa styro cup. "Sir, your hot coffee," sabi ni Cherry na may halong paglalambing ang tono.

Bitbit nito sa magkabilang kamay ang mainit na inumin. Kung titignan ay mukha naman itong disente pero bakit flirty ang tingin niya.

Siya lang ba o nagkakamali lang siya't ganito lamang talaga ito kung kumilos?

Hanggang balikat niya ito na mas mababa pa nga, naka-killer heels kasi ito na may taas na 3-inches na talaga namang dumagdag sa kaseksihan nito.

Mayroon itong maliit na mukha, mapungay na mga mata at manipis na labi na natatabunan ng pulang lipstick. Makinis ang balat na parang alagang-alaga. Maganda rin ang hubog ng katawan. Kita iyon sa suot nitong long sleeves white polo na may malaking ribbon sa harapan habang ang laylayan ay nakapaloob sa pencil cut skirt na kulay itim.

Kinuha niya ang mga hawak nito. Ibinigay niya ang isa kay Engr. Santos at ang isa ay sa kanya.

"Ay sorry, Sir Teban. I didn't know you're here," hinging paumanhin ni Cherry nang masulyapan si Teban na matamang nakatingin kay Kiel at pagkatapos at lumipat kay Cherry.

"It's okay, Cherry. Kadarating ko lang din naman. Magta-trabaho muna kami, 'di ba, insan?" anito sabay kindat sa kanya bago lumingong muli kay Cherry.

Kiel just chuckled nang mapansin ang malagkit na ngiti sa kanya ni Cherry. Binalingan na lang niya ang kapeng umuusok pa at ito'y hinipan.

"So, pa'no? Tara na?" pag-aaya ni Engr. Santos. Inilapag na nito sa lamesa ang styro na nangalahati rin ang laman at tumalikod na.

Sunod na tumalikod si Teban.

Akmang susunod na s'ya sa mga ito bitbit ang kape nang awatin siya ni Cherry sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Sir ako? Ano'ng gagawin ko?"

Kumunot ang noo niya habang napapaisip saka ngumisi bago inilapit ang mukha sa kaliwang gilid ng mukha nito. Akala nito ito'y kanyang hahalikan pero meron lamang pala siyang ibubulong.

"Magtimpla ka ng kape. Marami. Pagkatapos bigyan mo ang lahat ng taong makikita mo rito sa site."

Tinanggal na niya ang kamay nito sa kanang braso niya at naglakad palayo. Agad siyang tumabi kay Teban.

Papasok na sila sa ginagawang gusali habang naiwan namang nag-iisa ang nagngingit-ngitngit na si Cherry.

"Sobra ka talaga insan. First day mo pero may fan ka agad, tss!" panunukso ng pinsan n'ya.

"Stop it. Let's start working."

Sa kanyang tinuran ay napahinto si Teban saka sumigaw sa kanya. "Whoah! Nagbago na nga s'yang talaga oh. Ano nangyari!"

Dinig niya ang sigaw na iyon bagama't nauuna.

Napangiti na lang s'ya.

~•~

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon