"GUSTO ko sana mag-stay kaso bukas na ang flight ko," anunsyo ni Teban."Oo nga pala. So, tuloy na pala. Hindi na ba magbabago isip mo? Sasamahan mo na si Tita Dulce sa America for good?" bigla'y naitanong ni Kiel habang nakahalukipkip na nakaupo sa couch na nasa gilid ng room. Katabi nito si Paul na naka-cross legs naman habang ang tinatanong ay nakasandal sa pintuan at nakapamulsa.
Ang nagmamasid naman sa kanila at nakikinig lang na si Mary ay nakaupo sa gilid ng kama katabi ang ama.
"Oo. Ang request ng magulang natin na tumatanda na ay mahirap na talagang tanggihan-- gaya mo," nakangising sagot ni Teban.
"I couldn't agree more. At malay mo doon mo na rin makita ang babaeng magpapatino sa'yo," birang biro ni CPR Paul.
"Ulol!" natatawang sagot naman ni Teban.
Hindi rin mapigil tuloy ni Mary ang matawa sa kakulitan ng tatlong idiots na kasama n'ya ngayon. Ang tawanan nila ay muntik gumising sa natutulog na ulit na si Mang Filo. Mabilis tuloy na huminto ang ingay nila.
"So, hindi manlang pala tayo makakapag-despedida party?" tanong ni Kiel.
"Okay lang 'yon. Hindi na uso 'yon. Kayo na lang ni Mary ang mag-slumber party," pang-aasar nito. At umalingawngaw muli ang tawa nito kasama si Paul. Habang simpleng nagkakatinginan na lang sina Mary at Kiel.
"Sorry, I also can't stay. Dalawa ang babaeng maiiwan sa bahay kaya mas delikado kung hindi ako uuwi."
At nalipat naman kay Paul ang kantyaw.
"Hindi mo maiwan si-- ano nga bang pangalan no'n?" ani Kiel na umakbay pa sa kaibigan. "Wala na. Inlababo ka na talaga CPR!"
"Tama na nga! Sige na. Aalis na kami." Waring umiiwas si Paul sa mga tuksuhan kaya ito na'y tumayo.
Kumilos na rin si Teban at binuksan na ang pinto.
Hindi naman papayag si Mary na hindi makapagpasalamat sa dalawa. Kaya bago pa ang mga ito ay tuluyang magpaalam ay mabilis na siyang lumapit sa mga ito.
Una niyang masayang niyakap si CPR na pinakamalapit sa puwesto n'ya. "Thank you," aniya rito. Tinapik-tapik naman nito ang likod niya bilang tugon at ito'y humiwalay na.
Sunod n'yang niyakap si Teban. Mabilis pa sa hangin na yumapos ito sa kanya bago kumindat sa masama ang tingin ditong si Kiel.
"Thanks, Teban," masaya ring sabi ni Mary rito. "Hihintayin ka namin. Pero kahit tagalan mo nang bumalik sige. Pero siguraduhin mong may kasama ka ng bumalik dito ah."
Natawa si Teban at ang dalawa pa. "Sure. Kasi kung hindi at single ka pa pagbalik ko aahasin kita sa pinsan ko." Tinapik nito si Kiel.
Nag-mouth na lang ng f*ck you si Kiel sa pang-asar na pinsan nito.
"But seriously, thank you, Teban and Paul for everything. Lalo na ngayon. Napasaya niyo ang Papa."
"You and Kiel are always welcome," seryosong sagot ni Paul.
"Wala 'yon. Mag-iingat ka rin ha. Insan, ingatan mo 'to," bigla'y baling na naman ni Teban kay Kiel.
"Oo na. Oo na. Umalis ka na loko ka. Bago pa kita sipain palabas ngayon."
"Ingat kayo. Teban, have a safe trip," pinal na paalam ni Mary bago ang dalawa ay kumindat na sa kanya at tuluyang mawala matapos ang pintuan ay magsara.
Bigla tuloy namayani ang katahimikan nang maiwan na lamang sina Mary at Kiel.
Matapos magkatinginan ay sabay na silang naglakad papunta sa mga pwesto nila.
BINABASA MO ANG
My Miracle Find (Complete)
Romance"Lahat ng taong nagmamahal ay lumalaban. Kahit madalas mali na. Minsan panalo, minsan talo. Pero matalo man, at least may ginawa ka. Lumaban ka." Si Mary Gretchen Mondragon. Aakalaing anghel pero salat naman sa maraming bagay, kaya sa patalim s'ya a...