SA pinakasulok at may kadilimang parte ng bar ay piniling pumwesto ni Mary. Kung tutuusin ay nakakarami na sila ng inumin.Kasalukuyang tumutungga sa bote ang kasama n'ya habang s'ya naman ay nilalaro ang basong hawak.
Tinatanong n'ya kung nasaan ako. Hindi na mahalaga kung nasan ako. Bakit pupuntahan ba n'ya ako? Wala naman dapat s'yang pakialam.
Katabi niya ang matanda pero sa pinakadulo siya naupo kaya bawat lingon sa kabila ng matanda ay pagkakataon naman n'ya para itapon ang alak sa sahig.
"Ano pang gusto mo, Mandy? Sabihin mo lang. O-order pa tayo?" Umalingasaw ang amoy ng alak sa bibig nito nang humarap sa kanya. Umakbay pa ito.
Hindi niya ibinigay ang totoong pangalan niya. Hindi naman kailangan and it was all part of the plan.
"Wala na. Ayos lang ako. Ang gusto ko lang ay makapasok sa bangko. Magagawa mo ba 'yon ha?" Kunwari'y hinimas niya ito sa dibdib. "Matutulungan mo ba akong mag-OJT sa inyo?"
"Walang problema. Ako ang Manager. Lahat ng gusto ko masusunod." Inilapit pa nitong lalo ang mukha sa kanya. "Maganda nga 'yon araw-araw kita makakasama," nakangising pagtatapos nito bago siya akmang hahalikan.
Sobrang bilis naman ng matandang 'to. Walang preno. Ano bang akala n'ya, na gusto ko s'ya talaga? Hindi mangyayari 'yon kahit sa panaginip.
Mabilis na kinabig n'ya ang bote ng alak sa ibabaw ng lamesa. Parang dominong sumunod na bumagsak ang iba pa. Napatayong agad ang matanda dahil do'n at pinagpag ang damit na natapunan ng alak.
Ngumisi s'ya. Nobody owns me.
Wala pa s'yang first kiss at mamatay na s'ya kung mamamatay. Pero hindi ang matandang ito o si Danny ang makakakuha no'n.
~•~
PAGKAUWI ni Mary ay napahiga s'ya sa kama nang hindi pa nagpapalit ng damit. Sa pagod at sakit ng ulo dulot ng alak ay wala na s'yang lakas ni magbanyo manlang.
Nakita n'ya ang table calendar sa gilid ng kama. Tila ba't ngayon lamang niya ito napansin. Inangat n'ya ang katawan para abutin 'yon. Nakahigang pinagmasdan niya ang numero na may markang X na kulay pula.
Tantya niya ay si Kiel ang may gawa nito. Wala namang iba. Tila binibilang na nito ang mga araw n'ya. Excited ba ito sa pag-alis n'ya?
Syam na araw.
Siyam na araw na siyang nasa mansyon. Pinilit niyang alalahanin ang usapan nila ni Kiel. Wala namang eksaktong bilang ng araw. P'wede raw fifteen days o less.
Pumikit na s'ya.
Binagsak ang kamay sa dibdib kasama ang kalendaryong hawak.
Five days. Baka mayroon na lang akong five days o baka mas maikli pa? hula niya habang unti-unti nang nakakatulog.
Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang kwarto. Pumasok ang noo'y naka t-shirt na puti at naka-boxer na si Kiel.
Una ay sumilip ito. Nang makita at masigurong naroon na sa silid ang hinahanap at tulog na ay pumasok ito.
Kunot ang noong pinagmasdan ang dalaga. Sa ayos niya at damit ay mapagnanasaan siya ng sinumang lalaking makakikita. Makahilata kasi siya ay halatang pagod na pagod. Ang skirt ay tumaas na kaya lantad ang kanyang mapuputing mga hita.
Since when you learned to drum like this, huh? he exclaimed, referring to his heart that was beating faster. Hanggang dumako ang paningin nito sa calendar na nasa dibdib n'ya. Maingat na tinanggal ng binata ang kamay ni Mary saka kinuha ang kalendaryo.
BINABASA MO ANG
My Miracle Find (Complete)
Romance"Lahat ng taong nagmamahal ay lumalaban. Kahit madalas mali na. Minsan panalo, minsan talo. Pero matalo man, at least may ginawa ka. Lumaban ka." Si Mary Gretchen Mondragon. Aakalaing anghel pero salat naman sa maraming bagay, kaya sa patalim s'ya a...