||Roommates||

599 50 48
                                    


Lingid sa kaalaman ni Mary ay alam ng mag-ina kung sino ang paparating.

Kilala ng mga ito ang klase ng sasakyan na 'yon at ang paraan ng pagbusina sa tuwing ito ay dumarating.

"Kiara!" pasigaw na tawag ng Don na nagbubukas na ng pintuan buhat sa labas.

Napalunok si Kiel.

Napakagat-labi naman si Mary.

"Oh, mahal!" salubong na bati ng Donya sa asawa. "Napaaga ka yata. Akala ko tatlong araw ang ocular inspection mo." Binigyan nito ng halik sa pisngi ang kadarating na Don.

Diretsong tinapunan agad nito nang matalim na tingin si Kiel.

"Umuwi ako agad dahil alam ko darating ang anak mo't magdiriwang. At iyon ay dahil hindi mo siya matitiis--" tinignan nito ang Donya na napayuko naman, "hindi nga ako nagkamali. Your most precious son is here." At bumaling na muli sa anak.

Namulsa na lang si Kiel na pilit tinatago ang mukha sa pagkakayuko habang si Mary ay napagsaklob na lang ang dalawang kamay na nasa kanyang likuran habang mataman na nakatingin sa mag-asawa.

"Good morning po!" bati niya sa kadarating na Don Elpedio.

Tinapunan siya ng tingin ni Kiel na parang sinasabi ang lakas ng loob mo, ah. Ngunit nagkibit-balikat lang siya bago kumagat-labi ulit.

Patay malisya kunwari.

"Ah! Dad," kalmadong tawag ni Kiel sa ama. Pilit tinatago ang kaba. "This is Mary. G-girlfriend ko." Umalingawngaw sa tenga ng binata ang salitang girlfriend. Hindi ito sanay na sabihin ang salitang iyon.

Kung ito nga ay hindi sanay paano pa ang ama?

Dumapo naman ang tingin ng Don sa kanya na bahagyang nagpabago sa kaninang mood nito. Dahilan kaya nakaramdam nang kaunting kapanatagan si Kiel.

Tinignan ng Don si Mary mula ulo hanggang paa. Nahihiyang itinago naman ni ang Mary ng palad ang butas ng leggings sa bandang tuhod.

"Ang sabi ko nga magpalit muna siya e kaya lang tulog pa kasi iyong kaibigan niya kaya dumeretso na kami rito. Nagasgas ang tuhod niya dahil na-holdap siya kanina, Dad," walang kagatul-gatol na paliwanag ni Kiel.

Papalapit na sa kanila ang mag-asawa kaya naman kumilos na si Kiel. Dumikit ito kay Mary at umakbay.

"Let's talk over a cup of coffee," utos ng Don habang sa mga mata ng anak ay nakatingin nang diretso.

Nang ito na ay tumalikod at maglakad palayo kasama ang asawa ay doon lamang nakapagpakawala nang malalim na hininga si Kiel. Nakuha na ring tanggalin ni Mary ang kamay nitong kanina pa nakasabit sa balikat n'ya.

Umismid si Mary.

"Don't start, okay? Sumang-ayon ka lang sa lahat ng gagawin ko. Para rin 'yon sa kabutihan mo lalo pa ngayon na nakapagsimula na tayo. Nakita mo naman kung gaano nakakatakot ang Daddy. Tingin pa lang 'di ba, parang may latay na?"

"Sa 'yo siya galit. Hindi sa 'kin."

"E what's the sense of you being here pala kung gano'n?"

Hindi pa sila tapos na magdiskusyon nang lumapit si Linda. "Sir pogi, pinapatawag na po kayo ng Daddy n'yo."

"Okay, salamat. Susunod na kami. Mauna ka na."

Tumalima naman ang kasambahay at tumalikod na.

Hinablot na ni Kiel ang kanang kamay niya saka siya hinila. Nagsimula na itong maglakad. Ngunit hindi nagtagal ay huminto ito.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon