NAPABALIKWAS si Mary nang makita ang babaeng nagbukas ng pinto at pumasok sa silid niya sa ospital.
Hindi mapakali, napatayo siyang bigla upang salubungin ito.
Nagyakap sila ni Donya Kiara.
"Sige na, anak. Mahiga ka. Huwag mong puwersahin ang sarili mo."
Tumangis ang ginang. Pilit itong ngumiti kahit may mga luha sa pisngi, at gano'n din s'ya.
"Kumusta ka na?" Hinimas nitong braso n'ya.
"Not okay, Tita. Dalawa sa mga mahal ko ang mabilis na ninakaw sa 'kin." Napatakip siya ng kamay sa bibig. "Sana 'wag naman si Kiel. Kung mangyayaring mawawala pala silang lahat. Ayoko ng mabuhay. Sana pala namatay na lang ako. Sana tuluyan na lang akong nalunod, Tita."
"No! Don't say that. Nabuhay ka dahil kailangang mabuhay ka, anak. At si Kiel, lumalaban s'ya. Lumalaban ang asawa mo. Iyon siguro ang dahilan kaya nandito ka pa."
Kinuha ng Donya ang kamay niya at hinawakan.
"Makinig ka. May isa pang dahilan kaya naparito ako."
Tiningnan niya ulit ang Donya.
"We're leaving, anak. Dadalhin ko sa America si Kiel para doon ipagamot at isasama ko ang Daddy mo. He also needs medications."
Nagulat si Mary.
"Mild stroke."
"I'm sorry po, Tita. Sorry sa lahat ng mga kamalasan at problemang dinala ko sa inyo."
Niyakap siya ng ginang. Kapwa ang luha nila ay hindi mapigilan.
"Hindi. Wala kang kasalanan. Naniniwala ako na may dahilan bakit nangyayari ang mga bagay."
Hinawakan siya sa pisngi ng Donya.
"At puwede ba? Mommy ulit ang itawag mo sa 'kin? Para sa 'kin, anak kita. Asawa ka ng anak ko."
Napapunas si Mary ng luha gamit ang likod na mga palad.
"My condolences, anak. Nalulungkot ako na mawalan ng apo. Pero naisip ko-- okay lang. Basta nand'yan ka at hopeful tayo gagaling si Kiel ay puwede pa kayo magkaroon ulit ng anak. As many as you like. Kaya ngayon, ang gawin mo magpalakas ka, ha. Anong malay mo kapag tama na ang oras. Baka magkita kayo ulit ng anak ko."
At nagyakap sila na parang ayaw na nilang bumitiw sa isa't isa.
"Lumaban ka, anak. Pangako! Lalaban din ako. At kahit malayo tayo sa isa't isa. Alam ko kakayanin natin. Basta't ipagdasal natin ang bawat isa ha."
"Opo."
Kumapit ang Donya sa kamay n'ya at doon ay inilusot ang isang white envelope.
"Gusto kong bigyan ka ng tulong."
Parang nakuryente sa nahawakan. Nabitiwan niya ito at nalaglag sa gilid ng kanyang kama.
"Ayoko po! Please, Mommy. Tama na po ang mga itinulong niyo sa akin noon. At ayoko na ring humawak ng pera. Nang dahil d'yan nagkandaleche-leche ang buhay ko!" paliwanag niya na basang-basa ng luha ang mukha.
"Anak, I insist. You need this." Muling inilagay ng Donya sa kamay niya ang sobre.
"Gusto ko kapag natapos na ang lahat. Magsimula ka ng bago. With or without Kiel I want you to be happy. I want you to live, anak."
Hindi na naman nila parehong napigilan na mapahikbi.
"Mommy!"
"Bibigyan kita ng magaling na abogado. Aasikasuhin ko ang lahat bago kami umalis. At kapag maayos na ang lahat sa'yo. Mag-aral ka. Do what you want. Gawin mo ang mga hindi mo nagawa noon. You deserve it. Mabuhay ka pa. Mabuhay ka nang marangal at masaya. Bawiin mo ang nawala sa'yo. Linisin mo ang alin mang nadumihan."
BINABASA MO ANG
My Miracle Find (Complete)
Romance"Lahat ng taong nagmamahal ay lumalaban. Kahit madalas mali na. Minsan panalo, minsan talo. Pero matalo man, at least may ginawa ka. Lumaban ka." Si Mary Gretchen Mondragon. Aakalaing anghel pero salat naman sa maraming bagay, kaya sa patalim s'ya a...