||Finding Mary||

281 13 0
                                    


HINDI makapaniwala si Elizabeth nang buksan niya ang kanyang bahay at mapagtantong wala roon ang kaibigang si Mary. Inilapag nito ang sling bag na itim sa sofa habang iginagala ang mata.

"Mary! Beshie!" pagbabakasaling tawag nito.

Nagtatanggal si Elizabeth ng sapatos nang kasunod nitong pumasok si Kiel at magtanong. "Nasaan s'ya?" Tila excited na makita ang hinahanap, nauna pang sumilip sa kusina at dungawin ang tuktok ng hagdan.

"Hindi ko alam. Dito ko lang s'ya iniwan kagabi. Unless alam niyang darating ka kaya ayon ginamit ang invisibility power n'ya," pagbibiro ni Elizabeth. Pero ito lang ang natawa sa sariling joke nito. Matalim na tingin ipinukol dito ni Kiel.

"Pwede mo bang i-check sa itaas?" pakiusap ni Kiel. Himas niya ang baba na naupo sa sofa.

"Pwede naman din mag-joke, 'di ba? Ito na! Iche-check na. Ang serious na nga ang demanding pa!"

Tiningnan na lang ni Kiel ang padaskol na pag-akyat ni Elizabeth sa hagdan. Lumangitngit ito dahil sa ginagawa nitong pagtapak.

"Kiel, papa! Wala s'ya rito!" Dinig ni Kiel na sigaw ni Elizabeth mula sa itaas.

"Sigurado ka!" balik-sigaw n'ya rin.

Muli ay narinig niya ang padabog na pagbaba ni Elizabeth.

"Pramis nga! Wala!" anitong hinihingal pa nang hustong makababa. "Saka ba't naman kita lolokohin. Jusko! May mapapala ba ako?"

"Malay ko ba e kaibigan mo 'yon," sagot niya na nakatayo na.

"Ano naman. E boyfriend naman kita..."

Tiningnan niya ito.

"...sa panaginip! Ito naman talaga hindi mabiro!" Hinampas nito ang braso n'ya pero hindi niya iyon binigyang pansin.

"Siguro ikaw, ang dami mong jowa nang hindi mo alam, hahaha! Kung si Mary ay kunwaring girlfriend mo. Ako naman ay sa panaginip mo!" Kinilig ito sa sariling tinuran.

"Sayang nga si Mary. Andun na e! Malapit na. Nag-kiss na nga kayo eh, umalis pa. Kung ako 'yon... Ipapatay mo na ako pero hindi ako aalis sa tabi mo," yumakap ito patagalid sa kanya.

"Huwag mo 'kong landiin. Hindi mo 'ko makukuha. Sabihin mo na lang sa akin kung saan pa s'ya pwedeng pumunta?"

Himas-himas niya ang kanyang sentido. Tinulak siyang bigla ni Elizabeth.

"Grabe ka! Maka-landin ka naman! Parang hinaharot ka lang naman. 'Wag kang mag-alala wala akong planong agawin ka sa bff ko 'no!"

"Hindi naman din ako magpapaagaw," mahinang sagot ni Kiel. "Aray!" biglang reklamo n'ya nang itulak s'ya ni Mary. "Bakit ganyan kayo ng kaibigan mo? Mapanakit."

Pero ngumisi si Elizabeth. "Yiee! Hindi ka magpapaagaw? So ibig sabihin seryoso ka na sa beshie ko? Hindi ka magpapaagaw kasi sa kanya ka lang, ha? Ha? Ha?" natatawang tanong ni Elizabeth habang kinikiliti s'ya.

"'Wag uy! Ano ba?" ang todo iwas na si Kiel habang umaatras palayo.

"Fine! Dahil sa mga nalaman ko sa'yo e, sige! Sasabihin ko sa'yo na-- nandito si Mary at narinig niyang lahat ang mga sinabi mo. Yieee!"

"Huy! Anong--? 'Di nga?" hindi naman makapaniwalang tanong n'yang bigla.

"Mary! Yohooo! Labas na d'yan!" hiyaw na naman ni Elizabeth.

"Tawang-tawa?" inis na tanong n'ya.

"E ikaw, pulang-pula?" Halos maihi si Elizabeth sa katatawa.

Pinunasan ni Kiel ang mukha gamit ang dalawang palad. "'Di nga?"

"Ang cute mo, papa Kiel. Kinikilig ka 'no? Buking ka na! Ayaw mo pa aminin gusto mo na talaga ang beshiewap ko!"

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon