SA wakas ay totoo na ang lahat sa kanila ni Kiel. Wala nang pagpapanggap pa. Wala ng alinlangan.
At hindi na rin nagpatumpik-tumpik pa si Mary. Nang magtapat si Kiel ay agad niyang tinanggap ang pag-ibig nito. Para sa kanya ay sapat na ang matagal na panahon nilang pagpapanggap. Dahil doon kasi ay nakilala nila ang isat-isa.
Kaya naman ngayon ay gusto na niyang lumaya sa kasinungalingan.
Gusto na niyang totoong maging masaya.
Gusto na niyang totoong magmahal.
Gusto niyang malayang mahalin si Kiel.
Hawak kamay na naglakad sila sa corridor ng ospital.
Iba ang pakiramdam ngayong totoong asawa na niya ang lalaking may hawak ng kamay niya. Parang kahit ano ay kakayanin niya.
Masaya niyang sinulyapan si Kiel na sinalubong naman agad ng isa.
"What? Do you need anything? You want to eat? May takeout naman tayo rito," usisa nito nang may pag-aalala.
Imiling muna siya bilang tugon saka kinuha ang isa pang kamay ni Kiel at hinarap ito. Mga matang tila unang beses nagkita. Nangungusap.
"Masaya akong ganito na tayo. Masaya ako dahil all this time. Mahal mo na rin pala ako." Nangingilid ang luha ni Mary. "Somehow, it helped me, Kiel. Ngayong hindi ko alam kung ano ang mangyayari kay Papa. It's good to know na nand'yan ka talaga. At hindi lang dahil napipilitan ka. O dahil kailangan."
Marahang pinadaan ni Kiel ang mga kamay sa magkabilang pisngi niya para palisin ang mga luha niya.
"Kaya 'wag ka nang malungkot, ha. 'Wag ka nang umiyak." And Kiel pull her closer with all of his love, for a hug. "Kung inaakala mong ikapapangit mo ang pag-iyak. Nagkakamali. Gandang-ganda pa rin ako sa'yo. Kahit umiiyak ka na."
Humiwalay si Mary sa pagkakayakap. "Saan naman galing 'yon? 'Yang mga banat mo na 'yan ang pangit eh," batong biro niya.
Kiel chuckled and embraced her again.
Wala pa ring doctor na lumalabas buhat sa OR. At dahil mukhang matatagalan pa ay walang pagpipilian si Mary kundi ang umalis na.
May trabaho siyang kailangang tapusin.Muli ay kumalas si Mary saka tinitigan ang asawa. "Kailangan ko pa lang umalis."
Napakunot-noo naman ito. "Bakit? Saan ka pupunta?"
"May trabaho ako na dapat tapusin." Minsan pa ay nangilid ang mga luha niya. Panahon na rin para aminin kay Kiel ang uri talaga ng trabaho n'ya.
"Ngayong totoong mag-asawa na tayo. Mahal mo ako at mahal kita. I--I just want to be honest with you."
"Okay." Humalukipkip si Kiel. Yumuko naman si Mary. Parang sa hiya ay hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito sa kanya ngayon.
"Before I met you. Ito ako. Hindi maganda--" her eyes speaked pain. Tears fell from her eyes again. "Hindi maganda ang trabaho. Aware ka ro'n. Alam mo 'yon. Pero may mga hindi ka pa rin alam."
Tila lumalim ang paghinga ni Kiel. Puno ng pagtataka ang mukha.
"Miyembro ako ng sindikato, Kiel. At may isang trabaho na binigay sa akin na hindi ko pa nagagawa hanggang ngayon." Mary looked at Kiel. Shaking.
Si Kiel naman ang nagyuko ng ulo. At bumuntonghininga.
Kinabahan si Mary. Nanginginig ang mga kamay na kumapit siya sa magkabilang braso ng asawa as if looking for support. Pakiramdam niya ay matutumba siya dahil nanginginig maging ang mga tuhod niya.
BINABASA MO ANG
My Miracle Find (Complete)
Romance"Lahat ng taong nagmamahal ay lumalaban. Kahit madalas mali na. Minsan panalo, minsan talo. Pero matalo man, at least may ginawa ka. Lumaban ka." Si Mary Gretchen Mondragon. Aakalaing anghel pero salat naman sa maraming bagay, kaya sa patalim s'ya a...