||First Night||

528 44 31
                                    


Kasalukuyang nilalagay ni Mary ang mga damit sa binakanteng isang pinto ng closet ni Kiel. Nakatunghay naman sa kanya si Kiel, animo'y Supervisor na tinitignan ang trabaho n'ya.

Nang matapos sa kanyang ginagawa ay niluwagan na ni Mary ang boots na kanyang suot. Kanina pa rin kasi niya gustong maligo dahil kanina pa siya init na init.

Naupo siya sa gilid ng kama.

Nag-cross arms naman si Kiel habang pinagmamasdan pa rin siya.

"Ano ba? Panonoorin mo na lang ba ako habambuhay, huh? Maliligo ako. Pati ba iyon gusto mong panoorin?" tuluy-tuloy na tanong ni Mary.

"At talagang inakyat mo pa ang sapatos mo rito sa kwarto ko!"

Isang makahulugang tingin ang ipinukol n'ya sa binata at nang mula sa boots ay tinanggal niya ang nakatagong pistol ay nanlaki ang mga mata nito. Nawala rin ang kaninang pagkakahalukipkip nito sabay turo sa handgun at pautal-utal na nagtanong.

"A-ano 'y-yan ha?"

Seryoso ang mukhang pinatong ni Mary ang baril sa side table saka hinubad ang boots.

At lalo pang naibuka ni Kiel ang bibig dahil sa gulat nang ilabas naman ni Mary ang dalawang dagger na nakasuksok din sa loob ng tig-isang pares ng boots. Ipinatong din niya ang mga iyon sa side table.

"A-ano'ng mga 'yan?" Ba-bakit meron ka n'yan ha?" Bahagyang napapaatras si Kiel kagaya ng dilang tila umuurong din. "Sino ka? A-ano ka ba talaga ha? Secret agent?"

Umangat nang bahagya ang kanang sulok ng labi ni Mary. Napapangisi s'ya sa takot na itsura ni Kiel.

"Secret lang...walang agent. Gets?" tanging sagot n'ya sabay tayo at kuha ng towel. Nagtungo na siya sa banyo pagkatapos.

Nang masiguro ni Kiel na busy na sa paliligo ang pekeng nobya ay marahan nitong kinalabit-kalabit na parang pusa ang mga deadly weapons na 'yon upang tiyakin kung totoo, baka kasi fake din. Para kasi sa kanya ay isang malaking peke si Mary.

Matapos masigurong tunay ang mga iyon ay agad na kumuha ng tuwalita si Kiel. Gamit iyon ay binalot nito ang mga sandata at maingat na itinago sa loob ng drawer. Muntikan pa niyang mailaglag ang handgun kaya nang matapos ay agad itong napapunas ng pawis.

May pangamba ang binata na baka bigla na namang pumasok ng silid ang ama at makita ang mga iyon aba'y mahirap na. Mahabang paliwanagan na naman kung sakali.

Kung siya lamang naman kasi ay maiintindihan niya pa ang uri ng pamumuhay ni Mary, anuman iyon ngunit hindi ang kanyang ama.

"Ano pa ba ang itinatago ng babaeng 'to? Lagi na lang niya akong sinosorpresa." Kausap ni Kiel ang sarili habang napapasinghap na lumabas ng kuwarto.

~•~

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasalo ni Mary ang pamilya Alonzo sa hapunan.

Nagpupunas na siya ng bibig gamit ang kaninang puting tela na nasa kandungan niya nang magsimulang mag-ingay ang kanyang cell phone na nakabukol sa bulsa ng kanyang soft jeans.

Nakapagpalit na siya ng damit pero sobrang simple lamang nito. White V-neck shirt na tirernohan ng may malambot na telang pantalon na kulay itim.

"Excuse me po. Kailangan ko lang pong sagutin ang tawag na ito," paalam niya sa Don saka mabilis na tumayo. Sinulyapan siya ni Kiel na nasa kanyang kanan. Nagpupunas na rin ito ng bibig.

"Sige, hija, go ahead," sabi ng Don habang sa kabilang tabi nito ay si Donya Kiara na namamapak ng dessert.

Sinundan ng tingin ni Kiel ang papalayong likod ni Mary.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon