||Miracle||

679 54 87
                                    


Kanilang napag-alaman na dala ng kalasingan ay nagpumilit pala ang lalaki na isayaw ang fake girlfriend ni Kiel kanina. Ngunit ibang sayaw ang natikman nito.

Agad na itong inilayo at inilabas ng bar. Sayang at may itsura pa naman ngunit hindi ito umubra sa pekeng nobya niya.

Naging tampulan ng bulung-bulungan ang babae na nakuha nang maupong muli habang namumula pa rin sa galit.

"Grabe, insan! Girlfriend ba kinuha mo o bodyguard?" natatawang tanong ni Teban. Halos ikalaglag kasi ng panga nila ang eksena kanina. "Alam ko mayaman ka pero, kailangan mo ba talaga ng bodyguard?" dagdag pa nito ngunit si Paul lang ang natawa sa sinabi nito. Nananatili lamang kasing tulala si Kiel.

Alam niya kanina pa na may katapangan at may angas ang babae pero hindi naman n'ya naisip na self defense/martial arts expert ito.

Tinulak ni Paul sa balikat si Kiel upang siya'y magising at doon nga lang nanumbalik ang ulirat niya. Hawak ang noo ay tumalikod siya. Sumunod ang mga kaibigan niya na pawang nagsitalikod din.

"Ano? Ayaw mo bang ipaalam sa lahat ng tao rito na kasama mo ang babaeng 'yon?"

"Tumigil ka na nga, Teban," saway niya sa pinsan.

"Amazona pala 'yan e, good luck pre! Minsan ka lang magkaka-girlfriend warrior princess pa. Mukhang nakakita ka na ng katapat mo... bugbog ka diyan!" tatawa-tawang sabi ni Paul.

"Hay!" Ang wala nang ganang makipag-usap na si Kiel na tumungga na lang ulit ng alak.

Mabuti pala't hindi n'ya ako pinatikim kanina ng mga iyon.

Inubos na muna niya ang laman ng baso niya saka nilingong muli ang babae.

Nakita niyang tinanggal nito ang suot na pulang cardigan saka tumayo. Sa white racerback tunic nitong suot ay nakita niya ang makinis at maputi nitong balat. At matapos na tumindig ay ipinatong ang cardigan sa mismo nitong upuan.

Ang kanyang mga mata ay napako na't sinundan ng tingin ang lumalayong dalaga papuntang ladies room. Napasunod din ng tingin ang mga kasama niya rito.

"Oh-oh!" bulalas ni Teban at nagpatuloy, "so hot! Simoy jackpot! Ganyan pa naman ang mga gusto ko. Iyong mga tipong she's sexy but she doesn't know it."

Tinignan na lang ni Kiel ang palabirong pinsan.

Mabilis makaagaw ng pansin ang mukha at pigura ng babae na kahit pa nga kaninang ang katawan ay nababalot pa ng tela ay may lumapit na agad na kung sino. Ngayon pa kaya na ito'y parang nakasando na lang na bumagay pa sa suot nitong black leather leggings at black low cut boots. Sino nga naman ba ang hindi mapapatingin?

Tantya niya'y walang balak na magtangal ng pandoble ang babae kung hindi lamang ito nainitan kanina. Ibang-iba kasi ang kilos nito kumpara sa mga babaeng laging laman ng bar na ito.

Pabalik na ang dalaga sa dating pwesto nito pero nakatingin pa rin silang tatlo.

"Ano? Wala ka bang balak lapitan? Kung sabagay parang wala naman din siyang pakialam sa'yo," ani Paul.

"Ayaw mo ba? Akin na lang--" akmang lalakad na sana si Teban palayo sa kanilang dalawa nang harangan ng kanang braso ni Kiel ang daan nito.

"I can handle this. Maghanap ka ng iyo," ani Kiel dito sabay ngisi.

"Fine... go ahead, Master!" pangungulit ng pinsan n'ya na nag-bow pa't iminuwestro ang kamay paturo sa lugar kung saan naroon ang babae. Animo'y isa siyang alipin at si Kiel ang prinsepe.

"Sira ulo talaga ang magpinsan na 'to," iiling-iling na sabi na lang ni Paul saka muling nagsalita. "T-teka, saan siya pupunta?"

Napalingong bigla ang magpinsan sa nagsusuot na muli ng cardigan na babae. Naglakad ito paalis.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon