ALAS-sais ng umaga nang magmulat ng mata si Kiel at ang kauna-unahang imahe na bumungad sa kaniyang harapan ay ang maamong mukha ng isang babae na mahimbing na natutulog.
Tinitingnan niya ang magandang tanawing iyon dahil alam niya kapag nagising ang nagmamay-ari ng mukhang ito ay hindi na niya magagawang titigan ulit dahil sa likas nitong katarayan.
Kataka-takang ang maamong mukha nito kapag tulog ay napapalitan at nagiging kawangis ng isang leon kapag nagising na.
Ang babaeng ito ang isang tunay na halimbawa ng mabait kapag tulog.
Napangisi siya nang maisip na kung anu-ano na ang itinawag niya rito. Naging dragon na ito, naging tigre at leon, ano pa ba?
Pero ngayon habang ito'y kanyang tinititigan ay isa namang magandang anghel ang nakikita niya.
Perpektong hugis na mukha, matangos na ilong, inukit na mga kilay at mala-rosebud na mga labi na kay pula-pula at tila kay sarap halikan. Nawiwili tuloy si Kiel na ito pagmasdan habang natutulog at tahimik pa.
Ilang segundo pa'y pinilig niya ang ulo at bumangon na. Sinukbit ang tuwalya sa balikat saka dumiretso sa banyo.
Mabilis siyang naligo at nagsipilyo para agad ding makapagbihis. Ayaw pa rin niyang maabutan siyang nagbibihis ni Mary. Diyahe 'yon.
At gaya ng kanyang inaasahan ay tulog pa nga ang dalaga nang lumabas s'ya ng banyo. Nakadipa ang mga kamay, nakabuka pati mga paa habang nakanganga. Tila sarap na sarap na solong natutulog sa malaking kama.
"Grabe 'to matulog. Makabukaka. Nalimutan ba niyang may kasama siyang lalaki rito?"
Nagmamadaling isinuot niya ang chino short na kulay puti at white and blue polo shirt. Hinagod at bahagyang ginulo ang tuwid at basa pang buhok.
Bago pa niya malimutan ay kumuha na siya ng pera sa vault sa ilalim ng kama at inilagay sa closet ni Mary.
Iyon ay ang kanyang paunang bayad dito gaya ng kanilang napagkasunduan bago siya na'y nagmamadaling lumabas. Tinungo ang sasakyan at iyon ay pinalipad.
~•~
"Whoah! Insan, hindi nga? Nakapagtimpi ka?" untag ni Teban. "Babae 'yon insan, babae! Maganda! Sexy! Paanong walang nangyari? Hindi ikaw 'yan! Huwag mo akong lokohin!" pagpapatuloy nito.
Nasa paborito nila silang coffee shop ngayon at nagbe-breakfast. Ugali na nilang tatlo ang paminasan-minsan ay magkita rito tuwing umaga para sabay-sabay na mag-agahan at magkwentuhan. Sa labas sila ng shop tumambay para mula roon ay makapag-yosi ang dalawang kasama niya habang mga nagkakape.
"Sinabi ko naman sa inyo, hindi siya ang tipo ko. Masyado siyang matapang at mataray. Tinakasan na yata ng lambing sa katawan ang babaeng 'yon. Ang kapal ng mukhang sipain pa ako paalis ng kama kagabi."
Nagtawanan sina Teban at Paul. Sa lakas noon ay napalingon sa kanila ang isang pamilya na may dalawang anak at maliit na asong alaga, 'di kalayuan sa kanila.
"Ang epic naman pala ng first night n'yo. Ano ba 'yan?" ani Paul.
"Nga pala e ikaw naman CPR? Ano naman nangyari sa 'yo? Sabi mo may ikukuwento ka?" Naalala ni Teban ang issue naman ni Paul. Ang pansin tuloy ay natuon naman ngayon dito.
Bumuntong hininga ito bago nag-kwento.
"Ayun, pinatikim ako ng mag-asawang sampal na may anak na sampung suntok."
Napatawa naman sina Kiel at Teban. Muling tumingin sa kanila ang pamilya at natahimik ulit sila.
Ang tinutukoy nilang CPR na si Paul ay may napagkatuwaan kasi noong babae. Natipuhan nito isang umaga ang dalaga pero hindi nito naisip na trending ngayon si karma at nang isang araw na makadaupang-palad nito ulit ang babae ay bumawi ang tadhana at pinatikim ito sampal at suntok.
BINABASA MO ANG
My Miracle Find (Complete)
Romance"Lahat ng taong nagmamahal ay lumalaban. Kahit madalas mali na. Minsan panalo, minsan talo. Pero matalo man, at least may ginawa ka. Lumaban ka." Si Mary Gretchen Mondragon. Aakalaing anghel pero salat naman sa maraming bagay, kaya sa patalim s'ya a...