||Another Fake||

52 4 0
                                    

HINDI nakasagot si Kiel sa huling tanong ng ama nito at tumingin sa kanya. Nang makita nitong umiiyak s'ya ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

"It's okay, Butter." Pagkasabi nito ay hinalikan siya ni Kiel sa pisngi. At noong hawakang muli nito ang kamay niya ay humarap na ito kay Don Elpidio.

"Should I thank you or should I laugh at you, I don't know. Hindi mo alam ang ginawa mo, Dad."

"Matty!" tawag ng ina nito na sige pa rin sa pag-iyak. Hindi maintindihan bakit nagkakaganito ang mag-ama. Ang buong akala nito ay ayos silang lahat.

"It's okay, Mom. Malulusutan namin ito." At bumaling ulit ito sa Don. "Hindi mo alam noong giniit mong magpakasal kami ay doon kami lalong nagkalapit. Oo, tama ka. At magaling ka ro'n! Nalaman mong hindi totoo ang relasyon namin. Pero! Totoo-na-ito-ngayon. Mahal ko si Mary." Inakbayan siya nito.

"Whether or not the wedding was fake, the hell I care! Pakakasalan ko siya sa maraming simbahan kung 'yon ang makapagpapatunay sa'yo--"

Muli ay dinuro niya ang Don.

"--na totoo kaming nagmamahalan."

Ngumiti ang Donya. Ngumiwi si Cherry at bumuntonghininga si Don Elpidio.

"OMG! Ang cool ni Sir Pogi!"
Nag-apiran ang dalawang kasambahay. Pero lumanding ang kamay ni Manang Fe sa mukha ni Linda. "Aray! Ang pimple ko!" reklamo nito sabay pahid sa noo.

"Hindi, anak. Ang pakakasalan mo ay ang nabuntis mo!"

"Fuck! Ano? Plano niyo ba 'to ha? Sinet up niyo 'ko!"

Hindi makapaniwala sina Mary at Kiel. Sila ngayon ang napaglaruan ng Don. Napeke sila nito. Napakatalino talaga ng ama ni Kiel. Noon pa pala ay alam na nito ang totoong estado nila.

Hiyang-hiya si Mary na gusto ng lumabas ng mansion kung hindi lang s'ya pinigilan ni Kiel. Hawak siya nito sa palapulsuhan, mahigpit.

Gustuhin man niyang lumaban ay wala siyang magawa. Wala siyang hawak na alas.

Hanggang maisip niya. Isang buwan matapos ng unang gabi nila ni Kiel ay hindi pa siya dinaratnan. Dito, ay siya naman ang humugot ng hininga. Inisa-isang sulyapan ang mga tao sa sala. At nang dumako kay Don Elpidio ang paningin ay lakas-loob na nagsalita na s'ya.

"I'm sorry po sa lahat ng ginawa ko-- namin." Nilingon niya ang katabing si Kiel. "Ang totoo ay hiyang-hiya po ako sa inyo. Pero puwede ko po bang makausap muna sandali si Kiel, Da--"

Bigla'y napahinto siya at nag-isip.

"--Tito? May kinalaman ako sa mga nangyari. Kaya sana, payagan niyo ako sa gagawin ko."

Naupo ang Don hudyat ng pagsang-ayon. Tumabi rito ang Donya habang nananatiling nakatayo si Cherry. Nakatingin ito sa kanila na medyo lumayo at malapit sa pinto ay nagbulungan.

"Ibili mo ako ng pregnancy test kit."

Nanlaki ang mga mata ni Kiel. "You mean--?"

"Shh! Huwag kang maingay. Hindi pa ako sure. Pero kasi hindi pa ako dinaratnan hanggang ngayon.

Napangiti si Kiel at napahalik na naman sa kanya. Tila gusto rin nito ang ideya.

"I'll just go buy something. Be right back," paalam nito sa mga magulang saka ito nagmamadaling umalis.

Nagkatinginan naman ang mga naiwan.

Lumabas muna si Mary. Naupo sa hagdang bato upang doon na lang hintayin ang pekeng asawa.

Sa pagbabalik ni Kiel ay agad siya nitong hinawakan sa kamay. Nag-uunahan ang mga paa nilang umakyat at pumasok sa silid nila. Hindi alintana ang naiwang nakabukas na pintuan.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon