||The Bomb||

72 4 0
                                    

ISANG buwan ang lumipas.

Maayos ang lagay ng pamilya Alonzo at nasasanay na ring manirahan sa mansion ang tatay ni Mary.

Tila wala na silang pupoblemahin pa.

Ang weekend ay para naman sa kanila ni Kiel.

Ang araw na nilaan nila para sa isa't isa.

Soft sweatshirt na mustard ang kulay ng suot ni Mary at black skinny jeans habang ang katabing asawa sa loob ng sinehan ay white printed polo shirt at blue denim pants.

Sinulyapan niya ito at natatawa siyang para itong bata na nakatutok lang sa malaking screen.

"Yes!" 

Nagulat siya nang sumigaw ang asawa. Sa wakas ay nananalo na sa laban ang superhero na pinanonood nila.

"Sorry," hinging paumanhin nito noong makita siyang napalayo nang bahagya dahil gawa ng kaninag pagkagulat. Kinabig naman siya nito at niyakap patagilid.

"Where's my coffee?" anitong nakangisi.

"How do you want your coffee, Sir? Bland, hard, creamy--?" pabulong at malambing na balik-tanong niya.

"Hmm, puwede sweet and creamy? Mamaya na ang hard at puro..." kagat-labing sagot nito saka siya hinalikan ng ubod nang tamis.

Hindi nagtagal ay nag-aya lang siyang bumili ng pagkain sa food bazzar sa ground floor na kanilang kakainin habang naglalakad. Malaking burger ang in-order ng asawa n'ya para sa kanila. Natatawang pareho na hindi magkandatuto kung paano isusubo ang pagkain. Nalaglagan pa nga ng sause ang damit niya na agad namang pinunasan ni Kiel.

Magka-angkla ang mga braso ay sinimulan nila ulit maglakad habang parehong ngumunguya.

"Ang love pala kapag pure at totoo doesnt needs practice, ano?" Simula ni Kiel. Umakbay ito kay Mary.

"Hindi kailangan i-Youtube, i-rehearse, o i-Google, o i-research. Dahil ito ay kusang lalabas. Kusang gagalaw ang katawan na parang may sariling isip. Kusang aabutin at hahawakan ang minamahal. Ang mga mata ay laging naghahanap. Laging gustong katabi at maramdaman ang minamahal. Ganon pala 'yon. Ganon ang love. At gano'n yata kapag in love nagiging baduy?"

"Yes! 'Yong parang everything just runs smoothly. Hindi nag-uutos. Hindi nagdi-demand. Kusang nagbibigay. Minsan nga kusa ring nagpaparaya. At tama ka. Lahat ay kusa lang. Ngayon lang natin nalaman dahil parehong ngayon lang natin naramdaman." Hinawakan ni Mary ang kamay ng asawa na nakaakbay sa kanya.

Sa mga tinuran ay nagkatinginan lang sila at nagkatawanan.

PINAPAGPAG na ni Mary ang hinugasang kamay sa lababo nang hindi maiwang mangiti habang nakaharap sa samalin ng isa sa mga restrooms ng Mall. Naiisip niyang kay palad niya kay Kiel. Ang laki ng kanyang pinagbago. Loob at labas ay parang hindi niya makilala ang sarili. Lalo na ngayon na naranasan na niyang makipag-date. Labis-labis ang saya na nararamdaman niya. Ngunit, bigla ay may gumuhit na pangamba sa kaloob-looban niya.

Tila may parte sa isip niya ang nagpaalala. 

She's not off the hook yet.

Oo nga't malaya na siya sa pakikipag-ibigan pero hindi sa batas.

Napabuntonghininga siya habang tinitingnan ang malakas na hangin na binubuga ng hand dryer. At nang maramdamang sapat na ang init nito ay inalis na niya ang kamay.

Wala sa sariling lumabas na siya ng powder room. Ang tanging nagpabalik ng kanyang ulirat at ng nawalang ngiti niya ay ang namataang asawa apat na metro ang layo sa kanya. Nakatalikod ito at may kausap sa telepono.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon