||Special Chapter||

408 3 0
                                    

"MIRACLE Raine M. Alonzo. Impressive! I love her name, Butter."

Isang buwan matapos ng huling pagkikita nina Mary at Kiel ay bumalik na ng Pilipinas ang mag-asawang Don Elpidio at Donya Kiara. Dalawang buwan naman matapos nito ay ikinasal ang magkasintahan. Wala na nga talagang nakapigil pa sa pag-iisang dibdib nila. At apat na buwan matapos ang kasal ay biniyayaan naman sila ng isang sanggol na babae.

Malaki na ang tiyan ni Mary at dalawang buwan na lang ay kabuwanan na niya.

"I want the name Miracle. It reminds me of you, Bun. Saka katunog ng pinagsamang pangalan natin. Mary-Kiel. And the name Raine si Mom naman ang nagbigay."

Isang umagang sabay silang nagising ay kuntento lang silang nakaupo sa couch sa loob ng silid matapos mag-agahan. Pinag-uusapan ang papalabas na nilang anak.

"Oo nga ano. Maganda nga! Pero ayaw mo talaga ng MJ para malapit sa name mo?" pangungulit ni Kiel sabay tawa. Inaasar lang nito ang asawa.

"Ayoko nga. Bakit ba pinipilit mo ang pangalan na 'yan?" sungit-sungitang sagot niya.

Tumayo na siya para bumalik sa higaan. Nakakadalawang hakbang na siya nang maramdaman ang paghawak ng mister sa kamay niya. Hinila siya nito pabalik. Napapihit naman siya paharap dito na ang mukha ay saktong tumapat sa kanyang tummy.

Niyakap siya ni Kiel. Napangiti siya nang matitigan ang mukha nitong guwapong-guwapo sa suot nitong pajamas na kulay brown. Lalaking-lalaki itong tingnan lalo nang pilyo itong ngumiti sa kaniya.

"Hindi ka ba papasok, Bun?" tanong n'ya habang nilalaro naman ang buhok nito.

"Mamaya. I want to attend to your needs first. Ngayong malapit ka na manganak. Kahit hindi ko nararamdaman alam kong nahihirapan ka."

Hinalikan ni Kiel ang parang puputok na niyang tiyan, ikiniliti niya iyon. Tila gano'n din ang anak. Dahil naramdaman niyang gumalaw si Miracle sa loob.

Hinapit siya ni Kiel palapit ditong lalo. 

"May kailangan ka ba?" nakatitig ito sa kanya habang nagtatanong. 

Hindi naman siya tumaba pero sadyang maluwag ang gusto niyang sinusuot na damit. Sa luwag nga ng suot niyang ternong pantulog na cotton ay puwede silang magkasya ni Kiel sa loob. 

Inilusot ni Kiel ang kamay sa loob ng damit niya at hinawakan ang tiyan n'ya.

"Wala akong ibang kailangan, Bun. Ikaw lang."

"Sige na nga. Halika rito," anitong pinihit siya at iniupo sa lap nito.  Kumportableng isinandal na lang niya ang likod sa dibdib ng asawa at hinayang imasahe nito ang tummy n'ya.

Ang init na dulot ng mga kamay ni Kiel sa tiyan niya ay tila bumalot hanggang sa sinapupunan n'ya.

"Salamat, Bun," nakangiting saad n'ya. Gumilid siya ng tingin para sipatin ang nasa likurang asawa.

"No worries, Butter," buong pagmamahal na sagot naman ni Kiel sabay ngiti at pagkatapos ay hinalikan siya sa balikat. "Feel much better now?"

"So much better. I love you!"

"I love you, too!"

Tumagal ng sampung minuto ang paghihilot ni Kiel sa tiyan ni Mary. Bagay na nakapagpa-relax sa kanya. Pero bigla ay naalala n'ya.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon