||Lips and Coffee||

191 9 0
                                    

SIMULA nang magising si Mary dahil sa pang-iistorbo at pagtabi ni Kiel sa kanya ay tila tinangay nito ang antok niya. Sumama rito palabas ng pintuan at hindi na bumalik pa.

Habang paikot-ikot sa kama sa loob ng madilim na silid ay naalala niya ang kanilang kasal. Gumuhit sa labi niya ang magandang ngiti. At hindi maiwasang kiligin.

Hinawakan ni Kiel ang kamay niya?

At kailan pang nagsimula na sang-ayunan ito ng sistema niya?

Hindi na niya matandaan.

Kung sabagay makailang beses na nga pala siya nitong hinalikan at may pinagkaiba ba iyon sa paghahawak ng kamay?

Napabuntonghininga s'ya. Habang pumipikit nang mariin.

Ano na ba'ng nangyayari sa 'kin? Bakit bawat kilos niya apektado ako?

Naaalala pa niya noong unang beses na hawakan ni Kiel ang kamay niya. Ang unang beses na dinala siya nito sa mansion. Hindi siya nakakilos noon. Para siyang naging kasing tigas ng bato. Ang hindi niya alam ang pagpasok niya sa mansion ay simula pa lamang at mula nga noon ay hindi na siya nakalabas pa.

Hanggang pumutok ang liwanag at tumilaok ang manok. Tinanggap na lang niyang hindi na siya talaga makakatulog pa.

At kesa pilitin pa ay pinili na lang niyang pumasok ng banyo at ayusin na ang sarili. Nakararamdam na siya ng gutom at tila ang lalamunan ay nananabik nang mahaguran ng mainit kape.

At kung bakit ba naman pagkalabas na pagkalabas niya ng palikuran ay may narinig siyang kumakatok.

Ewan ba at parang gusto niyang umurong at bumalik sa banyo para sipatin ang sarili sa salamin.

At iyon nga ang kanyang ginawa. Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa salamin. Hinagod pagilid ang buhok na pinaghirapan niyang suklayin kanina. Pinressed ang labi na may manipis na manipis na pink lip tint. Tiningnan niya rin ang kabuuan. Leggings na black at muscle tee na kulay maroon ang suot niya. At nang makuntento ay nagmamadali na n'yang binuksan ang pintuan.

Hindi nga s'ya nagkamali. Ang asawang si Kiel Matthias ang napagbuksan niya. Wala mang emosyon ang mukha pero ang puso niya ay tuma-tumbling na sa tuwa.

Nakasuot ito ng puting t-shirt bilang panloob at ang coat na kulay itim ay nakasampay sa balikat. Napaka-gwapo nitong tingnan na para bang ikakasal ito ulit.

Tila handa na itong pumasok. Hindi yata't nasosobrahan sa kasipagan ngayon ang asawa. At sa ano naman kayang dahilan? Samantalagang nakainom pa nga ito. Buong akala niya nga ay hindi ito papasok ngayon.

"How's the first day being Mrs. Mary Gretchen M. Alonzo?" ang may manipis na ngiting bungad na tanong sa kanya ng asawa. Habang ang siko ay nakatukod sa hamba ng pintuan.

Nagdulat ng saya kay Mary ang tanong ni Kiel na iyon. Nginitian niya ito pabalik. Pero wala siyang kahit anong sinagot. Gusto sana niya itong hampasin nang may paglalambing sa braso nito na nagsusumigaw ang muscle ay pinigilan na lang niya. Alam naman niyang para sa kanilang dalawa ay balewala lamang ang kasal na iyon. Kaya hindi siya dapat na maging malambing dito.

Binawi niyang bigla ang ngiti.

"Ready for breakfast, Mrs. Alonzo?" tanong ulit ni Kiel na parang nanunukso.

"Oo," tugon niyang napakatipid.

"Maganda nang magkasabay tayong bumaba para kapani-paniwala, hindi ba?"

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon