||End: The Coffee||

387 6 0
                                    

HABOL ang hininga at tagaktak ang pawis ay bumalikwas si Mary ng tayo.

Katatapos lang nila mag-sparring ng tinuturuang estudyante. Kapwa sila hinihingal. Tila nakukuha na ng mga ito ang tinuturo niya at napapatumba na siya sa mga atake.

Nagpalakpakan ang mga nanonood sa kanila.

"Mahusay! Kaya mo na. Ipagpatuloy mo lang!" Inabot niya ang kamay nito upang tulungang tumayo.

"Salamat, coach Mary," sagot sa kaniya ng tinuturuang seventeen years old na lalaki.

"Mary, ako na muna d'yan. Madali ka at may naghahanap sa'yo," singit ng boses na papalapit sa kanya sabay turo sa sinasabing naghahanap sa kanya.

Hinihingal na napalingon siya kay Albert. Ang may-ari ng gym. Buong pagtatakang sinundan ng tingin ang tinuro nito.

Ang maliit na mga mata ay sumingkit lalo nang pag-aralan nito ang mukha ng lalaki na naglalakad palapit sa kanya. Pinunasan niya ng towel na nakasabit sa balikat ang mata. Balakid sa paningin niya ang mga pawis na mas gusto n'yang tumutulo kasya luha.

Hanggang mapagsino ang lalaking nakatayo isang metro ang layo sa kaniya. Nakangiti ito at nakatitig sa kanya.

Ang mga mata, labi at ngiting 'yon. Kilalang-kilala niya ang taong nagmamay-ari ng mga iyon. At hindi siya puwedeng magkamali. Sa katunayan ay miss na miss na niya ang taong 'yon.

Ang puso niya na sa gulat at bilis nang pagpintig ay tila gusto pang maunang lumapit dito.

Parang nagliwanag nang husto sa gym at huminto sa paggalaw ang lahat sa paligid niya. Liban sa mata na mabilis na namang naluha.

Walang pagsidlan ang kaligayahan. Ang mga paa ay nagkaroon ng sariling buhay at nagmamadaling tumakbo payakap sa lalaki.

At sinalo rin siya nito ng yakap.

Humihikbi na napayakap siya nang mahigpit at matagal sa lalaki.

"Kiel!"

Ang kaninang pawis ay napalitan ng masaganang luha.

"Ako nga, Mary! Miss na miss kita!"

Wala na siyang pakiaalam gaano man kalakas ang naging pag-iyak niya. Totoo naman kasing miss na miss niya ang taong ito. Maging ang boses nito na musika sa tainga n'ya. Nang mawala ito sa piling niya ay tila tumahimik ang mundo n'ya.

"Miss na miss din kita! Salamat bumalik. Salamat sa Diyos! Binalik ka n'ya sa 'kin!"

Sa tagal ng yakap na parang wala nang bukas ay hindi na rin nakakilos ang mga tao sa gym. Masaya na malungkot ang mga ito, na kahit hindi alam ang kwento ang ilan ay naluluha. Marahil ay dahil kapwa umiiyak ang magkayakap.

"Patawad! Ang tagal kong nawala."

"Huwag ka na ulit aalis ah. Pakiusap! Ayoko na. Ayokong wala ka, Kiel. Mahal na mahal kita."

"I love you, too, Mary!"

At nang sa wakas sila ay maghiwalay, kapwa sila ngumiti. Tinigitigan ang isa't isa. Totoo ngang sabik na sabik sila. Na tila bang ang pagkakatong ito ay pinakahihintay rin ng mga puso nila.

Ang muli nilang pagkikita.

Tila magkausap maging ang mga puso na walang habas sa pagpintig nang malakas.

Sa paglapit ng kanilang mukha, gaya ng laging ginagawa ni Kiel. Pinahid nito ang kaniyang luha. At gano'n din ang ginawa ni Mary.

Pigil na pigil habang nanginigiti si Kiel ay muntik na niyang mahalikan sa labi si Mary. Kung hindi lang dahil sa mga nanonood sa kanila.

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon