||Jelous||

364 17 0
                                    


HINDI pansin ang mga matang sumusunod sa kanya nang pumasok si Mary ng ospital. Paano ba namang hindi e kitang-kita ang ka-sexy-han n'ya sa bodycon dress na suot na kulay itim na binagayan ng stiletto open-toe heels na kulay beige. Nagsusumigaw maging ang kinis at puti ng kanyang balat. Nakataas ang buhok na naka-messy bun kaya kitang-kita ang dangling earrings na bumagay sa no makeup-makeup n'yang ayos.

Dumeretso s'ya sa Billing Department para ipa-compute ang babayaran niya para sa Tatay niyang hindi pa rin pinapayagang makalabas.

Sunod n'yang pinuntahan ang Cashier upang doon naman magbayad. Inilabas n'ya ang pouch na pinaglagyan niya ng paunang bayad sa kanya ni Kiel. Iniabot niya ang lahat ng pera sa kahera.

Ilang sandali pa at nang matapos ang transaksyon sa Cahier ay mabilis na s'yang naglakad papunta sa kwarto ng ama.

Hanggang ang kaninang mabilis na lakad ay bumagal. Namamasa na kasi ang kanyang mga mata. At nang makatapat sa saradong pintuan ay hindi na n'ya napigilang umiyak.

Sapo ang bibig ay pinigilan niyang mapahikbi nang malakas. Tinulak n'ya ang pinto saka parang bata na tumakbo at sinalubong ng yakap ang ama na noon ay natutulog. Sa dibdib ng nito ay pumalahaw s'ya ng iyak.

"Miss na miss na kita, Papa. Magpagaling ka na, please. Ang hirap-hirap na. Hindi ko na yata kaya."

Ilang minutong umiyak si Mary sa ibabaw ng dibdib ng kanyang ama. "Pa, ang dami ko na pong kwento sa 'yo." Hinawakan niya ang kamay nito at ang mga luha ay nagragasa na namang muli pababa sa kanyang mukha.

"Siguro po kung gising ka magtataka ka bakit ganito ang ayos ko." Kinagat n'ya ang ibabang labi para pigilan ang paghikbi. "May date ako, Pa." Hinalikan n'ya ang kamay ng ama.

"Sana nga totoong date e. Pero hindi. Gusto ko pa rin sanang maranasan na makipag-date. Babae pa rin naman ako, 'di ba? 'Di ba, Papa? Pero hindi ito romantic date. Gagawin ko ito kasi kailangan. Ito na kasi ang trabaho ko."

Muli siyang yumakap dito. "Sorry, Pa. Sorry sa trabaho ko. Alam ko kung alam mo 'to tututulan mo 'ko. Pero wala akong magawa. Gu-gusto kong mabuhay ka."

Ilang minuto s'yang parang batang nagsusumbong sa Tatay n'ya at nang sa wakas ay mapagod ay inayos na niya ang sarili saka pinagmasdan ang mukha ni Mang Filomino. "Babalik po ako agad," aniyang pilit ngumiti habang pinupunasan ang pisngi gamit ang likod ng kanyang palad.

Matapos ang buntonghininga ay tumayo na s'ya. Kailangan niyang maging matapang. Inayos na niya ang kumot ng ama saka niya ito hinalikan sa pisngi.

Naglalakad siya palabas ng ospital habang binabalikan ang simpleng kulitan at bonding nila noon ng ama.

Tuwing umaga. Noong siya ay dose anyos pa lamang, hindi niya maintindihan kung bakit ang aga-aga siya gisingin ng ama. Yayayain lang naman siyang mag-jogging. At pagkatapos ay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay nila ay naglalaan sila ng tatlumpong minuto sa pagpa-practice ng Tae Kwan Do. Inaaway niya noon ang ama dahil hindi naman niya kailangan iyon pero iginigiit nitong bilang babae ay dapat alam niyang ipagtanggol ang sarili lalo na at hindi naman daw ito immortal para samahan siya nang mahabang panahon.

Sinunod niya ang ama. Paminsan-minsan ay may pasa siyang nakukuha dahil sa training n'ya pero ayos lang. Masaya siya nang isang araw ay magawa niyang salagin ang atake nito. Nasalag niya ang mga spinning kicks ng Papa n'ya sa pamamagitan ng pagsipa rin. Pero lubhang nakakapagod kaya sa huli ay naharang nito ang paa niya at muntik na siyang ma-out balance mabuti at nasalo s'ya ng ama kung hindi ay mababagok ang ulo niya sa lupa.

Hinihingal na tumayo sila ni Mang Filomino.

"Magaling, anak." Humawak ito sa balikat niya. "'Wag kang magpapaapi. Kung kailangan ay lumaban ka. At sa pagpili ng lalaki. Piliin mo iyong kaya kang patumbahin. Ibig sabihin no'n kung ikaw ay matapang ay dapat mas matapang s'ya para maipagtanggol ka n'ya. Naiintindihan mo?"

My Miracle Find (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon