Prince of Wales

471 21 2
                                    

Sorry and Thank you.

Iyan ang dalawa sa mga salitang hinding-hindi ko makalilimutan sa aking isipan. Tinuro sa akin ng aking ina na kalimutan ko na ang lahat, huwag lamang ang dalawang salita na iyan. Aniya ay ang paghingi ng pasensiya at pagpapasalamat ay mga napakalakas na salitang malaki ang impact kapag sinabi o narinig mo sa isang tao.

I never truly understood those words dahil noong mga panahong iyon ay nasa batang isipan pa ako. Lumaki ako sa hirap, nakatira kami noon sa gilid ng riles. Nabuntis ang aking ina sa pagkadalaga at maagang iniwanan sa mabigat na responsibilidad. Binuhay niya kaming dalawa sa pagbebenta ng mais sa itaas ng tulay kung saan maraming dumaraan na nga tao at commuters.

Hindi nagtagal, nakakilala si Nanay ng lalaki na tumayong ama sa akin. Ngunit, hindi rin nagtagal ay lumabas ang tunay nitong kulay. Laging nag-iinom, nagsusugal, at kalimitan ay hingi nang hingi sa kita ni Nanay sa maghapon. Dumating din ang araw na pinagbubuhatan niya ng kamay hindi lang si Nanay, maging na rin ako.

Sa edad na sampung taon, nagdesisyon si Nanay na paalisin na ako sa malupit na buhay na iyon. Iyak ako nang iyak dahil ayaw ko siyang iwan. Bakit hindi ang lalaki na iyon ang umalis? Ngunit, paglaon ay nakita ko na mahal pa rin siya ni Nanay kahit ganoon. Hindi ko maintindihan. Ganoon ba talaga minsan kapag nagmamahal? Nagiging martir at bulag ka?

"Nanay dapat kasama po kita! Ayaw po kitang iwan, Nanay!" hagulhol ko habang nakikita si Nanay na nag-iimpake ng aking gamit.

Wala pa ang lalaking iyon sa bahay at naroon pa sa inuman. Nakitang tsansa iyon ni Nanay para paalisin ako. Sasabihin niya sa lalaki na lumayas ako, pero ang totoo, sinabihan ako ni Nanay na umalis dala ang address kung nasaan sila Lolo at Lola — mga magulang ni Nanay.

"Heto lang ang paraan para maligtas ka, Juno!" Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat. "Makinig ka, anak. Kapag nakarating ka sa bahay ng Lolo at Lola mo, magsumbong ka. Sabihin mo sa kanila ang lahat para makasama na rin ako sa iyo pagkatapos. Hindi maaari na dalawa tayo ang mawala rito, mauna ka na."

Hindi na ako nakaimik pa noon hanggang sa hinatid niya ako palabas ng bahay. Tanging isang backpack at ang kupas kong kasuotan ang aking baon. Kahit sobrang sakit, kailangan kong gawin para mailigtas kami.

"Tandaan mong mahal na mahal ka ni Nanay, anak." Magiliw niyang tinignan ang aking mukha at binigyan ng halik ang aking noo.

Pasensiya at salamat.

Habang papalayo ako noon ay iyon ang mga salita na umiikot sa aking utak. Pasensiya kay Nanay dahil napakahina ko pa. Salamat, dahil mahal na mahal niya ako.

Hindi ko alam na sa paglayo ko roon, iyong araw din pala na iyon ako dadalhin sa lugar kung saan ko matatagpuan ang tunay na pamilyang magmamahal sa akin. Higit sa lahat, ang taong lubusan kong mamahalin.

Halos isang linggo akong palaboy-laboy. Nanakawan pa ako ng pera hanggang sa ang naisip ko na lamang na paraan para makarating kila Lolo at Lola ay ang maglakad. Lakarin hanggang sa makarating doon.

"L-Lord, kayo na po ang bahala sa akin..."

Sa ika-pitong araw, bigla akong nahimatay sa gitna ng daan. Tumigil ang isang magarang kotse sa harap ko at bago tuluyang nawalan ng ulirat, naaninag ko pa ang dalawang pigura na kapwa nag-aalala na lumapit sa akin.

"T-Tulungan niyo po ako..." halos ibulong ko ang mga kataga na iyon.

It was never in my plan to let them have me and live in their house. Ang nais ko lamang noon ay tulungan nila akong makarating kila Lolo para maligtas si Nanay. Kaso huli na ako. Huli na ang lahat.

Akala ko, iyon na rin ang huli para sa akin.

"I'm Janus and you are?"

You were just a little kid when we first met. I am 5 years older than you, but you always love being around me. Hanggang sa sumibol ang kakaibang damdamin ko para sa iyo. Pinigilan ko, sinubukan ko. Hindi maaari ang damdamin ko na ito lalo na at nagtiwala ang mga magulang mo sa akin. Kapalit nang kabutihan ng pamilya mo sa akin, hindi maaari na ako pa ang dahilan para masira kayo.

Thank you I've able to met you and sorry, I fell for you. Dadalhin ko na lang siguro sa aking hukay ang pagmamahal na ito. Marami mang hamon at hindi magaganda na nangyari sa buhay ko, ikaw naman ang naging liwanag ko sa dilim.

Loving you is like a drink of cocktail; the one they called the Prince of Wales. It is bitter, sweet, and sour. But... I need to stop this intoxicating feelings...

...before I get fully drunk.

----

AN: About the title:
The Prince of Wales is a cocktail created by Albert Edward, Prince of Wales, who later became King Edward VII. There are several variations of the cocktail, but what they usually have in common is champagne, angostura bitters, sugar (or simple syrup), either rye whiskey or cognac, and a liqueur.

Meyer says that the cocktail is "a marvelous drink with the spicy rye ... and the sweet Maraschino and pineapple playing off each other and the bubbly tying it all together." According to André Dominé, Prince of Wales has bitter, sweet, and sour in perfect harmony.

Thus, my story Prince of wales will be a bittersweet lovestory between Juno Mariano, Janus Ivan, and Lucio Reese. Since ang nauna na story ay entitled Black Rose, which represents Zeus' heart, naisip ko one day kung paano i-blend ang tatlong character na susunod. Then, napunta ako sa mga drinks and saw this Prince of Wales. I thought, the description is perfect for them at excited na ako na umpisahan ang kwento nila.

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon