Caught In The Act

170 17 1
                                    

Chapter Sixteen

Nanatili akong nakayuko habang mariin na nakatingin sa aming tatlo si Mr. Ivan. Kauuwi lang nila kaninang umaga ni Mrs. Ivan mula sa kanilang business trip at hindi na ako nagulat na alam na nila kaagad ang mga naganap nang wala sila. Mabilis akong sumilip kay Janus na nakaupo hindi kalayuan sa akin. Si Sir Zeus naman ay nasa may pinto at nakasandal sa pader habang si Mr. Ivan naman ang nasa harap namin at mahinang tinatambol ang mga daliri niya sa kaniyang lamesa.

“Well, care to explain everything?” tanong niya bago sinamaan ng tingin ang kaniyang bunso. “I heard that you’ve made quite a mess while we were out young man.”

Nakita ko kung paano lingunin ni Janus si Sir Zeus at sinamaan ito ng tingin habang ang nakatatanda niya namang kapatid ay binigyan lang siya ng seryosong tingin. Hindi rin ako nakaligtas sa sama ng tingin niya kung kaya ay binalik ko rin ang klase ng tingin na pinupukol niya sa akin.

“Isn’t this unfair? Why can they have their share of fun while I can’t? And don’t give me the same reason that I am still young and still not appropriate to do shits. Hindi na ako bata, Dad. Ilang beses ko pa bang sasabihin iyan?”

Bumuntonghininga ang ama niya, umiling-iling, at hinilot ang kaniyang sentido. Tumingin siya sa akin na tila pagod na pagod na siyang marinig ang paulit-ulit na pinagsasabi ng anak niya. Huwag po kayong mag-alala, ramdam po kita. Napabuntonghininga rin ako sa naisip.

“Janus, ilang beses din ba naming sasabihin na hindi iyan sa gano’n? Zeus got the same treatment when he was just in highschool not that you guys have difference anyway.” Sinamaan ng tingin ng ama nila ang panganay niyang anak na ngumisi lang sa kaniya. “Ayaw lang namin na mapasama kayo o masabit sa anong gulo. Para naman sa inyo ang mga pinagsasabi namin, hindi ba?”

“Ilang beses ko rin ba sasabihin, Dad? And don’t compare me to Zeus, for fucks sake.” Maririnig sa likod namin ang tunog ng pagprotesta sa Kuya niya. “Hindi na ako bata. Alam ko na ang tama sa mali. Alam ko na kung ano ang ginagawa ko. Leave your babysitting to Zeus, he’s your heir, I am not.”

I stiffened after he said that. May sasabihin pa sana ang ama niya kaso ay mabilis nang tumayo si Janus at tinalikuran kami. Halos mapatalon kaming tatlo nang malakas niyang sinara ang pinto pagkalabas niya. Nagkatinginan kaming naiwan sa loob bago sabay-sabay na napailing. And here he’s saying na hindi na siya bata pero para pa rin siyang bata kung mag-tantrums. Lihim akong nangiti.

“God, he’s becoming more and more of being a brat.” Natututok kay Zeus ang masamang tingin ni Mr. Ivan. “I wonder who was the cause?”

“Oh, c’mon, Dad. Hindi ako ang nag-i-spoil diyan noong maliit pa.”

Mr. Ivan clicked his tongue bago niya kami sinenyasan na lumabas na sa maliit niyang opisina rito sa mansiyon. Nang makalabas, kaagad na umalis si Sir Zeus at may lakad raw. Ako nama’y dumiretso na sa aking silid dahil may tatapusin pa akong powerpoint para sa individual reporting namin bukas, turn ko na bukas at mabuti pa si Sir Zeus dahil tapos na.

Pagkapasok sa aking silid ay malalim akong bumuga ng hininga. Napahilot ako sa aking sentido dahil sa stress. Stress hindi lang sa pag-aaral, kung hindi sa sitwasiyon na ito kay Janus. Grabe, mas malala pa siya sa Kuya niya. Si Sir Zeus noong highschool, nagrerebelde rin, pero kapag nasabihan, nakikinig naman. Sa kaso kasi ni Janus, hindi talaga masabihan. Mas tumitigas lang ang ulo niya kapag ganoon. Isa pa, para sa kaniya, isa na akong malaking tinik ngayon sa kaniyang lalamunan.

Pakiramdam ko ay hinihiwa ang puso ko sa kaisipan na iyon.

“Mabuti pa, mag-concentrate ka na lang sa gawain mo, Juno,” ani ko sa sarili ko at nagsimula nang harapin ang powerpoint presentation ko.

Nilunod ko ang sarili ko sa gawain at nagpaka-busy para mawala na muna pansamantala sa isip ko si Janus. Ayoko munang isipin na nag-away pa kami at hindi okay dahil kung hindi ko siya tatanggalin sa utak ko, tiyak wala na akong matatapos na gawain. Noong dinner ay hindi na rin ako bumaba at nagpasabi kaagad ako na marami pa akong gawain. Mainam na rin iyon para makapag-usap-usap muna silang magpamilya.

Nang matapos ako sa panghuli kong tipa sa aking laptop ay nakita ko ang oras at nagulat ako na halos hatinggabi na ako natapos. Noon ko lang naramdaman ang pagkalam ng aking sikmura sa labis na gutom. Kaagad kong s-in-ave ang nagawa kong powerpoint at naisipang bumaba para kumain. Nang makalabas sa aking silid ay kaagad akong sinalubong ng tahimik nang mansiyon. Sa malamang ay tulog na ang mga tao at ako na lamang ang gising.

Naisipan kong kumuha na lamang sa refrigerator ng tinapay at maiinom para sa napaka-late ko nang hapunan. Pabalik na ako noon sa itaas nang mapapreno ako bigla sa paglalakad. Kumunot ang noo ko at naglakad palapit sa may bintana ng sala para maaninag ang isang hindi pamilyar na kotse sa labas. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, napalunok, at si Janus kaagad ang naisip ko.

“H-Hindi…” halos pabulong kong ani sa aking sarili. “Hindi niya naman siguro gagawin iyon? Dito mismo sa tahanan nila?”

Naalala kong muli sa aking utak ang imahe nila ng Ken na iyon na magkasama. Mabilis pa sa alas-kwatro akong umatras at takot na napatingin sa ikalawang palapag kung saan naroon din ang direksiyon ng silid ni Janus. Napahigpit ang hawak ko sa mga pagkaing dala at dagling umakyat patungong ikalawang palapag. Ilang beses pa akong natigilan kung itutuloy ko ba ang aking balak, ngunit sa pagnanais ko sa aking puso at isipan ay nakita ko na lamang ang aking sarili na tuloy-tuloy sa paglakad hanggang sa tanaw ko na ang pinto ng silid ni Janus.

Halos mabingi na ako sa tibok ng aking puso. Nanghihina na rin ang aking mga tuhod. Ang bigat at sama ng pakiramdam ko sa maaari kong marinig o makita ay nagpainit sa aking mga mata. It hurts. Just thinking of the possible scenario already hurts. Paano kung tama ang hinala ko?

Nang makarating sa nais kong patunguhan ay pinakiramdaman ko muna ang aking sarili. Tahimik ang gabi at kahit kaunting langitngit ay maari kong marinig. Tinitigan ko pa nang matagal ang nakasarang pinto ni Janus at unti-unti ay kumunot ang aking noo nang makarinig ako ng mga mumunting tinig sa loob. Napalingon ako sa magkabila kong gilid bago lumunok at unti-unti ay nilapat ko ang aking tenga sa pinto ng silid.

“Yes! Fuck me harder, babe!”

Nanlaki ang mga mata ko at nanginginig ang katawan na umatras sa pinto, tila kaagad napaso. Nabitawan ko sa isa kong kamay ang bottled water na aking hawak at imbes pulutin ay napatakbo na ako palayo roon. Hindi ko namalayan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagpatak mula sa aking mga mata.

Hindi ako maaaring magkamali. Klaro kong narinig iyon kahit sa ilang minuto lang na iyon. Ang langitngit ng kama, ang nagsasampalang balat, at ang pamilyar na boses ni Ken na umuungol. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin o ginagawa nilang dalawa sa likod ng silid na iyon.

Ang katotohanan na iyon ang unti-unti ay humihiwa sa bawat parte ng puso ko.

To. Be. Continue

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon