Not The Same

150 16 3
                                    

Chapter Eleven

Nanlalamig ay kaagad akong sumama kay Sir Zeus sa loob ng mansiyon. Yakap ko sa aking sarili ang isang puting tuwalya habang basang-basa pa rin ako ng tubig. Ang bag ko nama'y nauna nang pinaakyat sa isang kasambahay.

"That kid never learns," narinig kong bulong ni Sir Zeus habang niluluwagan ang necktie niya. "Umakyat ka na sa taas at magpalit, I'll handle them."

Wala na akong nagawa kung hindi tumango. Nais ko man na ako pa rin ang magsabi kina Janus, alam kong hindi ko rin sila kayang harapin lalo na sa nangyari kanina. Lalo na ang harapin ulit si Janus. Also, there was something bothering me.

Kagaya ng sinabi ng amo ko ay kaagad na akong umakyat. Narinig ko ang agarang pagtihimik ng pool area senyales na umaksyon na si Sir Zeus. Maya-maya pa ay narinig ko nang nagsitunugan ang mga sasakyan sa labas. Wala sa sarili na naglakad ako sa may bintana ng aking silid. Hinawi ko ang kurtina roon para makita silang umalis.

"Ah."

My heart quickened its pace nang makita ko na sina Janus at iyong Ken na lamang ang naroon. Nag-uusap sila sa gilid ng sasakiyan noong Ken siguro. Sa nakikita ko ay tila inaalo ni Janus iyong Ken na mula sa simangot nitong mukha ay biglang matamis na ngumiti. Napigilan ko ang aking hininga sa antisipasiyon kung ano ang susunod na makikita.

I saw how Janus gently caressed the smaller man's face. He made it so gentle it made my heart hurt seeing it. Pinaikot noong Ken ang mga braso niya sa leeg ni Janus at nang tumingkayad ito ay napasinghap ako.

Their lips met and it was not just a simple kiss, it was bolder.

"H-Hindi..."

Napaatras ako mula sa bintana at ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay. Mas lalo akong nanlamig at pakiramdam ko ay nagkabutas sa loob ng aking tiyan. Then I realized, those things I saw earlier, I was not really hallucinating it.

They were not just friends.

Pakiramdam ko noong mga oras na iyon ay ina ako ni Janus na kinukwestiyon ang sarili kung saan ako nagkamaling palakihin siya. Was he like that from the start? Where did my clingy and innocent Janus went? Parang kailan lang... nakadepende pa siya sa akin, ngunit ngayon, ganiyan na siya.

"I need to talk to him," bulong ko sa aking sarili.

Nang dumating ang gabi ay walang anino ni Janus na bumaba para sa hapunan. Naging tahimik ang hapag na tanging ako at si Sir Zeus lang ang naroon. Nasa business trip pa rin kasi ang mag-asawang Ivan.

Alas-onse ng gabi ay natagpuan ko na ang sarili ko na nakatayo sa harap ng pinto ni Janus. I was very anxious and nervous. Ilang beses pa akong naglakad parito at paroon bago pikitmata na kumatok sa kaniyang pinto. After three knocks, dahan-dahan nang bumukas ang pinto niya at sumilip ang nakabusangot na si Janus.

"What do you want?"

I flinched before nervously gulping my own saliva.

"M-Maaari ba tayong mag-usap?" kabado kong tanong.

Mariin siyang tumitig sa akin bago siya pumikit at bumuntonghininga. Tumango siya bago tuluyang lumabas sa kaniyang silid. Sumandal siya sa pader at magkakrus ang mga brasong humarap sa akin.

"Ano ang gusto mong pag-usapan natin?" His cold voice resonated in my ears.

Napakurap-kurap ako at ilang beses na lumunok. This was seriously nerve wrecking.

"About earlier..." I trailed-off at pasimple siyang sinulyapan. "Huwag na sanang maulit iyon Janus lalo na kung wala ang mga magulang mo rito."

Tinapangan ko ang aking sarili at sinalubong ang nang-uuyam niyang paningin. He snorted at nakangisi na napailing-iling. I felt like he find what I said very funny.

"I'm not a kid anymore. Buti nga rito pa kami nagsaya kaysa sa lugar na hindi niyo kita, hindi ba?"

Nanginig ang mga labi ko. Hinanap ko sa mga mata niya ang batang Janus na noo'y palaging dikit sa akin. Iyong palaging nasa tabi ko at tila hindi mabubuhay kung wala ako. But staring at him right now, it really dawned at me that Janus was really not a kid anymore.

I held myself back because I am really close to being emotional right now.

"Ang akin lang naman, sa akin kayo binilin ng mga magulang niyo habang wala sila. Responsibilidad ko rin kayo."

"You and your fucking duties," bulong niya bago umalis sa pagkasasandal sa pader. "I really had enough of you, Juno."

Gulantang akong napatingin sa kaniya nang marinig iyon at nakita na tumalikod na siya sa akin. Akala ko ba ayos na kami? Akala ko ba naiintindihan na niya ang tungkulin ko? Wala sa sarili at dali-dali akong humabol para mahawakan siya sa kaniyang braso. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

What I really wanted to ask was: Who was that guy earlier? Iyong Ken? Ano mo siya? Sino siya sa iyo? Bakit kayo naghalikan? Towards a guy?

Ngunit tila napipi ako nang taka siyang napatingin sa akin ulit. Kunot na kunot ang noo niya at halata na ang bahid ng inis sa mukha. Dahan-dahan kong inalis ang pagkahahawak sa kaniya bago napayuko. Nagpatuloy siya sa pagpasok sa kaniyang silid at marahas na binuksan muli ang pinto ng kaniyang silid.

"Janus I..."

He heaved a sigh.

"Let's go to sleep." Mapait siyang ngumisi sa akin. "Good night, Juno."

Malakas niyang sinara ang pinto sa harap ko dahilan para bahagya akong mapatalon. My eyes widened when I saw droplets of tears came out from my eyes. Dali-dali kong pinalis ang mga iyon pero ayaw paawat. I clenched my chest because it was hurting a lot. Pakiramdam ko ay napakalaking bagay ang nawala sa pagkatao ko. Like how I lost my mother before.

"Ano ba 'to? Bakit ba ganito? Ano bang nangyayari sa akin?" I frustratingly said at myself.

Umatras ako ng ilang hakbang at tumatangis na umalis sa harap ng silid ni Janus. Pumasok ako sa sarili kong silid at napasandal sa likod ng aking pinto. I continued crying. Images from earlier and Janus' words resonated at my mind. Hindi manlang noon pinahupa ang sakit na nadarama ko ngayon sa aking puso.

"Why did you grow up so fast?"

After crying my heart out, kinadena ko ang nagkukumawalang damdamin na iyon sa aking puso. I was so confused I didn't want to let it out. Mas mabuti nang hindi kumawala iyong dahil masasaktan lang din ako.

Everything changed. It was not the same as before anymore.

That was the day I discovered Janus' preferences as well as my own.

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon