Mine

198 17 3
                                    

Chapter Eighteen

Hindi ko na masyado pang inisip si Janus at ang pakikitungo niya sa akin at nag-focus na lamang sa pupuntahan namin ni Hades. Nakakahiya naman sa kaniya kung siya ang kasama ko, pero kung saan-saan lumilipad ang utak ko. Medyo nagtagal pa kami sa mansiyon ng mga Ivan dahil sa pakikipag-usap ng mag-asawa kay Hades. Nagulat pa nga ako nang mamataan na umalis din si Janus pagkauwi niya galing paaralan. Ngunit aniya’y may group project lang daw silang gagawin sa bahay ng kaklase niya. Kung napaniwala niya ang mga magulang niya sa gano’n, pwes, hindi ako, kahit ang kuya niyang hustler sa mga ganoong alibi.

“Tito and Tita must have missed me a lot,” natatawang saad ni Hades noong napakawalan na rin siya ng mag-asawa sa wakas. “Wouldn’t blame them. Elementary pa kami ni  Zeus noong huli nila akong nakita.”

Napailing habang nakangiti na lamang ako sa kaniya. Halos alas-syete na rin noong nasa daan na kami patungo sa bar kung saan din kami unang nagkita noon. Alas-sais naman umalis si Janus kanina. Kung saan man ang patutunguhan niya, tiyak nagsasaya na iyon. Malamang, kasama iyong Ken niya. Now, that gave a pinch in my chest.

“Ang dami ngang sinabi ni Mrs. Ivan sa iyo,” puna ko. “Ngayon ko lang siya nakita na ganoon kadaldal.”

Hades laughed while he concentrated his eyes on the road. Naging kumportable kaagad ako sa passenger seat. Ang bango nga nitong sasakiyan niya lagi, eh. Hindi matapang ang amoy. Amoy na amoy mo si Hades sa loob at ang tipo ng amoy na nakakahalina, iyong kapag pipikit ka at singhot-singutin mo, makakatulog ka na lang bigla.

“I hope that whatever’s bugging you right now, makakalimutan mo muna pansamantala ngayong gabi,” aniya dahilan para mapatitig ako sa kaniya.

Hindi lang pala si Sir Zeus ang obserbante, siya rin pala.

“What made you think that there’s something bugging me?” Tumaas ang isa kong kilay at napangisi naman siya sa naghahamon kong boses.

“Kanina pa lang noong una kitang makita sa campus niyo, halatang lutang ka habang papalabas kayo ni Zeus. Do you thing I was just smiling and talking with some girls there? Mas nauna pa kitang napansin kaysa sa kanila, Juno.”

I pursed my lips and bit my chuckle back. Nakakahiya ‘yun! Ganoon pala kahalata na lutang ako? Napahilamos ako sa mukha ko.

“Wala ‘to. Stress lang sa school works lately.”

Mukha namang hindi siya naniwala sa dahilan kong iyon. Oo nga naman. Ako stress samantalang ang amo kong si Sir Zeus, maaliwalas pa sa araw ang mukha? Pareho lang naman kami ng year at pinapasukan.

“Really?” Hades lifted a brow. “Let me rephrase my question then. Rather than something bugging you, should I say someone’s bugging you?”

Buryo ko na lamang siyang tinignan at hindi na sumagot. Narinig ko siyang matawa dahil sa malamang, natanto na niyang tama siya. Pero sinisiguro kong hindi niya alam kung sino ang bumabagabag sa isip ko. Hindi rin kaya pang sabihin sa kaniya sa ganoon. Though, I never thought I could become friends with Hades.

Halos isang oras din bago kami nakarating sa bar na patutunguhan. As expected, kahit ganitong oras pa lang ay puno na ang bar. Napakaingay na at kagaya ko, halos mga college student din ang narito. Of for sure, mayroong iba riyan na higschool na dinaya lang ang edad nila sa entrance dahil hindi naman halata na bata sila. Kung dito lang si Janus, makakalusot din ang isang ‘yun, eh.

“Saan tayo?” tanong k okay Hades habang tinatawid namin ang maingay at magulong dancefloor.

Nagulat ako nang abutin niya ang kamay ko at hawakan iyon. Siguro ay para hindi ako malayo sa kaniya. Hindi naman sa naging unkumportable ako dahil doon, hindi ko lang napaghandaan ang ganoong gesture niya.

“Doon tayo sa isa sa mga VIP cubicle para na rin walang istorbo. We could do karaoke there,” aniya na sinang-ayunan ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok na kami sa mas pribadong cubicle. Nangiti naman si Hades dahil alam niyang kumportable na ako. Kaagad siyang nagtawag ng waiter para mag-order ng mga inumin at kakainin namin. He insisted na siya na ang magbabayad, pero hindi ako pumayag. I wouldn’t take him like this for granted. Isa pa, ako naman ang nag-aya. Buti na lang at pumayag din siya kalaunan na maghati kami.

“So, hindi mo talaga sasabihin sa akin kung ano o sino ang bumabagabag sa iyo?” tanong niya.

Nasa tabi ko siya noon. We were unexceptionally close, pero hindi na ako nagkumento. Maybe he wanted to talk like this.

“Hindi na nga importante iyon. Narito tayo para magsaya, Hades,” ani ko.

Tila hindi makapaniwala niya akong tinignan. Noon ko lang napansin na ang isa niyang braso ay nakapaikot na pala sa sinasandalan ko. Mabilis ko iyong sinulyapan bago muling tinutok ang atensiyon sa iniinom. Maririnig pa rin naman sa kinaroroonan namin ang kaunting ingay sa labas. Ang karaoke ay hinahayaan lang naming nakatugtog at hindi naman kami kumakanta.

I saw Hades shrugged before he leaned dangerously close to me. Hinayaan ko siya. Hindi ko siya sinuway. Sinalubong ko ang mga titig niya bago ang mga titig na iyon ay bumaba sa mga labi ko. He got more awfully close and in an instinct, I closed my eyes. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinayaan. Ngunit, naisip ko noon na kung nagagawa na ito ni Janus, bakit ako na mas matanda sa bata na iyon ay hindi? Maybe, this would be a good start for me.

I felt Hades’ warm and soft lips brushed to mine bago siya mas dumiin sa akin. I knew he already concluded that this was my first kiss, that I was inexperienced, that’s why I let him guide me on what to do. I could hear the faint wet sound of our lips and I felt his tongue knocking for entrance. Nang hinayaan ko siya, napaungot ako at napaikot ang mga kamay ko sa leeg niya. Halos daganan na niya ako at ramdam ko na ang mga kamay niyang humawak sa magkabilang bewang ko.

Hades was such a good kisser. Very experienced. Hindi na nakakagulat. Not bad for my first kiss. Halos malunod at maliyo na ako sa sensasiyon, ngunit nagulat na lamang ako, maging si Hades nang may malakas na humatak sa kaniya paalis sa akin. Hindi kaagad ako nakaimik nang bumulaga si Hades sa sahig dahil sa malakas na sapak sa kaniya ni Janus. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya at nakita ko pa sa likod niya si Ken at ang iba niya yatang tropa.

“Janus!” sigaw ko sabay hatak sa kaniya palayo kay Hades.

“Take your hands off on what’s mine!”

To. Be. Continue.

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon