Janus

318 19 2
                                    

Chapter One

My eyes fluttered open at bigla akong nasilaw sa liwanag na tumama sa aking mga mata. Noong una ay malabo pa ang aking paningin, ngunit nang maka-adjust ay kaagad kong nakita ang isang puting kisame. Napakabango rin ng lugar kung nasaan ako at pakiramdam ko ay nakahiga ako sa napakalambot na higaan.

"N-Nasaan ako?" nanghihina kong bulong sa aking sarili.

"Ah! You're awake!"

Bigla-bigla ay may narinig akong maliit na boses mula sa kung saan. Umuga ang aking kinahihigaan at halos mapasinghap ako nang bumulaga sa harap ng aking mukha ang pares ng bilugang mga mata. His set of deep brownish eyes made me nervous.

"Sino ka!" gulat kong sigaw at naitulak ko pa ang bata.

Napaupo ako sa malaking kama. Nagugulantang na pinalibot ko ang aking paningin at doon ko lamang nakita ng kabuuan na nasa isa pala akong magarang silid. Binalik ko ang aking paningin sa bata na sa tantiya ko ay nasa limang taong gulang pa lamang. Nakasuot siya ng terno na pajamas. Nang tinulak ko siya, kaagad na humaba ang ibaba ng kaniyang mga labi.

"That is bad! Bad, okay?" pagalit niyang sambit habang hinihimas ang noo niya ko saan ko siya naitulak kanina. "Mom! Dad! He's awake!"

"Sinabi kong sino ka? Bakit ako narito? Nasaan ang mga gamit ko? Ang bahay nila Lolo at Lola?" sunod-sunod kong tanong sa batang wala namang muwang.

Muli lamang niyang tinawag ang kaniyang Mom at Dad at maya-maya pa'y may pumasok ngang dalawang matanda sa silid. Bagama't may katandaan na, makikita pa rin ang kagandahan at kagwapuhan sa kanilang mga mukha. My memories of Mr. and Mrs. Ivan are not that much, kaya minsan kung binabalikan ko ay halos hindi ko rin maalala ang detalye ng kanilang mga mukha. Basta alam kong gwapo at maganda sila, kagaya ng batang maliit.

"Oh, you're awake now," ang matandang babae iyon.

"S-Sino po kayo?" Isa-isa ko silang tinignan. "Bakit po ako narito? Kailangan ko na pong umalis. Kailangan kong mailigtas si Nanay."

Aalis na sana ako sa aking kinahihigaan nang pinigilan ako ng lalaki na matanda. Roon ko rin napansin na malinis na ako at nakasuot na rin ng magandang pananamit.

"Mahina ka pa, ijo. Magpahinga ka muna."

Ngunit hindi ko sila pinakinggan at nagpumilit. Umiyak ako nang umiyak, sinasabi na kailangan ko nang umalis para iligtas si Nanay. Sa huli, walang nagawa ang dalawang matanda kung hindi samahan ako para hanapin kung saan nakatira ang aking Lolo at Lola. Mabuti na lamang at naitago pala nila ang aking mga kagamitan.

"Sigurado ka bang ayos ka na, ijo?" Tinignan ako ng matandang lalaki at sinsero talaga ang pag-aalala niya.

"Ayos na po ako. Hindi ko na po kailangan magsayang ng oras."

"Mom, Dad, can't Janus go?"

Napatingin ako sa batang lalaki na sa tingin ko ay anak ng dalawang matanda. Mahigpit niyang hinila-hila ang laylayan ng bestida ng ina at tila nais talagang sumama. Nanunubig ang mga mata niya nang bumaling sa akin. Sa hindi malaman na dahilan ay kaagad akong umiwas dahil bigla na naman akong kinabahan.

"Janus." Marahan na hinaplos ng ama ang kaniyang buhok. "Just stay here and wait for us. Your brother will be home in an hour."

Hindi ko maiwasang makadama ng inggit sa bata. Buti pa siya, kumpleto ang mga magulang. Buti pa siya, busog sa pagmamahal.

"But... but I want to help big brother, too." Ngumuso siya sabay yuko.

Hindi siya cute. Hindi siya cute, Juno.

Mababaw na natawa ang ina niya, pero sa huli naiwan pa rin siya roon. Tanaw niya kami mula sa gate nila kasama ang yaya yata niya habang papaalis kami sakay sa kotse ng mga magulang niya. At the back of my mind, I bid my farewell at him. Inako ko na rin sa aking sarili na cute siya. Sayang, kung wala lang akong problema, gusto ko rin sana siya kaibiganin.

"Ahm..." Napatingin ang dalawang matanda sa akin nang magsalita ako. "Pogi po ang anak niyo."

Kapwa sila napangiti at marahan pang hinaplos ng matandang babae ang aking buhok nang sinabi iyon. Nahihiya akong yumuko, pansamantala na nakalimutan ang aking problema.

Sa tagal ng paghahanap namin sa kinaruruonan ng aking Lolo at Lola, natagpuan din namin sila. Ngunit, hindi ko inaasahan ang kanilang ibubungad sa akin.

"Apo? Sinong apo? Wala akong apo!" si Lola iyon.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig mula sa narinig. Kamukha na kamukha ako ni Nanay, ng anak nila, bakit kung tignan nila ako ay muhi na muhi sila sa akin?

"A-Anak po ako ni Jeremei! Iyong anak niyo po! Apo po ninyo ako kay Jeremei!" Kinalampag ko ang gate nila, baka sakali na papasukin.

"Jeremei?" si Lolo. "Matagal na naming kinalimutan na may anak kami. Umalis ka na."

Nanghina ako bigla. Kahit tinawag ko pa silang muli para magmakaawa at kinalampag ang gate, walang nakinig sa akin. Hindi nila ako pinakinggan. Ramdam ko ang pag-alalay ng dalawang matanda kong kasama sa akin. Ang huling pakiusap ko noon sa mag-asawa ay dalhin na lamang ako muli kay Nanay.

Kaso huli na ang lahat.

"N-Nay? Nasaan po ang Nanay ko? Ano ang nangyari kay Nanay?"

Hinawi ko ang mga tao na nakapaikot noon sa bahay namin. Papalubog na noon ang araw at buong maghapon na akong pagod. Nahuli pa rin ako ng dating. Nahuli pa rin ako sa pagligtas sa aking ina. Kung hindi lang sana ako naging mahina at hinimatay. Kung sana nagtiis na lang ako at pinilit kay Nanay na hindi siya iiwan. Gusto kong sisihin sila Lolo at Lola, kaso sinisisi ko rin ang aking sarili.

"Nanay! Nanay, gumising ka po! Huwag mo po akong iwan, Nay!"

Yinakap ko ang malamig na niyang bangkay sa aking mga bisig. Pinatay si Nanay ng lalaki na iyon. Ayon sa ulat nila ay nalaman ng lalaki ang mga plano ni Nanay at may nagsumbong daw na ako ay kaniyang pinatakas. Pagkatapos patayin si Nanay, nagpakamatay rin ang hudas na lalaki.

Ako na lamang mag-isa. Iniwan din ako ni Nanay.

"Tandaan mong mahal na mahal ka ni Nanay, anak."

Noong araw na iyon, ako'y nawalan. Ngunit ang araw rin na iyon, ako'y nasalba. Hindi ako iniwan at pinabayaan ng mga taong kalaunan, tinuring ko nang mga pamilya. Napakalaki ang utang na loob ko sa mag-asawang Ivan. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko na alam ang gagawin ko noon.

Kaya paano ko sisirain ang utang na loob ko na iyon sa kanila?

To. Be. Continue.

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon