MEET-UP

168 18 3
                                    

Chapter Six

So far, college's been kind to me. Hindi mawawala ang adjustments, pero hindi naman ako ganoong nahirapan. Iyon lang, kahit pareho kami ng schedule at course ng babaero kong amo, parang hindi naman kami palaging nagkakasama dahil sa mga babae niya siya sumasama. Sabi ko na lalala itong si Sir Zeus, hirap na akong magbantay sa kaniya ngayon.

"Young master, mahigpit na bilin sa akin iyon ng mommy mo," paalala ko ulit sa kaniya sa hindi ko na mabilang na beses.

Naglalakad kami ngayon sa pathway ng school papasok sa una naming klase. Salita ako nang salita dahil sa bilin ni Mrs. Ivan, hetong kausap ko cellphone nang cellphone. Napahilot ako sa sentido ko.

"I already told mom I don't want to. Isa pa, may date kami ni Freya mamaya," walang gana niyang sagot sa akin.

Freya, the school's cheerleader. His new flavor of the month. Buwan-buwan na lang nagbibihis ng babae. First year college pa lang kami pero halos mabingwit na niya ang nga nagagandahang babae rito sa campus. Sa ngayon puro sa freshmen pa lang kagaya namin, pero pupusta ako na aabot siya hanggang senior 'yan.

"Pero young master, nakakahiya po kay Ms. Arianna. Baka maghintay iyon mamaya at mapagsabihan ka ulit ng mommy mo."

Si Ms. Arianna ang babaeng napupusuan ng mga Ivan para sa panganay nila. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang reputasiyon nitong unico ijo nila kaya naisip nilang maghanap ng babaeng baka makapagpatino sa kaniya.

Arianna Wilsons, first daughter of the Wilsons group of company. Refined, mahinhin, matalino, goal-oriented, pormal, masunurin. Nang mabasa ko ang impormasiyon tungkol sa kaniya, hindi ako magsisinungaling kung ginusto ko siya para sa amo ko. Isa pa, sobrang ganda niya, walang-wala iyong Freya. Kung mapapapayag ko lang itong babaero na ito.

"Ikaw na sumipot tutal ikaw naman ang may gusto. Ako na bahala kay mommy," pinal niyang sambit.

"Young mas—!"

Napailing na lang ako at dalawang kamay na ang pinaghilot sa aking magkabilang sentido dahil sa stress. Mas mahirap pa ang magbantay ng amo kong ito kaysa sa college life, jusko.

Kada break ay tinatawagan ako ni Mrs. Ivan kung napapayag ko na raw ba ang unico ijo niya. Tuloy na tuloy ang meeting at pumayag na raw si Ms. Arianna. Mas lalo akong namroblema.

"Iyon nga po ang problema, Tita. Ayaw niya po talaga," nanlulumo kong pagpapaalam sa ina niyang malakas na napabuga ng hininga.

Napasulyap ako sa loob ng cafeteria namin kung saan naroon ang amo ko. Masaya siyang kumakain habang sinusubuan noong Freya. Itong amo kong isnabero, ang peke kung tumawa kasama ang mga flings niya.

"Do you think naiinis na si Zeus sa ginagawa naming ito, ijo?" Narinig ko ang bahid ng lungkot sa boses ng ina ni Sir Zeus.

Nalungkot din ako. Alam ko na sa mayayaman, uso talaga minsan ang set-up. Pero hindi naman kagaya sa ibang mga magulang na mayayaman ang mga Ivans. Sa pag-aaral, hindi naman pressured sila Sir Zeus at Janus. Kung ano lang ang kaya nila, ayos na sa mga magulang nila. Binibigay naman palagi ang mga gusto nila. Sa kaso lang ni Sir Zeus, naaalarma lang ang ina niya sa pagiging babaero nito kaya naghahanap ito ng babae na magiging katapat nito at makapagpapatino rito.

Ang swerte-swerte nga nila Sir Zeus at Janus sa mga magulang nila.

"Hindi naman po mali ang ginagawa niyo. Nag-aalala lang po talaga kayo sa anak niyo kaya ganoon."

Narinig ko ang pagngiti ni Mrs. Ivan sa kabilang linya kaya bahagya ring gumaan ang loob ko.

"We're really glad we have you, Juno."

May kung anong mainit na humaplos sa puso ko nang marinig iyon. Hindi man sila ang tunay kong mga magulang, hindi naman nagkulang ang mga Ivan sa pagpaparamdam sa akin na para na rin nila akong anak. Kaya nga nais ko na ipasok sa kokote ng amo kong si Sir Zeus na tumatanda na ang mga magulang nila. Hindi natin hawak ang oras sa mundo kaya dapat ay pahalagahan natin sila at ang mga pangaral nila na para naman sa ikabubuti nating mga anak.

"Young master, Ms. Arianna is waiting. She agreed to meet you," seryoso at huli kong saad nang matapos na ang aming klase.

"Juno, ilang beses ko rin ba sasabihin na I won't come. May date kami ni Freya, okay?"

Napapikit na lamang ako nang mariin at hindi na siya hinabol nang magtuloy-tuloy na paalis sa harap ko. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ang mensahe na on the way na raw si Ms. Arianna sa meeting place. Looks like I don't have a choice.

"Bayad po, Manong." Inabot ko ang bayad sa taxi driver nang makarating sa isang coffee shop.

Tiningala ko ang shop at nasisiguro kong mamahalin ang mga pagkain dito. Rito ang meeting place dapat nila Ms. Arianna at Sir Zeus, ngunit dahil wala ang magaling kong amo, ako na ang haharap sa dalaga. Kawawa naman at nang makapaghingi na rin ng pasensiya.

Pagkapasok sa loob ay hindi kaagad ako nahirapan na hanapin siya. Nangingibabaw ang ganda niya sa lahat. Amoy na amoy ko ang pinaghalong cocoa at kape sa buong lugar. Matamis at matapang.

"Ms. Arianna Wilsons?" nakangiti kong tanong sa harap niya.

Nagtataka naman siyang tumayo ngunit nakangiti. She's really beautiful.

"Ah... yes, that's me." Tinanggap niya ang nakalahad kong kamay for a shake hands. "Zeus Ivan?"

Mahina akong tumawa at nailing.

"I'm sorry, I'm Juno Mariano. Mr. Ivan's assistant. I'm really sorry to say but he can't make it today."

Akala ko ay maiinis siya at maglalabas ng pagiging bratinella, pero tama nga ang hinala ko na pormal siya at mabait. Actually, she's my ideal girl.

"Oh is that so? Too bad, but Mr. Mariano is here so I'm guessing you'll accompany me?"

"Ofcourse. I won't let a beautiful lady like you to be alone."

Nakita kong bahagyang namula ang mga pisngi niya bago ko inumwestra na maupo na siya bago ako sumunod. Nag-order kami ng pagkain at dahil dapat ang lalaki magbayad sa ganito, mukhang mauubos kaagad ang allowance ko. She insisted na siya na magbabayad sa kaniya, kaso hindi ko hinayaan.

"Thank you, Juno. You're a gentleman."

"It's a pleasure."

Hindi ako nagsinungaling kay Arianna. Sinabi ko ang rason kung bakit ako ang narito. Kung anong klase ang amo ko na dapat ay kikitain niya. I'm glad at mukhang hindi naman siya na-bored dahil panay tawa siya sa mga kwento ko.

"Mas na-stress pa nga ako sa kaniya kaysa sa pag-aaral."

Tumawa siya. "It must be hard — ay!"

Hindi lang si Arianna, maging ako ay sobrang nagulat nang may malakas na humablot sa aking braso. Sa lakas noon ay talagang napatayo ako at nabunggo ko pa ang mesa namin dahilan para matapon ang aming mga inumin. Nakakuha kami ng atensiyon.

Tiningala ko ang humablot sa akin at sinalubong ako ng madilim niyang mga mata. His jew was clenching non-stop. Galit siya, alam ko. Alam ko ang tingin na iyon. Dahil kilalang-kilala ko siya.

"Janus!" I screamed his name.

To. Be. Continue.

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon