Tension

104 10 4
                                    

Chapter Twenty

"Janus, hindi mo ba talaga ako bibitawan?" ani ko sa hindi ko alam kung ilang beses ko nang nasabi.

We went home. Kahit nais ko pa sanang balikan si Hades sa loob at humingi ng pasensya, hindi na nga talaga ako pinakawalan ni Janus. Siguro ay hihingi na lamang ako ng pasensya sa kaniya ng personal bukas.

"I said I don't want to," pagmamatigas niya.

I deafeningly sighed when he run his nose on the side of my neck. Nasa silid na niya kami ngayon, nasa kandungan niya ako at nakaupo patalikod sa kaniya. Nakayakap naman ang nga braso niya sa tiyan ko at kanina niya pa ako sinisinghot-singhot sa leeg. Nangangalay na ako at nakikiliti sa ginagawa niya.

"H-Hindi ba tayo matutulog?" Napapikit ako nang mas humigpit ang yakap niya sa akin mula sa likod.

"Some more minutes. I still want more of you."

Sinungaling na ako kung sasabihin ko na hindi ako naapektuhan sa sinabi niyang iyon. Nang maalalang muli ang eksena namin kanina sa parking lot ng bar, naramdaman ko na uminit ang magkabila kong pisngi.

So what are we now?

Gusto ko sanang isatining iyon, kaso naninimbang pa ako. Baka kapag nagka-timing, mapag-usapan din namin ito nang maayos. Sa ngayon, ang tanging alam ko lamang ngayon ay may pag-asa itong nararamdaman ko sa kaniya. Dahil mukhang... gusto niya rin pala ako.

Bandang ala-dos ng madaling araw na noong nakaalis ako sa tabi ni Janus. Hinintay ko talaga siyang makatulog para makalipat ako sa sarili kong kwarto at makapagbihis nang maayos. Napangiti ako nang tinitigan pa muna ang payapa niyang mukha bago siya tuluyang iniwan.

Nang makahiga na sa sariling higaan para matulog, napag-isipan kong mag-send ng mensahe para kay Hades, iyon nga lang, mayroon na pala siya para sa akin.

Hades:
Hey, Juno, I'm sorry. Did you go home safe? Hindi ka naman ba sinaktan ni Janus?

Napangiti ako at nagtipa.

Juno:
Hi. Ahm, alam kong tulog ka na. Oo, maayos naman akong nakauwi at ako dapat ang humihingi ng pasensya. Hindi ko rin inaasahan. Sana kapag nagkita ulit tayo makahingi ako ng tawad sa personal.

I sighed. Ayoko munang isipin ang mga nangyayari sa ngayon. Gusto kong maging masaya dahil may nakikinita na ako sa nararamdaman sa akin ni Janus, pero kapag naiisip ko ang pamilya niya, nawawalan ako ng kumpyansa.

This is what I wanted, pero alam ko rin sa sarili ko kung bakit sa umpisa pa lang, kahit alam ko nang may gusto ako sa kaniya, hindi ako nagpakita ng motibo. Mas mabigat pa rin ang utang na loob ko sa pamilya niya kaysa sa nararamdaman kong ito. Hindi tama. Hindi maaari. Ayaw ko na ako ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya na siyang bumuo sa akin.

Kinaumagahan pagkagising ko, nakita kong na-seen na ni Hades ang mensahe ko ngunit wala siyang sinabi pabalik. Naikagat ko ang ibaba ng aking labi at muling nahiya. Gusto kong kaltukan ang sarili. Ano na lang ang sasabihin ko kapag nagkaharap na kami ulit? Kahit paulit-ulit kong i-replay sa utak ko ang nangyari at sa pagkakasuntok sa kaniya ni Janus noong gabi na iyon, mas lalong sumidhi ang pagnanais kong humingi ng paumanhin.

Bumuntonghininga ako at napahilot sa aking sentido. Mabuti na lamang at weekend ngayon, walang pasok. Siguro ay pupuntahan ko na lamang si Hades mamaya sa condo niya para personal na humingi ng tawad. Sana lang ay wala pa siyang nababanggit tungkol sa nangyari kay Sir Zeus. Malakas pa namang mang-asar ang isang iyon. Isa pa, ayaw kong makarating lalo na sa mag-asawa.

Ang isa ko pang iniisip kagabi pa at nais itanong sa kaniya ay iyong ginawa niya kagabi. Bakit niya ako hinalikan? At ako namang si tanga ay humalik pabalik!

Ala-singko y media pa lamang ng umaga at alam kong maagang aalis ang mag-asawa ngayon para pumasok sa trabaho. Kahit may tagaluto, ginagawa ko pa rin ang parte kong tumulong para mapagsilbihan sila. Kaya nang pagbaba ko, kaagad pa akong natigilan nang hindi lang ang boses ng mag-asawa ang narinig ko sa hapagkainan, kasama pa roon ang kay Hades!

Naandito siya?

Mabilis pa sa alas-kwatro ang paglalakad ko at nang nakarating, nakumpirma kong nandoon nga siya! Katabi niya si Sir Zeus at parehos silang nakasuot ng pang-jogging. Sa hinuha ko, katatapos lang nilang mag-jogging sa labas kaya siguro ay naandito siya ng ganito kaaga. Sa harap naman nila ay ang mag-asawa at masaya silang nagkukwentuhan na apat. Kinabahan ako. May naikwento kaya siya? Wala naman siguro siyang nasabi sa kanila, hindi ba?

"Juno!" Si Hades ang unang nakapansin sa akin.

Ngumiti ako na tila lumabas na ngiwi at hindi alam kung lalapit ba ako o hindi sa gawi nila. Napalunok ako bago unti-unting lumapit sa kanila. Ngumiti ako sa mag-asawa na noo'y nakangiti na rin kaagad sa akin. Kung mga normal na umaga lang ito ay mabilis na akong nakaupo roon kasama sila, ngunit tila ba may semento ang mga paa ko ngayon at napakabigat ihakbang.

"M-Magandang umaga po," una kong bati sa mag-asawa bago bumaling sa gawi nina Hades. "Ahm... magandang umaga Sir Zeus, Hades."

Tumaas ang isang kilay ni Sir Zeus sa akin habang si Hades naman ay tila natatawa. Nakita kong may kaunting pasa pa siya sa gilid ng labi kaya napapikit ako. Wala naman siguro siyang nabanggit sa kanila? Hindi ito pwedeng malaman ng mag-asawa o kahit ni Sir Zeus. Lalo na ni Sir Zeus!

"Pwede ba tayong mag-usap?" direkta kong ani kay Hades at mabilis na sumulyap sa mag-asawa. "Ah, may importane lang po sana akong sasabihin sa kaniya."

"Sure," mabilis na sagot ni Hades ngunit ngumisi at ang paningin ay lumagpas sa likod ko. "That is, if your boss right there would allow it."

Nagulat ako roon at mabilis pa sa kidlat na lumingon sa tinutukoy niya. Kaagad na nahanap ng mga mata ko si Janus na tila kakagising lang, medyo magulo pa ang buhok at tanging ang itim na pajamas lang sa ibaba ang suot. Wala siyang saplot pang-itaas kung kaya lumantad ang maganda niyang katawan. Medyo hindi kasinglaki kagaya sa kuya niya, pero alam mong batak pa rin sa work-out. Kaagad na kay Hades ang masama at pailalim niyang tingin kung kaya ay mas lalo akong kinabahan.

Jusmiyo, timing naman ang isang ito. Pagkagising ba niya ay kaagad itong bumaba rito? Grabeng pandinig at pang-amoy, ha!

"What is it that you two are gonna talk about at kailangan pang lumayo?" anito at pagkatapos ay nalipat ang masamang tingin sa akin. "If you're gonna talk, talk here."

Kung may buhay lang ang tensyon, baka matagal na akong nakuryente sa gitna nina Hades at Janus. Bakit ba bigla akong naipit sa dalawang ito?

To. Be. Continue

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon