Chapter Nine
Mabilis niyang sinara ang pinto ng banyo niya habang ako ay ipit ang mga labi na tumalikod at bumalik sa may kama niya. Nilapag ko ang tray ng pagkain sa maliit niyang mesa roon.
"C-Could you get me my towel?" sigaw niya mula sa banyo.
Natatawa ako. Naiisip kong pulang-pula na ang mukha niya sa hiya. Kaagad ko namang hinanap ang towel niya at nang makita ay bumalik ako sa harap ng kaniyang banyo.
"Janus, heto na," sambit ko pagkatapos kumatok.
Bumukas ng kaunti ang pinto ng baniyo niya at lumabas mula roon ang basa niyang kamay. Inabot ko naman kaagad ang kaniyang towel. Naupo na lang ako pagkatapos sa kama niya para hintayin siyang matapos. Siguro magpatay-malisya na lang ako na wala akong nakita.
Narinig ko ang muling pagbukas ng banyo niya. Nakita kong pinapatuyo niya ang kaniyang buhok habang bihis na. Nakasuot siya ng puting jersey shorts at plain na itim na t-shirt. Napangiti ako.
"Dinalhan kita ng pagkain. Kaunti lang ang kinain mo kanina."
Mabilisan lang niya akong sinulyapan bago siya pasalampak na naupo sa beanie bag na naroon sa gilid ng kwarto niya. Mukhang inis pa rin.
"You don't have to do that. Wala na akong gana kumain," aniya sa walang ganang tinig.
Marahas akong bumuntong-hininga at tumayo. Naglakad ako patungo sa harap niya. Ganito naman lagi kapag nagkatampuhan kami. Ako man o siya ang may mali, ako pa rin ang susuyo. Minsan nga nakatatampo at ako lang ang hindi makatiis na hindi kami ayos. I tried na tiisin siya noon, kaso hindi ko talaga kaya.
"Janus..." malumanay kong tawag sa kaniya. "Hindi nga kasi sinipot ng kuya mo si Ms. Arianna kaya ako na ang pumunta. Hindi ko maintindihan kong ano ang kinagagalit mo roon. Tsaka pinaglilingkuran ko ang kuya mo, dapat masanay ka na."
"Manhid." May binulong siya kaso hindi ko narinig.
"Ano 'yun?"
"Wala! Tsk."
Nagsisimula na akong mainis. Akala ko magkaiba sila ni Sir Zeus pero pareho sila sa aspeto ng pagiging immature! I narrowed my eyes at him hanggang sa hindi na niya nakayanan ang paninitig ko. He groaned at mabilis na yumakap sa bewang ko. Burrying his face at my stomach, I chuckled.
"Hindi ka na galit?" mahinahon kong tanong habang hinahaplos ang buhok niya.
This was the best remedy for Janus Ivan's tantrums. Mula noon hanggang ngayon. It didn't change. Hindi ko nga alam kung bakit, but he said he liked me petting him. Like a dog.
Natawa ako.
"You know I can't get angry at you for too long," parang bata niyang sabi.
Namutawi ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon. Nanatili akong nakahaplos sa buhok niya habang siya ay pahigpit nang pahigpit ang yakap sa akin. Not long after, tiningala niya ako mula sa tiyan ko. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Hm?" I hummed, asking if what did he want to say.
"Hindi ka pa rin titigil kay kuya?"
Natigil ang paghaplos ko sa buhok niya. Here we go again. Malalim akong napabuntong-hininga.
"Alam mo na iyan lang ang bagay na kailanman ay hindi ko babaliin, Janus. It's my duty."
Ngumuso siya at umalis sa pagkakayakap sa akin. He frustratingly scratched his hair kung kaya nagpigil akong tawanan siya.
"Hay! Oras na siguro para isuko ko ang usapin na 'yan. No matter what I say, your reasons are still the same," pagsuko niya. "Pero hindi mo rin ako mapipigil sa pag-aligid ko, okay?"
Ngayon ang noo ko naman ang kumunot. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa humiga siya sa kama niya. Mukhang ayaw na akong kausapin.
"Anong pag-aligid?" I accusingly said.
"Good night." He sounded dissmisive.
Umirap na lang ako. Sa susunod ko na lang siya iintrigahin tungkol doon.
"Good night."
Ilang beses ko pa siyang sinulyapan bago dahan-dahan na umalis sa kaniyang silid. Pinanatili na talaga niya ang pagtalikod para hindi ako makitang umalis. I smiled at myself. Ang cute niya talaga, sarap sapakin.
Nang makalabas, muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil naroon pala sa gilid si Sir Zeus at tila naghihintay! Hawak ang dibdib ay nanlalaki ang mga mata ko sa harap niya.
"Kanina ka pa riyan?" nagugulat ko pa ring tanong.
A ghost of smile was on his lips. Sumulyap siya sa pinto na nilabasan ko bago tumuwid sa pagkakatayo.
"Hindi naman. Bakit? Dapat ba inagahan ko para may marinig ako?" may bahid ng tukso niyang sabi.
Kumunot ang noo ko.
"Marinig? Ano naman 'yun, young master?"
Ano ba dapat ang pakinggan niya? Ang pagtatalo namin ni Janus? Ito talagang isang 'to, para lang talaga may mainis ulit siya sa kapatid niya.
"Tss." Umiling siya. "Huwag ka na pala mag-alala kay Freya, hiniwalayan ko na. I'll tell Mom na sabihan ulit iyong si Arianna na makikipagkilala na ako."
Lumiwanag ang mukha ko sa narinig. Sa wakas at sumunod rin!
"Talaga?" Nabunutan ako ng tinik. "Mabuti naman, young master. Sana tumino ka na para hindi ka na pinipilit sa kung ano-ano."
"Sus! Sabihin mo na lang kasi na nahihirapan ka na sa akin." Dumila pa siya na kinatawa ko. "Anyways, ipagpapatuloy mo pa rin ba pagiging PA ko? Hindi ito dahil sa pagiging isip-bata ni Janus, ah? Baka lang naman sawa ka na sa tungkulin mo."
Ngumiti ako sa sinabi niya sabay iling. Kailanman, hindi ako magsasawa. Lalo na at hindi rin nagsasawa ang pamilya niya sa kabutihan nila para sa akin.
"Masaya ako na paglingkuran kayo, young master. Kahit dito manlang makabayad ako sa kabutihan niyo sa akin."
Sir Zeus patted my hair. Kinagulat ko pa iyon dahil never naman siya naging affectionate sa akin. Sa punto na iyon ay nakita ko siya bilang kuya sa akin at hindi isang amo. Pakiramdam ko ay maluluha ako.
"Mabuti ka rin sa amin, Juno. Everything you've done so far is already enough, pero kung iyan naman ang gusto mo, hindi na kita pipigilan."
I pursed my lips as I tried not to shed any tears. Nakakaiyak pala kapag seryoso nang kausap itong si Sir Zeus. Try niya rin sana 'to sa kapatid niya, baka magkalapit na sila ng pormal kapag nagkataon.
Akala ko ay aalis na si Sir Zeus ngunit natigilan ako nang marahas niyang buksan ang pinto sa kwarto ni Janus at pagkatapos noon ay malakas akong nakarinig ng kalabog na tila may nabunggo roon. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sunod-sunod na mura ni Janus sa loob! Nakikinig ba siya sa amin ni Sir Zeus?
"Creepy mo gago!" sigaw ni Sir Zeus bago tumatawa na pumasok sa sarili niyang kwarto.
"Fuck you!" bawi rin na sigaw ni Janus.
Tinakpan ko ng isang kamay ang bibig ko para tigilan ang pagtawa. Lalo na nang makitang nagkabukol kaagad si Janus sa noo niya. Akala ko ba matutulog na siya?
"Are you laughing at me?" nakasimangot niyang sabi nang tumingin na sa akin.
Umiling ako, natatawa pa rin. Himas-himas niya pa rin ang noo niya at nang siguro ay mahimas ang bukol doon, malakas niyang sinara ang pinto ng kwarto niya sa harap ko!
Tuluyan na akong humalakhak dahil doon. Wala talagang makapagpapatawa sa akin ng ganito kung hindi ang bardagulan ng magkapatid na Ivan.
To. Be. Continue.
BINABASA MO ANG
🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)
General FictionAphrodisiac Gentleman Series #2 Categories: Romance, Drama, BL Description: ━─━────༺༻────━─━ "You never know what my love is capable of Juno, it's stronger than you could imagine." Juno Mariano knew for sure that his love will never have a chance...