Chapter Fourteen
“Ah… s-salamat, Hades,” halos pabulong kong pagpapasalamat nang bigyan ako ni Hades ng kaniyang niluto raw na hapunan sa aking harap, although it’s already late. “Si Sir Zeus ba ang kausap mo kanina?”
Nakita kong kinuha niya ang apron na suot at maayos iyong sinabit sa sabitan noon. I never knew this womanizer could cook and above all, I never expected him to be neat when it comes inside the house. Pagmulat ko pa lamang kanina ng mga mata ko at nakita ang silid kung nasaan ako ay muntik ko nang maisip na nasa silid ako ng isang babae.
“Yes. He was pretty much pissed though. Aniya ay baka ano raw ang gawin ko sa iyo.” Tumawa siya sabay naupo sa harap ko para sabay kaming kumain. “Do you want me to take you home after this?”
Nabitin sa ere ang kutsara na may lamang pagkain. Tumingin muna ako kay Hades bago sa orasan sa may sala kung saan makikita na halos maghahatinggabi na rin. Alam na rin naman ni Sir Zeus kung nasaaan ako, tsaka pwede naman akong umuwi sa sarili ko bukas para hindi na makaabala pa kay Hades. It was not as if may mag-aalala sa akin kung hindi ako uuwi ngayon… hindi ba?
Ngumiti ako kay Hades. “Hindi na. Bukas na lang. Masyado na rin namang malalim ang gabi tsaka alam naman na ni Sir Zeus kung nasaan ako. Magtitipa na lamang ako ng mensahe sa kaniya mamaya.”
Napangiti rin si Hades nang marinig ang sinabi ko. Tuwang-tuwa, ah?
“Great!” Pumalakpak pa siya ng isang beses. “I hope you’ll like what I’ve cooked. Tsaka humigop ka ng maraming sabaw para mahimasmasan ka.”
Binalik ko ang aking atensiyon sa mga niluto niya. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin, tila hinihintay na sumubo ako at kung ano ang magiging reaksiyon ko sa niluto niya. I pursed my lips at muling kinuha ang kutsara na binaba ko kanina. Mainit-init pa ang kanin at chicken curry rin ang niluto niyang ulam. Sa gilid ng pinggan ko ay may maliit na bowl ng umuusok pang sabaw. I opened my mouth to have a taste. Nang lumapat na sa dila ko ang pagkain ay halos mapapikit ako nang tila ba ay natunaw sa dila ko ang kanin na may curry. Sobrang malasa! Nanunuot ang sarap! Gulat akong tumingin kay Hades na noo’y mababaw na tumawa.
“Ang sarap! Ang galing mong magluto, ah?” papuri ko.
I saw pride in his eyes nang marinig ang sinabi ko. Natigilan lang ako nang dumantay ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko pagkatapos ay dinilaan niya iyon, inaalis ang tila sabaw ng curry na nakuha niya mula sa akin. Uminit ang magkabila kong pisngi, pero binigyan ko siya ng simangot.
“Thank you for the compliment.”
Tipid lang ako na ngumiti sa kaniya at hindi na pinansin ang mga pasadyang pag-aakit niya sa akin. Well, gwapo rin naman talaga si Hades. Wala ring tapon ang katawan. Pero ewan ko ba, kaibigan siya ni Sir Zeus at pwede na ring kaibigan ko rin ang tingin ko lang sa kaniya. Tsaka isa pa, bakit ba ako nag-iisip ng ganito sa kapwa lalaki? Simula noong araw na iyon, kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko.
“Matagal na ba kayong magkaibigan ni Sir Zeus?” wala sa sarili kong tanong pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Tumaas ang paningin ni Hades sa akin. Bigla siyang nag-isip na tila ba binabalikan ang isang alaala ng kahapon.
“Magkaklase kami simula kinder hanggang elementary. Pero noong highschool, nag-migrate kami sa America hanggang sa naging may-ari na ako ng winery namin. But despite that, I never lost contact with Zeus,” paliwanang niya na tinango-tanguan ko naman. “How about you? Paano ka napunta sa mga Ivan?”
Nagbaba ako ng tingin sa kinakain ko at wala sa sariling napangiti nang maalala kung bakit at paano ako napunta sa puder nila. It was not really that happy memory dahil araw rin iyon na nawala si Nanay sa aking buhay, pero napalitan naman iyon ng isang pamilya na hanggang ngayon ay pinakaiingat-ingatan ko. Wala na sigurong direksiyon ang buhay ko ngayon kung hindi dahil sa kanila. Or worst, hindi nakulong iyong walanghiyang lalaki na iyon at hanggang ngayon ay nasa puder niya pa rin ako.
“Inampon nila ako. Mahabang pangyayari, pero kung hindi dahil sa kanila, siguro walang-wala na ang buhay ko ngayon. Baka nasa lansangan na lang ako at nagpapalimos.” Tumawa ako ngunit nakita kong seryoso akong tinignan ni Hades.
Tumikhim ako at pilit na ngumiti sa kaniya. Hindi siya dapat maawa sa akin. I don’t deserve his pity.
“Mabuti na lang at nangyaring nakilala ka nila. Thinking about you in the street with nothing, hungry, and homeless, it makes me sad, too. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala, I could feel that you’re a very kind person, Juno. You deserve what you have now.”
Naramdaman ko ang pamamasa ng dalawa kong mga mata kung kaya mabilis kong iniwas ang paningin ko kay Hades. I never expect to hear that from him. Well, maybe, he’s not that bad.
“Ako na ang maghuhugas ng pinggan,” presenta ko nang matapos na kaming kumain.
“No, ako na. Magpahinga ka na roon, Juno.”
Iyon ang sabi niya ngunit tumayo pa rin ako at dinala ang mga kinainan namin sa lababo. Inayos ko ang manggas ng suot kong polo-shirt at magsusuot na sana ng apron nang marahas iyong inagaw ni Hades sa akin. Nagugulat ko siyang tinignan.
“Sabing ako na, eh. Kulit mo naman,” natatawa niyang saad.
Sinamangutan ko siya ngunit tinaas niya lang ang apron kung saan hindi ko maaabot. Tumingin ako sa kaniya at kung iniisip niya na susubukan ko iyong abutin – base sa pagtaas ng isang kilay niya sa akin – ay nagkakamali siya. Bumuntonghininga ako.
“Bahala ka na nga,” ani ko at tumatawa siyang iniwan doon sa kusina.
Nagtungo ako sa malaki niyang sala at naupo sa isang mahaba at malambot na sofa roon. Ang linis talaga ng bahay niya. Parang araw-araw ay alagang-alaga. Siguro ayaw ni Hades ng marurumi kaya ganoon.
“Oo nga pala magpapadala akong mensahe kay Sir Zeus,” bulong ko sa aking sarili sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon.
Ngunit nang makita ko ang isang mensahe at missed call doon, bigla na lamang dumagundong ang puso ko sa kaba. Wala sa sarili akong napatayo at naisip na kung hindi ako umuwi ngayon mismo, susugod siya rito at mag-aamok. Hindi ko alam, pero iyon talaga ang pakiramdam ko.
“Shit, hindi naman siguro, Janus?”
To. Be. Continue
![](https://img.wattpad.com/cover/248374410-288-k396988.jpg)
BINABASA MO ANG
🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)
General FictionAphrodisiac Gentleman Series #2 Categories: Romance, Drama, BL Description: ━─━────༺༻────━─━ "You never know what my love is capable of Juno, it's stronger than you could imagine." Juno Mariano knew for sure that his love will never have a chance...