No Rights

163 17 1
                                    

Chapter Fifteen

Kahit malalim na ang gabi at magdadaling-araw na, pinilit ko pa rin si Hades na kailangan ko nang umuwi. Nagulat nga rin siya sa bigla kong pagpupumilit at kahit nakahihiya man sa kaniya, wala na akong nagawa. Mas natatakot ako sa kaisipang baka sumugod si Janus kina Hades at iyon ang mas nakahihiya. Although walang kasiguraduhan sa akin na mangyayari nga iyon, malakas pa rin ang kutob ko. I know Janus.

“Ginulat mo talaga ako, Juno. What changed your mind in an instant?” tanong ni Hades habang siya ay nagmamaneho, binigyan niya ako ng pagilid na sulyap.

Bumuntonghininga ako habang nakatanaw lang sa labas ng kaniyang sasakiyan. Wala nang text o tawag akong natanggap mula kay Janus at mas nagpaigting lang iyon ng kaba ko. Tinatalasan ko ang aking paningin, nagbabasakali na makita o makasalubong namin ang pamilyar na sasakiyan ni Janus. I know I am being paranoid right now, pero tila tinik na iyong hindi natatanggal sa akin basta pagdating kay Janus.

“Pasensiya na, Hades.” Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang isa kong kamay. “Inaantok ka na siguro pero nagpumilit pa ako.”

Nakita kong umiling si Hades.

“No, if anything, I am more worried. May masama bang nangyari bigla? Zeus already knows where you are.”

Napapikit ako. Oo nga pala. Malamang sa malamang, ininis na naman niya ang kuya niya para malaman lang kung nasaan ako. Nagtagumpay na naman siguro siyang mainis ang kuya niya dagdag pa na nakainom iyon.

Malumanay akong umiling kay Hades sabay ngiti.

“Oo, alam niya, pero hindi ang kapatid niya,” halos pabulong kong saad.

“Oh?” Mabilis na lumingon si Hades sa akin, ngunit dahil nagmamaneho, binalik niya rin kaagad ang paningin sa harap. “Are you pertaining to Janus?”

Tumango ako. “Oo. Medyo malapit kasi iyon sa akin.”

Hades chuckles. Grabe, kahit ang mababaw niyang tawa ay lalaking-lalaki. Tila nagba-vibrate iyon sa matipuno niyang didbib. Ngayon ko lang din napansin, pero nakakaantok ang bango ng loob ng sasakiyan niya, tila hinihele ako.

“God, Janus is still a kid, huh? Iyong tipo na takot pa ring maagawan ng laruan o pag-aari.”

Bahagyang kumunot ang noo ko sa narinig na iyon. Kumurap-kurap ako para labanan ang antok ko sabay hikab.

“Sabihin mo iyan sa harap niya at tignan natin kung paano niya iyan magugustuhan na marinig.” Tumawa ako.

Wala na akong narinig sa kaniya pagkatapos noon. Sa tingin ko nga ay nakatulog ako bago ko naramdaman na tumigil ang sasakiyan ni Hades. Kinurap-kurap at kinusot ko ang aking mga mata bago ko nakita sa labas ang pamilyar na mansiyon ng mga Ivan.

“We’re here,” ani Hades at hinintay akong magising ng husto bago siya ngumiti sa akin.

“Salamat sa paghatid, Hades. Anong oras na ba?”

Tumingin siya sa relo niya. “It’s already 1:30 in the morning and don’t mention it. Anytime for you, Juno.”

Sinsero akong ngumiti sa kaniya bago ko binuksan ang pinto ng passenger seat at bumaba. Yumuko ako at tumingin kay Hades mula sa nakabukas na pinto ng passenger seat. Ngumiti rin siya sa akin habang bahagyang nakapatong ang baba niya sa kaniyang steering wheel.

“Salamat ulit at…” Nahihiya kong kinamot ang aking pisngi. “Let’s grab some drinks again next time.”

Hades chuckled and his eyes sparkled. Oo nga, gwapo talaga siya.

“Sure, babe. Nasa speed dials ko na ang contact mo, I’ll be a pain in your ass from now on.”

Sumimangot ako sa kaniya pero tinawanan niya lang. Kumindat pa siya sa akin bago tuluyan nang nagpaalam. Tinanaw ko pa ang papalayo niyang sasakiyan bago iyong tuluyang nawala sa kabilang eskinita. Bumuntonghininga ako, pero natigilan din agad nang salubungin ako ng nag-aalab ng paningin ni Janus. Nakasandal siya sa gate ng kanilang mansiyon, magkakrus ang mga braso sa kaniyang dibdib. Nakasuot siya ng isang hoodie at fitted na pantaloon habang tsinelas lang ang sapin sa mga paa. Sa isa niyang kamay ay naroon ang susi ng sarili niyang kotse at naisip ko na paalis na rin siya para hanapin ako. Napalunok ako habang nakatingin din sa kaniya.

“Was that Hades?” tanong niya habang nanliliit ang mga mata at tinignan ang daan na tinahak ni Hades kanina mula sa likod ko.

Dinaanan ko ng kamay ang aking buhok bago marahan na lumapit sa kaniya.

“Janus, anong oras na. Maaga ka pang gigising bukas at uuwi na rin ang mga magulang niyo bukas. Susunduin pa natin sila,” marahan kong paalala sa kaniya.

Kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya at alam kong galit siya. Napahilamos ako sa aking mukha. Masyado na akong pagod at antok para makipag-ayaw pa sa kaniya ngayon. Tsaka isa pa, ako dapat ang galit. Kaya nga ako sumama kay Sir Zeus na lumabas at pumuntang bar na iyon para makalimot pansamantala kay Janus at sa away namin.

“Kung hindi pa sinabi ni Kuya sa akin ay hindi ko pa malalaman. Tsaka wala ka bang balak umuwi, ha? Ano? Gusto mo nang kasama si Hades?”

That’s it. Sumama na rin ang timpla ng mukha ko at sinamaan siya ng tingin na halata namang wala lang sa kaniya. Bakit ako na ang napagsasabihan ngayon? Anong karapatan niya? Sa aming dalawa, ako na ang legal sa lahat ng bagay samantalang siya ang bata. Oo, naiintindihan ko na nasa puberty stage na siya at gusto nang sumubok ng mga bagay-bagay at naiinis siya sa amin dahil harang kami nang harang sa daan niya, pero wala pa siya sa tamang edad. Kung may mangyari sa kaniya, hindi pa siya masasalo ng edad niya dahil nga menor pa siya. Bakit ba gustong-gusto na niyang tumanda agad? Dapat ini-enjoy pa niya ang kabataan niya habang hindi pa siya sumasabak sa realidad ng buhay.

“Huwag mo akong bigyan ng tono mo na iyan, Janus. Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa,” mahinahon kong ani.

Mababaw siyang natawa sa sinabi ko na mas nagpainis lang sa akin. Yep, he’s not the same Janus anymore. At masakit sa akin na hindi na siya sumusunod sa amin, sa akin.

“So, you have the rights to be all authorities to me while I have no rights to any of you? Bakit? Dahil I am still a kid? Fuck that! Naiinis ka dahil pinagsabihan ka kaya ano sa tingin mo ang naramdaman ko nang ikaw ang gumagawa niyan sa akin?” galit niyang turan. “Then, if you don’t want to be a bitch over you, don’t be a bitch over me, too. Magsama kayo ng Hades mo and see if I will care from now on. Mukhang masayang-masaya ka naman kasama siya.”

Ang imahe niya kasama ng Ken na iyon na huli kong nakita kahapon ay mas nagpaigting ng galit sa puso ko. Fine, kung iyan ang gusto niyang mangayari, then be it.

“Sige, huwag kang mag-alala,” matapang kong saad, nilalabanan ang bara sa aking lalamunan. “Sasabihin ko sa mga magulang mo na tapos na ako sa iyo at sa responsibilidad ko sa’yo. Na pagod na ako. Mula ngayon, kay Sir Zeus na lang ang buong atensiyon ko at bahala ka na sa buhay mo total iyan na rin naman ang gusto mo. Magsama rin kayo ng Ken mo!”

Hindi ko na siya hinintay na magsalit pa ulit o kung ano man ang naging reaksiyon niya at nilagpasan siya para makapasok na sa loob. Gusto niyang hayaan siya dahil hindi na siya bata? Okay, sige. Bahala na siya sa buhay niya mula ngayon.

To. Be. Continue

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon